Tumingin ako sa orasan na nakasabit, halos mag iisang oras at kalahati na kaming naghihintay dito, wala pa ring lumalabas sa kwarto, umaga na rin kaya yung iba ay nakatulog na, puyat ata.
Hindi na mapakali ang mga paa ko at nahihilo na rin ako sa taong kanina pang palakad lakad dito sa buong sala.
Hindi ko na kaya toh!
"Ano ba! Pwede ba Keven umupo ka muna!Nakakahilo ka na!",, mukhang alam niyang naiinis na ako dahil tumigil naman ito at umupo na lang sa swivel chair sa tabi. Boyfriend ka ba? Daig pang boyfriend ayy!
Lahat naman kami napatingin sa kwarto ng may magbukas ng pinto. Lumabas si Pards kasama ang dalawang doktor. Hindi ko na nahintay na magsalita si Pards at tinanong na kaagad ito.
"Pards! K-kamusta po si Lune? Okay na po ba siya?", kinakabahan ako sana wala namang masamang nangyari sa kanya pero parang wala naman hindi naman kasi mukhang may nangyaring masama.
Tumingin lang sa akin si Pards at tumingin sa doktor ng magsalita ito. Ayy attitude si Pards, pero di ko masyadong na gets ang sinabi ng doktor.
"Nicholai, just do what I've told you to do", salita ng babaeng doktor. Mukhang medyo malala yun ah sa pagkakaintindi ko lang hah kasi seryoso yung pagkakasabi ng doktor.
"Yeah, I get it. Thank you to both of you.", saad naman ni Pards sa dalawang doktor at nakipag kamay sa mga ito. Aalis na agad sila? Bilis hah? Wala bang bayad?
"Call us if something happens.", nakangiting saad nung lalaking doktor. Pagkatapos nun ay inihatid na ni Pards yung dalawang doktor, nagpaalam na ang mga ito sa amin. Isinarado muna ni Pards ang pinto, lahat kami ay nakaabang sa sasabihin niya.
"Don't worry Lune was fine.", malumanay na saad nito habang nakatingin sa amin. Hayyy salamat naman, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng lahat lalong lalo na itong si Keven.
"By the way, sino nga pala ang mga lalaking ito? Hindi ko na naitanong kanina, pasensya na.", nakataas na kilay na saad ni Tito. Oo nga pala hindi ko nasabi sa kanya kanina.
Hinintay ko na may mag-salita tiningnan ko na sila isa-isa pero nganga walang nag-sasalita.
Nagtitinginan pa ang mga loko!
Nung walang kumikibo ay mag-sasalita na sana ako nang unahann naman ako ni Matthew.
"M-mga k-kaklase po kami ni Lune.", halatang kinakabahan na sagot nito. Don't worry di ka naman kakainin niyan ni Pards.
"Ahh, this was the first time I saw visitors in Lune's place.", manghang saad nito.
"Hindi ko na aalamin pa ang lahat. Mukha namang mababait kayo. And by the way umupo na kayo mangangalay kayo niyan", umupo naman ang lahat. Sinabihan ako ni Pards na mag timpla ng kape para sa kanya, pero wala namang creamer at asukal dito pero he insisted kaya nagtimpla na lang ako kahit pure na kape lang.
Magtatanghalian na nang mapag pasyahan ng grupo ni Ace na magpaalam na muna dahil may mga kailangan pa daw itong asikasuhin, ayaw pa sana ni Keven pero sinabihan ito ni Pards na magpahinga na muna kahit mukhang di naman niya needed. Ganun ba talaga kapag bampira, laging fresh?
Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng pananghalian, si Pards naman ay nasa couch lang at nakatulog na dahil sa pagod. Nabanggit din niya na huwag ko na munang puntahan si Lune sa kwarto nito, mamaya na lamang daw kapag naggising si Pards.
Pero kanina...................nung dumating si Lune, hindi ko alam kong namamalikmata ako kanina gawa ng ilaw pero kasi yung mata niya, parang-parang kulay naging kulay itim at hindi lang yun yung mga litid niya sa buong katawan naging kulay itim.
![](https://img.wattpad.com/cover/369282059-288-k184467.jpg)
BINABASA MO ANG
ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1
Vampir"Are monsters born or created? You choose." Libyrinth Lune Dela Merced is a mysterious woman as cold as ice, kept away and feared by everyone. But despite her bad personality is the fact that she just doesn't want to hurt the people he loves. She on...