Nandito ako sa tambayan namin mag totropa nag papalipas ng sama ng loob. Malapit ko na talaga silang pag sasapaksapakin isa isa.
"Mas pinili pa talaga nila 'yung babaeng 'yun. Take note pinag tanggol pa nila." Inis na sambit ko na maalala nanaman ang nangyari kanina.
Sa subrang inis ko binato ko ng malakas ang tumbler ko' na nasa tabi ko lang. Wasak ang takip, yupi rin ang ibang bahagi niya. Pero hindi parin umupa ang inis ko kaya pinag sasapak sapak ko ang sahig hanggang dumugo ang mga kamay ko.
Wala akong nararamdaman na sakit,
Isa lang ang masakit ngayon ang puso ko.Naramdaman kong nanunubig ang mga mata ko kaya pinaglapit ko ang binti ko at dumukdok. Napa hikbi ako ng mahina. Pinipigilan ko ang mga luha ko lumabas.
"Zeliyah..." Napa angat ako ng tingin ng narinig ko ang mahinang tinig na boses ni carmelo.
Napatayo ako bigla at lumayo ng kaunti sa' kanya. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
"Anong ginagawa mo dito!?" Bulyaw ko sa' kanya. Malambot niya akong tinignan.
Hindi na gagana sa' akin 'yan.
"Zeliyah..." Mahina niyang sambit. "Yung kamay mo dumudugo."
"Wala kanang pake dun."
"Zeliyah... Hindi namin intensyon 'yun." Napatawa naman ako.
"Hindi niyo intensyon?" Lalo pa akong natawa. "Hindi niyo intensyon saktan ako? P*tangina ako yung nandyan para sainyong lahat! Pero bakit siya!? Siya yung pinagtangol niyo? Nag mukha ako talonan kanina." Tumulo ang mga luha ko na kanina ka pang pinipigilan.
"Sorry." Dun sunod sunod bumagsak ang mga luha ko.
"Sorry!? Sorry!? SORRY!? P*tangina naman Carmelo ano bang kulang ko!? Ako yung nandyan para sainyo! Ako 'yung nandyan para damayan kayo! Ako 'yun nandyan para pasayahin kayo! Pero t*ngina ako parin 'yung talo." Sa subrang galit ko nanghina ako napaupo na lang ako sa maruming sahig.
"Carmelo, Ubos na ubos na ako..." Nanghihinang sambit ko.
Nakita ko na papalapit siya sa' akin. "P*tangina mo! 'Wag na wag ka ng lalapit sa' akin." Sigaw ko sa' kanya. Huminto naman siya sa binabalak niya pag lapit sa' akin.
"Hayaan mo kami mag paliwanag." Narinig ko ang isang pamilyar na boses. Tinignan ko 'ito. Lalo akong napaiyak ng makita ko sila lahat ulit.
"Paliwanag!? Ikaw! Kuya ang akala ko proprotektahan mo' ako! Pero ikaw rin pala ang dudurog sa' akin!" Lumakas ang mga hikbi ko. Napayuko nalang siya.
"Hindi namin 'yun ginusto zeliyah! Hindi namin sinasadya!" Sinusubukan ako lapitan ni xavi ngunit lumayo ako lalo.
"Hindi sinasadya!? Eh ano 'yung kanina? Na mas pinili niyo 'yung trisha na 'yun!?" Bulyaw ko sa kanilang ulit.
"Wag kayong lumapit!" Banta ko sa' kanila. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pag aalala.
May lakas loob pa kayong mag alala sa' akin pag katapos sa ginawa niyong karantaduhan sa' akin? Nakakatuwa! Subra nakakatuwa talaga!
"Lubayan niyo ako." Mahina kong sambit sapat na yun para marinig nila.
"Zeliyah.." Tinignan ko ng matalim ang mga kaklase ko.
"Mag sama kayo." Tumakbo na ako papaalis sa' kanila. Muntik pa nila akong mahawakan pero nailagan ko iyon.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang gusto ko lang ang mag pakalayo sa' kanila.. Sa'kanya.
Tinigil ko naman ang pag takbo ko ng makapos ako ng hininga. Napansin ko na tumigil ako sa isang palaruan ng mga bata, walang katao tao ako lang mag isa pero mas okay na 'yun.
Umupo ako sa duyan. Pag kaupo ko dun ay lutang na lutang ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka ko 'yun binasag.
Mautak ang mga 'yun. Alam kong masusundan nila ako dahil may kinabit sila na tracker sa cellphone ko.
"Mga g*go..." Natawa nalang ako ng mahina saka tinignan sa taas. Naramdam ko naman unti unti na namang nanunubig ang mata ko. Pinikit ko nalang ang mata ko.
"Gusto mo ng panyo?" Napa dilat ako ng marinig ko ang isang boses na pamilyar sa' akin, ang boses ng kinamunihan ko.
"Pls... 'Wag ngayon..." Sambit ko. Umupo siya tabi ng duyan.
"Inaway ka' ba nila?" Napa titig ako dahil sa boses ni 'to. May pagkalambing.
"Bakit sasapakin mo sila?" Tanong ko sa' kanya.
"Pwede rin." Natawa naman ako sa sagot niya.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko. Nilingon niya ako saka bumalik sa pag tingin sa itaas.
"Bakit bawal ba?" Pambabara niya sa' akin.
"Pag ako napikon. Sinasabi ko sayo." Pag babanta ko pero tinawanan niya lang ako. Lumapit siya sa' akin saka pinunasan ang pisnge ko.
"Wag kang umiyak... Di bagay sayo." Sambit niya.
"Pero pinaiyak mo' ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Lumabot ang tingin niya sa' akin.
"Pinag sisisihan ko 'yun. pero mukhang hindi mo na ako mapapatawad, pero ayos lang kasalanan ko naman 'yun." bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Bahagya kong tinago iyon sa likod ko. Kinuha niya ang kamay ko sa likod.
"Dumudugo zeliyah." Nag aalala niya sambit. Nginitian ko siya ng maliit. Binawi ko ang kamay ko.
"Hindi naman masakit."
"Yabang." Hinawakan niya ang dulo ng t-shirts niya saka 'yun pinunit.
"Hoy! Bakit mo pinunit?" Tanong ko. Hindi naman niya ako pinansin kinuha niya ang kamay ko at tinali ang napunit niyang t-shirts sa kamay kong nagdudurogo. Hinayaan ko nalang gawin ang gusto niya.
"Nakakamis pala noh?"
"Yung ganto?" Tumango siya.
"G*go ka eh."
"Oo, g*go ako."
"Buti alam mo." Natawa nalang kami sa sumbatan namin dalawa.
"Hindi na talaga pwede?" Napatahimik ako sa sinabi niya.
"Hindi na talaga pwedeng ibalik?"
"Miss ko na 'yung ganto, miss na kita...subra."
Hindi ko alam... Masakit, hindi ko pa kaya mag tiwala ulit. Masyadong masakit ang nangyari.
And know I thought they wouldn't let me get hurt but they choose that girl, it hurts to think that i was there for them but they choose that traitor girl.
I don't how to start again, even my older brother hurt me. Not physically but emotionally. They are only my strength but they slowly bringing me down. Unti unti nila ako dinudurog.
Ubos na ubos na ako...

YOU ARE READING
Only girl in class
RomanceZeliyah is different from other girls, she always cause troubles of her old school. zeliyah is just a simple girl. She doesn't like make up, she doesn't like girly's dressed. most of his friend's are boys instead of girls, she also dream of having...