Chapter 03

133 14 0
                                    

03: 𝙉𝙤𝙩 𝙗𝙚𝙡𝙤𝙣𝙜

Nandito ako nag lalakad papunta sa room. Mag isa lang dahil kung kambal ko nauna na. galing noh?

"Liyah!" Isa lang ang tumatawag sa 'akin na liyah.

"Kuya alden." Ngiti kong salubong ko sa 'kanya.

Agad naman niya ako niyakap. "Miss na kita agad." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Miss na rin kita." Tungon ko. Humiwalay naman siya sa pag yakap sa 'akin.

"Mag isa ka lang?"

"Opo."

"Hatid kita sa room niyo." Saad niya.

"Oks lang sa'yo?" Tumango siya. Nag simula na kaming mag lakad naka akbay siya sa 'akin agad ko 'yun inalis.

"Bigat ng braso mo." Reklamo ko. Pero mas lalo pa niya ako inakbayan.

"Kuya!" Sita ko. Inalis na niya ang braso niya sa 'akin. Pinigot naman niya ang ilong ko.

"Reklamador ka pala." Pang-aasar niya.

"Nye nye nye. Reklamador ka pala." Pang gagaya ko. Tinawana niya lang ako.

"Ganito pala feeling na may kapatid kang babae." Saad niya. Tila parang hindi parin siya maka paniwala.

"Bakit wala kang kapatid?" Tanong ko.

"Maselan mag buntis si mom, kung mabubuntis man siya pwede niya 'yun ikamatay." Kwento niya. "Kaya minsan lagi akong mag isa sa bahay, nasa trabaho kasi sila."

Buti nalang meron akong kapatid ayaw ko 'yung laging akong nag iisa. Hindi namin lagi pwede sila Rey dahil busy rin sila.

"Dito na lang kuya." Saad ko kay kuya Alden. Nandito na kasi ako sa tapat ng room.

"Sabay tayo mamaya mag lunch, ah? Pero baka sasama 'yung mga tropa ko. Okay lang sa'yo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Opo, basta may kasama ako." Ginulo niya naman ang buhok ko.

"Wag! Hirap kaya mag ayos ng buhok!" Talim kong saad sa 'kanya. Hinalikan niya ang nuo ko saka na siya nag paalam.

Inayos ko muna ang buhok saka tumapat sa pinto. Gaya ng kahapon ay rinig na rinig ang ingay nila dito sa labas.

Bumuntong hininga muna ako. "You can do this zeliyah, fight!" Unti unti kong binuksan ang pinto. Pag kapasok ko bigla silang tumahimik.

Yung totoo Angel ba ako? Syempre kahit lahing demonyo ako. Charizzzzz.

Nag lakad ako papuntang upuan ko malapit sa bintana. Sumunod-sunod naman ang mata nila,

Hindi po ako killer, HUHUHUHUHU. 

Sa wakas ay nakarating na ako sa upuan ko. As usual naka tingin na naman ako sa bintana, Hindi ako makatingin sa harap saka sa gilid dahil pag tumingin ako sa harap at gilid automatic sasalubongun ang mga mata ko sa 'kaninang lahat.

Gets niyo? Ako oo.

Dahil na bored na ako kakatingin sa bintana ay may kinuha akong libro sa bag ko. Alam na dis mag babasa ako.

Book worm po ako.

"Uy! Ano yan?" Nagulanta ako ng bigla may nag salita sa gilid ko.

"Ano ba yan!?" Gulat kong saad sa 'kanya. Nag peace sign naman siya sa 'akin.

"Wag mo akong gulatin! Magugulatin ako!" Diin kong saad sa'kanya.

"Sorry zel, hindi ko naman alam magugulatin ka pala." Pag hingi niya ng tawad sa 'akin ni eric.

Only girl in class Where stories live. Discover now