04: 𝘾𝙡𝙤𝙨𝙚?
Hanggang ngayon ramdam ko ang bigat sa paligid ko. Mag iisang oras na kaming ganito wala ni-isa ang nag subok mag ingay.
"Oh, himala hindi kayo maingay." Bungad sa'min ni sir glen tila na mamangaha pa. Pero ni-isa sa'min ang walang nag salita.
"Napa tahimik mo ba sila zeliyah?" Biglaan tanong sa'kin ni sir. Natameme naman ako.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Zeliyah, im asking you..." Nag hihintay na tungon ni sir.
"H-hindi po sir..." Pahinang tungon ko pero sapat na 'yun para marinig niya.
"Kung hindi ikaw, sino?" Takang saad ni sir pero nandun parin ang mangha.
"May lahing chismoso ka ba? Can you just stop my twin?" May bahid na galit na sabat ni kuya den.
Natigil kami ng humalaklak si sir. "Chill... Masyadong mainit ang ulo mo."
Baliw na si sir...
"I came here to say..." Pag bibitin ni sir. "Wala munang klase ngayon, may biglaang meeting kami."
Biglang nag hiyawan ang mga iilang kaklase ko. Daig pa 'yung nanalo sa loto sa subrang ingay.
"Quiet!" Biglaang sigaw ni sir. Natahimik naman sila pero rinig parin dun ang saya at mahihinang hiyawan. "You can all make noise as much as you want, malayo naman ang faculty sa room niyo." Pag bibilin ni sir. Narinig ko ang hiyawan nila.
''Wag lang kayo pagala-gala masyado sa campus kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay sir Julian niyo." Pananakot nito. Mukha ba kaming bata sir?
Umalis na si sir dahil kanina pa daw siya ihinihintay sa faculty room.
Kung kanina walang nag sasalita ngayon akala mo may party nagaganap dahil ang iingay nila.
May nag lalaro, may nag uusap, may nonchalant rin sa dulo 'yung ang subrang tahimik. Lonely boy era ata nila. May nag ti-tiktok pa.
Pinag mamasdan ko lang sila. Umiiwas naman ako ng tingin dahil minsan sinusulyap nila ako. Tahimik ko lang sila pinag mamasdan ng may kumalabit sa'kin.
Si eric lang pala. "Bored ka?" Tanong ni 'to sa'kin bahagya pa niyang tinulak si kuya den na nasa tabi ko lang.
"The fvck!? Why are you pushing me?" Matalim na tanong niya kay eric.
Ngumuso siya. "Tabi kami. Alis ka tabi kayo ni carmelo, diba best friend mo 'yun?" Nakangiti saad ni eric. Mukhang mag babangayan 'tong dalawang 'to.
"Who are you to follow?" Taas kilay ni kuya den.
"Ako si ericson dale Lopez!" Proud at masiglang tungon ni eric.
"So?" Pambabara ni kuya.
"Tabi nga kami!" Maktol ni eric.
"Hindi." Niyakap pa ako ni kuya ng mahigpit. Saka nilayo ako kay eric.
Isip bata pag dating sa'kin. Actually lahat po sila:) isip bata kahit dragon 'yung mga 'yun pero pag dating sa'kin malambot sila kaya labs na labs na labssss ko sila
Ramdam ko ang tingin ng iba sa'min lalo na 'yung isang lalaking kanina daig pa 'yung yelo ang boses. Lamig! Pero mas malamig ako syempre sarili ko pupuriin ko.
"Hihiramin ko lang si zeliyah, e! Damot mo!" Patuloy parin sa pag maktol si eric.
Bumitaw muna si kuya bago sumbatan si eric. "Hiramin mo lang lahat 'wag lang ang baby ko!"
"Isip bata!" Bulyaw ni eric.
"Atleast sa baby ko lang!"
Kanina si kio ang kaaway ngayon ito naman si eric. Baka love language nila ang mag away away.

YOU ARE READING
Only girl in class
RomanceZeliyah is different from other girls, she always cause troubles of her old school. zeliyah is just a simple girl. She doesn't like make up, she doesn't like girly's dressed. most of his friend's are boys instead of girls, she also dream of having...