Chapter 8: Keven

119 33 0
                                    

Agad-agad akong nagmadaling pumunta dito sa ospital ng tumawag sa akin si Lucas. Nandito na ako sa elevator. Susmeo siksikan pa, agad kong pinindot ang fourth floor kahit magkanda yupi na ang aking katawan dahil sa  dami ng tao dito. Wala pang limang minuto ay tumunog na ang elevator hudyat na nandito na kami sa fourth floor medyo lumuwag na man ang kaninang mala sardinas na eksena dahil yung iba ay bumaba na sa mga floor na nadaanan. Agad kong hinanap ang room number ni Keven, room 186.

Tinakbo ko na ang kwarto ng makita ito. Binuksan ko agad ang pinto at agad na sumalubong sa akin si Lucas na nasa may pinto lamang pala nakaupo. Hinanap ng mata ko kung nasaan si Keven, akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya pero............

Keven? Nakaupo ito sa kama at nakasandal sa unan, nakapikit ito habang kinukuhaan ng vitals ng isang nurse,  napakasigla nitong tingnan, wala na siyang oxygen support at kung ano pa tanging swero lang. Hindi mababakas sa itsura niya ang nangyari sa kanya isang linggo lang ang nakakaraan. Nasaan na ang mga benda niya? Wala? 

A-at tila namutla ata siya ngayon ang buhok niya parang buhay na buhay. Parang may mali ata sa nangyayari dito.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad na hinila si Lucas palabas habang hindi pa napapansin ni Keven ang pagdating ko.

"Bakit pre? Grabe ka makahila hah.", asar nitong saad habang hawak ang namumula nitong braso, napahigpit pala ang hawak ko.

"Anong nangyari kay Keven? Nasaan na yung mga benda niya?", mabilis kong tanong dito. Paano iyon nangyari eh isang linggo pa lang ang nakakaraan ng mangayari ang insedente? Ano yun bigla na lang gumaling ang mga sugat niya?

"Hindi ko din alam pre. Kaya nga bigla kitang tinawagan eh. Tsaka paparating na rin sila Cole natawagan ko na rin. ", bakit parang wala siyang napapansin, sa tono ng pananalita niya ay parang wala namang mali sa nangyayari.

"Ohh ginagawa niyo dito sa labas? Anyare sayo Ace mukhang gulat na gulat ka ata? Wag nyo sabihing may nangyari kay Keven", hindi ko namalayang dumating na pala si Matthew, kasama si Cole at Steven. 

"Wala-wala over acting lang talaga itong si Ace. Tara pasok na tayo",  saad ni Lucas na kalmado lang. Wala ba siyang napapansin?!

Naunang silang pumasok habang ako ay hindi pa rin mapakali. May mali talaga dito. Takte naman oh!

"Ohh ayan si Keven ohhh. Hindi ko muna sinabi sa inyo para surprise.", masigla nitong saad habang itinuro si Keven na ngayon ay gising na.  Nag fist bump ang iba at ang ilan naman ay yumakap.

"What's up brother? You know nung wala ka lahat ng chix mo sakin pumupunta", pang-aasar ni Steven sa kapatid nito.

"Wehhhhhhhhhh!!!??", sabay-sabay naming saad. Ang tahimik na kwarto kanina ay napuno ng batian at pangangamusta.Masaya akong gising na siya ngayon.

 Papalapit na sana ako sa kanya ng bigla itong tumingin sa akin dahilan para mapatigil ako.

"Uyyy Ace ano ka diyan. Di mo ba ako lalapitan?", mapang-asar na wika nito.

Y-y-yung m-mga mata niya bakit nagiba. Keven has a colored coffee eyes but now why it was colored orange? Dahil ba sa nangyari sa kanya? 

Nang lapitan ko ito ay nakumpirma kong  nagbago nga ang mga mata niya. Tiningnan ko ang iba naming kaibigan, ako lang ba ang nakakapansin ng lahat ng nagbago sa kanya?

"Kamusta naman pakiramdam mo bro? Mukhang makakapang chix ka na ulit hah.", inaasar ni Matthew si Keven ngayon. Ang tatlo nila Lucas, Cole at Steven ay lumabas na muna para bumili ng pagkain hindi daw kasi sila nakapag prepare. Nakaupo lang ako sa sofa sa may gilid  baba ng higaan ni Keven, malapit sa may pinto.

ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon