Chapter 25: Burned (Monitum⚠)

100 23 0
                                    

Isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking katawan na nagpabuhay sa aking buong sistema.

"Gising na!", sigaw nang lalaking pihadong nagbuhos nang malamig na tubig sa akin.

 Hindi ko pa rin maramdaman ang aking mga binti tanging ang kalahating katawan ko lang ang aking nararamdaman. Nakataas ang aking mga kamay dahil sa mainit na bagay na nakagapos mula rito. Bawat galaw ko ay nararamdaman kong bumabaon ang bakal na napulupot sa aking dalawang palapulsuhan. They used silver chains to wrap my wrists. Bahagya kong iminulat ang mga mata at agad nasilaw sa liwanag. Agad akong napapitlag nang kumpleto ko nang iminulat ang mga mata at nakita ang sikat nang araw hindi kalayuan mula sa akin, nanggagaling ang liwanag sa aking harapan mula sa itaas nang aking ulunan, sa itaas nang dingding sa akinbg likuran. 

Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala ako sa isang malapad na bato na nakadikit sa dingding, medyo umangat lang ito nang bahagya sa sahig na gawa sa magaspang na semento. Nakasuot na ako ngayon nang bistidang manipis na kulay puti, pero mukhang luma at madumi na rin ito.

Hindi ko pa rin maramdaman ang aking mga binti, ni hindi ko ito maigalaw. 

"Mukhang gising na siya, Alpha." saad nang baritonong boses ni Cole. 

Nagsimula akong mapatawa, humalakhak na ako sapat para mabaling ang atensyon nang lahat. Hindi ko man sila tingnan ay alam ko kung sino-sino ang lahat nang naririto. Si Cole, ang nanay ni Sol, asawa nito, ang iba pang mga bisita, ang lalaking naka hood na may kwentas na emerald,at syempre ang Alpha, si Sol. Patuloy lang akong nakayuko pinipilit ko kasing paggalawin ang mga binti ko.

"Anong tinatawa-tawa mo babae? Nababaliw ka na ba?", mataray na saad ni Mrs. Walter. Naiinis ata ito sa paraan nang pagtawa ko. Mainis ka pa, gusto kong makita kung hanggang saan mo kayang pigilan ang inis mo sa akin.

"Hahahahaha, akala niyo talaga hindi ko alam ang plano niyo? Masyado kasi kayong halata ehhhh....Nawala tuloy yung excitement. Nakakaboring naman itong plano niyo.", mapang-asar na saad ko dito habang pinipigilan ko ang paglabas nang mga halakhak. Totoo naman na alam ko na may plano ang babaeng ito, ang hindi ko lang napaghandaan ay si Sol.

"Huh, ija hindi ka maboboring sa mga susunod na araw na nandito ka...", saad naman nito. Sure ka ba? Baka pinapaasa niyo lang ako?

Iniangat ko ang tingin ko sa mga taong nasa harapan ko ngayon at tamad ko itong tiningnan kasabay nang pagsilay nang aking mapanlokong ngiti. 

"Bakit hindi pa ngayon. Naboboring na kasi ako ngayon ehh.", inaasar ko talaga ang babaeng ito.

"Alpha, can you torture now this monster....I want to see her suffer.", I didn't see that coming. I saw Candice on the left side of Sol clinging to its arms and Sol he was holding Candice hand. Tila kumirot ang puso ko sa nakikita ko ngayon. I chucled, pagkatapos nun ay bumalik ako sa pagyuko  dahil nararamdaman ko na naman ang init sa gilid nang aking mga mata.

"So......t-that was all an act. Bravo! Napaniwala niyo ako dun, you all deserve an award. Maybe a Grammy award.", sa bawat salita ko ay pilit kong tinatago ang sakit na nararamdaman ko.

"Ohh, Lune, kawawa ka naman....Sayang yung pag saved mo sakin. Ngayon ikaw naman ang nandyan sino naman magsasaved sayo?",  nagsisisi akong niligatas ko siya kagabi. This is the reason why I don't want in meddling on other's businesses. Yung kakaunting tiwala ko ay tila wala nang natira. I really fucking hate trusting.

"Ayy Lune, ang bad mo! Itinapon mo pala yung engagement ring na binigay sa akin  ni Alpha dun sa sinunog mo. Ayan tuloy hindi ko na mahanap....", maarte nitong saad at lalo pang isiniksik ang sarili sa katawan ni Sol, wala pa rin itong imik. 

"Engagement ring? Hahahaha nakakatuwa naman. Andami kong nalalaman ngayon. Need bang mag celebrate tayo?", sarkastiko kong saad.

So....that night he lied. All the sweet words were a lie? 

ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon