chapter 01

198 16 0
                                    

01: 𝙉𝙚𝙬 𝙨𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡, 𝙣𝙚𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚

Nasa harap ako ng hapag kainan kasama ang mga kuya's ko syempre. Kasama na 'yung mga magulang ko. maliban sa kambal ko na nauna na pumasok.

"Yung bilin naman sis." Napairap nalang ako sa kawalan ng sabihin na nanaman ulit.

"Oo na! 'Wag na wag gagawa ng gulo." Sarkastiko kong sambit. Tinawanan lang nila ako.

"Alam na ba ni kuya den?" They just shrugged their shoulder.

"Nasabi mo na ba?" Umiling ako.

Dun ako papasok sa school ni kuya den which is kambal ko. At sa tingin ko hindi pa alam ni kuya den.

Surprise ko nalang siya hehe.

Hindi na nag tagal ay tumayo na kami. Ihahatid muna daw ako ni kuya. Nag away away pa nga sila kung sino ang mag hahatid sa 'kin pero kay kuya zy ang huling halakhak.

Nasa kotse ako ni kuya zy hinihintay ko dahil naiwan niya sa loob ang susi ng sasakyan. Hindi rin nag tagal ay dumating na siya saka sinimulan paandarin ang makena.

Pinikit ko nalang ang mata ko pero bago muna ako umidlip ay kinuha ko muna ang earphone ko saka sinaksak sa tenga.

Napadilat ako ng may tumatakip sa pisnge ko. 'Yung mahina lang.

"Bunso, nandito na tayo." Lumabas na ako ng kotse sa sinabi ni kuya zy.

Pinagmasdan ko ang papasukan ko gate palang... Taray, infairness maganda.

"Anong masasabi mo?" Tanong sa 'akin ni kuya na nasa tabi ko.

"Subrang ganda." Mangha kong sambit. Maganda naman 'yung mga dating paaralan ko pero ito ibang klase.

Subrang linis ng gate wala kang makikitang kahit ni isang kalawang.

"Gusto mo samahan pa kita sa register?" Tanong sa 'akin ni kuya.

Umiling naman ako. "Wag na kuya." Malapad na ngiti kong sambit.

"Sure ka?" Tumango ako.

Pumayag naman ito bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa pisnge at sa nuo.

Kahit dragon 'yan, Labs na labs ako niyan.

Tuluyan na nga siyang umalis. Hindi na ako nag patumpik tumpik ay agad na akong pumasok. Pero pinigilan naman ako ng isang guard.

"Miss, id mo? Hindi kapa naka uniform." Mahinahon niyang sambit.

"Kuya transfer po ako." Ani ko. Agad naman siyang humingi ng tawad.

"Okay lang po kuya." Magalang ko sambit nginitian ko 'ito ng malapad. Nginitian rin ako ni 'to.

Basta kung magalang ka ngi-ngitian kita, kung bastos ka 'wag mong aasahang gagalangin kita. 

Pag kapasok ko ay mas lalo akong namangha dahil sa subrang linis. Wala kang makikitang kalat kahit sa sulok sulok. Mas lalo pang gumanda ang paligid dahil maraming halaman ang napapaligiran dito.

I-uuwi ko 'yung iba dito para kay mama... Charot mamaya ma-guidance ako, yari na nanaman ako ni 'to kila kuya.

Hinanap ko 'yung register dito pero parang paikot-ikot lang ako dito. Para akong ligaw na pusa so no choice need ko mag tanong sa mga estudyante dito

Nilapitan ko ang isang lalaking malapit lang sa gawi ko. "K-kuya..." Kinakabahan kong ani. Jusko bakit naman ako kakabahan. Charizzz.

"Yes?" Tanong niya sa 'akin. Ngiting malapad ang bumungad sa 'akin. Omg 'yung dimple.

Only girl in class Where stories live. Discover now