Chapter Four: The Man of my Life

4 0 0
                                    

"Wow! Mukhang masarap ah!"

"Siyempre naman. I'm a great cook kaya!" Kumuha ako ng tinidor tapos ipinatikim ko sa kaniya iyong luto ko. "Is it good?"

Tumango naman siya agad, "May tinatago ka pa lang talent."

"Ikaw lang naman ang walang bilib sa akin, eh." Kumuha ako ng container para paglagyan ng spaghetti. Kumuha rin ako ng long plates na isda ang pagkakashape. Hiniwa ko iyong mansanas at hinati-hati sa maliliit, ganoon din ang ginawa ko sa watermelon. Then, binalatan naman ni Theo ang mga oranges. Inayos ko ang pagkaka-arrange nun sa plate.

After that, kumuha ulit ako ng plate. This time, bulaklak ang shape nito. Nilagay ko iyong mallows at iyong maliliit na snickers at toblerone. Kumuha ako ulit ng plate, iyong hugis cloud naman, then nilagay ko iyong mga chichirya. Pumunta ako sa kwarto para kunin iyong ferrero. Nakalimutan ko nga palang picturan kahapon. Inilabas ko iyong boquet ng ferrero sa backpack ko. Good thing okay pa naman siya. Nakahinga ako ng maluwag.

Inilapag ko iyon sa kama ko saka pinicturan. I smiled widely nang makuhanan ko agad iyong gusto kong angle.

Tinanggal ko na iyong mismong chocolates tas iyong bouquet na pinaglagyan ay itinago ko sa memory box ko.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

"Ayun, may pakinabang naman pala ang ferrero mo!" Natatawang sambit ni Theo. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Isa-isa naming nilagay ni Theo iyong ferrero. I'm so happy sa kinalabasan ng mga foods.

Kumuha ako ng blanket at nauna na ako sa garden. Nilapag ko iyong blanket sa may bermuda grass.

Bumalik ako sa kusina para tulungan si Theo na ilipat doon ang mga pagkain. Kumuha ako ng babasagin na plates at baso. Then, I also get fork for us.

Nakatulog si Lola sa salas kaya hindi na namin siya ginising.

Kumuha na rin ako ng babasagin na pitsel at inilipat doon iyong isang klase ng softdrink.

Kinuhanan ko ng larawan ang pagkaka-arrange sa mga foods. Kinuhanan ko rin ng larawan ang papalubog na araw. Ang ganda ng langit.

Nag-selfie rin kami ni Theo. Kinuha ko iyong instax ko para mayroon agad kaming printed pictures. Lumapit ako kay Theo para naman makita sa picture na super close kami. Inakbayan ako ni Theo at pinisil naman ng left hand ko ang pisngi niya. Ang cute!

"This is mine." I'm talking about the printed picture of ours. Ang cute kasi. I liked it a lot.

We took a photo again. Nakaakbay pa rin sa akin si Theo tapos isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Ang ganda! Ibinigay ko naman sa kaniya iyong printed picture.

Napangiti naman siya nang makita ito.

"Let's eat!" Masayang sambit ko.

Sinalinan ko ng drink iyong mga baso namin. Spaghetti muna ang unang kinain ni Theo. Halos maubos nga namin iyong nasa container eh. Tapos kumain kami ng fruits and then nagsnacks kami. Itinuloy namin ang pagbabasa ng libro habang kumakain. Nakasandal ako sa balikat niya habang hawak ko iyong libro.

I don't want this to end. Walang malisya lahat ng ginagawa naming ito. Nasanay na kami sa ganito. But sometimes, I imagine, what if we're officially a couple. Will we still be like this? Will we still be comfortable around each other? May magbabago ba?

"Theo," tawag ko sa kaniya.

"Yes?"

"Uhm, nothing." Saad ko na lang. Gusto ko sana siyang tanungin if ever naiisip niya rin ba ang mga ganitong isipin ko. But, I don't want us to be awkward.

In SilenceWhere stories live. Discover now