Chapter 23: Confusion

96 22 0
                                    

When Candice shouted the only thing I knew was my sight became dark. Minutes had passed, and I only heard shouting, groaning from pain, the pleading voices of men around me, and scratches. The air smells refreshing.......fresh blood all around the corners. The burning sensation inside me was as hot as I expected. 

Ang bawat malalim kung paghinga ay mas malinaw ko nang naririnig. I was panting, gasping for air. Tila ako ay nanggaling sa malayong pagtakbo dahil sa bilis nang pagtaas baba nang balikad ko at pagtibok nang puso. What was just happened?

Did I do it again?

Nakita ko na lang ang sariling nakatayo at nababalutan nang dugo. Ang paligid ay tila kinulayan nang pula dahil sa mga dugong nagkalat. May dalawang bangkay nang lalaki, tiningnan ko ito ngunit agad ko ring iwinaksi ang tingin dahil sa kalunos-lunos na sinapit nang kanilang mga katawan. Puro ito kalmot, malalalim na kalmot na hindi ko alam kung umabot ba sa kanilang mga buto. Ang kanilang mga leeg ay wakwak na tila ba ay hinila ang kanilang lalamunan mula rito. 

Agad nilibot nang aking mga mata ang paligid. Shet! Wala naman akong ibang bangkay na nakita kung hindi ang dalawang lalaki. Napatingin ako sa likod nang malaking puno nang may gumalaw doon.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa likod nang puno at naabutan si Candice na takot na takot, ang dress nitong kanina ay puting-puti ay ngayon ay wala na akong makitang kalinisan dahil sa nababalutan na ito nang dugo. Nanginginig ito at tila hindi mapakali, pilit niyang isinusuksok ang sarili sa katawan nang malaking puno. Akma akong lalapit nang magsalita ito.

"L-lune...w-wwag kang la-lapit. P-patayin mo rin ba ako?", nanginginig na saad nito habang yakap-yakap ang mga sarili. Hindi ko naman sinasadyang mawalan nang kontrol kanina. 

"Kung papatayin kita ehh di sana kanina ko pa ginawa nung nasa library pa lang sana tayo.", seryoso ko saad dito. Wala naman akong planong patayin siya, kaya nga iniligtas ko siya eh kasi ayaw ko siya mamatay. 

"P-patayin mo ako ehhh....katulad n-nung ginawa mo dun sa dalawang l-lalaki kanina na gusto akong patayin. Huhuhuh", umiiyak na saad nito sa akin. Ano ba yan! Nagsisimula na naman akong maiinis sa kanya. Piligilan niyo ako masasapak ko toh! 

"Tanga ka ba? O sadyang hindi mo lang talaga maintindihan? Bakit pa kita niligtas kung papatayin din kita? Ano yun saving before killing?", inis kung saad dito. 

Inihalukipkip ko muna ang mga kamay at seryosong tiningnan ito. Hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya. Napaatras naman ako nang bigla itong tumayo at dumamba papunta sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang sunod na gagawin nito. Akala ko sasampalin niya ako pero nagulat ako sa kasunod niyang ginawa nakayakap na ito ngayon sa kanan kong binti habang umiiyak.

"C-candice! Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga diyan!....Bitaw na!", pilit kong inaalis ang mga kamay nitong nakapulupot pa rin sa mga binti ko pero kahit anong pilit ko ay lalo pa nitong hinihigpitan ang pagyakap. 

Fudge! Sisipain ko na ito.

"Candice, bitaw na-", napatigil ako sa susunod nitong sinabi.

"Lune, promise ma-magpapakabait na ako! Huhuhuh. Promise hindi na kita tatarayan, hindi na kita ibubully. B-ba-basta wag mo lang akong papatayin hah.", pagmamakaawa nito habang nakaangat na saakin ang mukha nito at maluha-luhang nakatingin sa akin. 

Napangisi naman ako. Parang kanina lang gusto na ako nitong mamatay. Change of hearts ba? Nakakapanibago siya.

"O-oo s-sige na tumayo ka na diyan!" utos ko dito. Agad naman itong tumayo at tumingin sa akin. 

Nauna na akong maglakad papunta sa mansyon at sumunod naman sa likod ko si Candice.

"Lune, Thank you!", mahina nitong saad sapat na para marinig ko.

ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon