Chapter Five: Real Life Nightmare

13 0 0
                                    

I hate being in the hospital. But, to be at my lola's side is the exemption. It's already a month, but she's still not okay. Sabi ni tita, may pneumonia raw si lola at malala na ito.

Since dalaga pa si lola ay mayroon na raw siya nito, at mas lalong lumala ngayon. Parang oxygen na nga lang ang bumubuhay sa kaniya. Kapag inalis na ito, wala na.

Hindi ko matanggap. Baka naman may himala pa. Baka naman gumaling pa siya.

Pero hindi na namin hawak ang buhay niya. Kahit nga magsalita si lola ay parang hingal na hingal. Wala pa nga kaming maayos na usap, kasi sa tuwing may gusto siyang sabihin, hindi ko na lang pinapa-tuloy at baka mahirapan lang siya lalo.

Si tita ang laging nagbabantay kay lola at si lolo ang madalas kong kasama sa bahay. Ako na rin ang nagluluto ng pagkain namin ni lolo. Masama rin kasi ang magpuyat kay lolo dahil may highblood siya kaya sa tanghali lang siya pinapabantay ni tita.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Gusto ko pang makasama ang lola ko. Marami pa kaming gagawin. Marami pa kaming memories na pagsasamahan.

Hindi ko pa kaya.

Pero kahit pala ano'ng kagustuhan ko, kung niloob na ng langit, wala na akong magagawa. Hindi naman kasi natin hawak ang buhay ng isang tao.

It's Sunday. Kasama ko si lolo papunta sa hospital. Pagkapunta namin sa room ni lola, nagulat kami kasi iyak ng iyak si tita. Pagtingin namin kay lola, para na siyang lantang gulay. Nakababa ang kaniyang mga kamay sa ere, habang ginagawa ng doctor ang kaniyang makakaya para i-CPR si lola.

Hindi ako humagulgol. Unlike tita, I still stand strong, pero ramdam ko ang mga luhang mabilis na nagsilaglagan. Ramdam ko rin iyong kirot.

Bakit?

Sa isang iglap, nawala agad iyong isang taong espesyal at importante sa buhay ko. We lose her, but I felt like I also lose a part of me.

Hindi ko alam kung paano namin kinaya ang araw na ito. Niyakap ko si lolo. Umupo ako para yakapin si tita. Nakaluhod na kasi siya habang umiiyak.

It's so painful for me to see her crying again. Inalalayan kong tumayo si tita. Pinanood lang namin si lola hanggang sa pinakahuli.

"T-time of death... 8 o'clock in the morning." Saad nung doctor. Walang buhay siyang lumapit sa amin. "We did everything we could. We're so sorry for your loss."

Tinapik niya ang mga balikat namin bilang pakikiramay saka siya umalis. Mas lalo akong naiyak. Pero pinipigilan kong mag-breakdown sa harap ng lolo at tita ko.

Nilapitan namin si lola at grabe pa rin ang hagulgol ni tita. Si lolo ay tahimik lang sa gilid ko habang hawak ang kamay ni lola. Ako naman ay nakaalalay lang kay tita, dahil anytime baka mahimatay siya sa sobrang pag-iyak niya.

I know that I'm strong, but this is the time that I can show my vulnerability. Yet, I cannot cry loudly. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makaiyak ng sobrang lakas. Tila naipon ang lahat ng sakit sa puso ko.

Parang tinutusok ng kung ano ang puso ko. Gusto kong magalit. Pero kanino? Gusto kong sumigaw pero para saan pa?

Ayaw ko na lang ubusin ang energy ko dahil wala namang magbabago. Ang nangyari na ay nangyari na.

Hindi ko alam kung paano namin nakayang asikasuhin ang burol ni lola. Uuwi raw sila mommy sa last night ni lola. Sayang! Kung sana ay umuwi sila noong moving up ko, edi sana naabutan pa nilang buhay si lola.

Gusto kong magtanim ng sama ng loob sa kanila, pero para saan pa? Hindi naman na iyon mababago ng katotohanan na wala na ang lola ko. At saka, alam ko namang ayaw ng lola ko na magkaroon ako ng sama ng loob sa magulang ko.

In SilenceWhere stories live. Discover now