Prologue

9 1 3
                                    

Hindi ako takot maiwan. Okay lang sa akin na maging mag-isa. Nasanay naman na ako. Strong kaya ako.

Pero bakit sa kaniya, labis akong nasasaktan. Siguro kasi naging dependent ako sa kaniya.

"Tabs, I like you a lot," pag-amin ko. Katatapos lang ng klase niya kaya kararating lang niya rito sa tambayan namin, which is sa garden ng school. Nandito kami sa may kubo.

"Grabe naman ang bungad mo sa akin, Jeia! Oo na, you really like me as your best friend. Ako lang naman nakatitiis ng ugali mo." Pilyong sabi niya at umupo siya sa tabi ko.

"I'm not kidding. I like you, as a man." seryosong sambit ko.

"Bakit? Why me?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"I don't know. This is just what I feel." Paliwanag ko.

"That's bullshit, Jeia! We're best friends." Seryoso na siya ngayon.

"Yes! That's why I wanted to be honest with you." Hindi ko alam pero naiiyak na ako.

"I value you, Jeia. But, I only see you as my little sister. When we were kids, I was so happy because I met you. As an only child, I longed to have a sibling. I never thought of adding romantic feelings to what we have." Tila tinusok ng kutsilyo ang puso ko sa mga tinuran niya. Alam ko naman na ito ang sasabihin niya, pero masakit pa rin pala na masampal ng katotohanan. Akala ko kasi may pag-asa, pero nakababatang kapatid lang pala ang turing niya sa akin.

"Theo, wala ba talaga akong chance?" Baka naman meron. Baka naman pwede kami.

"Jeia, can you just stop begging me to love you? I mean, I don't want you to do that. It's not fair." Napabuntong hininga siya. "I have a girlfriend." Tila huminto ang mundo ko sa narinig ko. Hindi ko na yata kayang tanggapin lahat ng mga sinasabi niya. "I don't want to make you hope for nothing."

Iyong taong nakasama ko mula sa pagkabata, hindi ko akalaing sasaktan lang ako ng ganito.

"Jeia, my girlfriend and I are living in the same condo. We're living in since last week. Maybe, this is the right moment to say this to you. I will be busier now, since we're just starting to organize our things." Bakit parang sinasabi niya na he's settling na? Na mawawalan na siya ng time sa akin. Hindi ito ang inaasahan ko. Matagal na ba niyang plano 'to? Bakit wala akong alam?

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?" Naiiyak na ako.

"Because I don't want to distract you. Last week was your finals." mahinahong sambit niya.

"Kahit na. Kaibigan mo ako, Tabs!" Kinokontrol ko ang sarili na huwag umiyak.

"Can you just stop calling me that? We've grown, Jeia! Forget that silly call sign or whatsoever! And forget that friends thingy, 'cause you just said awhile ago that you like me" kalmado pa rin siya pero alam kong naiinis na siya sa akin. Pinipigilan lang niyang magalit. "Tss, saka kailan ba nagsimula 'yang lecheng feelings na 'yan?" Finally, lumabas na rin yung kanina pa niyang tinatago na inis sa akin.

I scoffed, "Stupid feelings? Wow! But to answer your question, I started liking you since we're in college. Okay na?" Nagsimula nang magsilaglagan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

Pagkatapos nito, alam kong hindi na kami babalik sa dati. Okay na rin siguro ito. Para isang usapan na lang.

"I'm sorry to disrespect your confession. But, I'm just telling you the truth. I don't and will never see you in a romantic way. I hope you understand that. Let's just end this kind of topic here. I can act like I didn't hear anything. Now, can I just walk you home? It's getting late."

Hindi ako nakasagot sa mga tinuran niya. Nakita niya siguro na wala akong response kaya hinawakan niya ako para patayuin. Pero hindi ako gumalaw, kaya binitawan niya ako.

"So, you're not coming with me? Fine! From now on, just let yourself walk on your own." madiing sabi niya.

"At talaga namang I can walk on my own. Hindi naman ako pilay." sarcastic kong sabi. Pagkatapos kong sabihin iyon, nilampasan lang niya ako at naglakad na siya palayo sa akin.

"Tapos na." bulong ng isip ko.

Ito na siguro ang pinakamahirap at pinakamasakit na paalam. Tahimik na paalam.

Nilingon ko siya para tignan kung nandiyan pa ba siya, pero malayo na siya sa akin.

"Goodbye," mahinang sambit ko.

In SilenceWhere stories live. Discover now