"Ano pa ang kailangan mo?" Tanong ni Theo. Nasa grocery store na kami. Ang naisipan kong iluto bukas ay spaghetti na favorite ni Theo tapos bibili na lang kami ng fruits at mga biscuits and chocolates tapos gagawan na lang namin ng design para aesthetic.
"May ground pork, hotdogs, pasta at sauce na, so okay na. Siguro bili na lang tayo ng snacks, chocolates and fruits. Ano'ng chocolates bibilhin natin?" Tanong ko pabalik.
"Huwag na kaya tayong bumili ng chocolates, since may ferrero ka na." Aniya. Hindi ko naisip iyon ha. Pwede rin, para makatipid.
"Pwede naman," tipid kong sagot. Gusto ko nga sanang malaman kung sino'ng nagbigay nun. Kaso, wala naman daw pangalan kaya hayaan ko na lang.
"Marshmallows?" Tanong niya at ipinakita sa akin ang favorite kong mallows. Chocolate and strawberry mallows.
Tumango naman ako agad at ngumiti. Kumuha na rin siya ng oranges, apple, at watermelon. Tapos kumuha rin siya ng mga chichirya.
"You sure kasya ang budget mo for this?" I asked. Kasi naman, ayaw niya na mag-ambag ako.
"I have savings. Lagi naman tayong hinahatid sundo ni Lolo George kaya nakatitipid ako."
"But you can use your savings to your personal stuffs." Napaisip ako kung ano ba ang pwede kong ibigay. Maybe, I will just buy some drinks. "Okay na 'to, pakibayaran na lang sa counter. CR lang ako." Paalam ko.
"Sige, wala naman masyadong pila kaya mabilis lang ito. Pero hintayin kita rito." Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya.
Pumunta na ako sa CR para magretouch, if ayaw niya na mag-ambag ako sa foods, ako na lang ang bibili sa drinks.
Nagmessage ako sa kaniya, para hindi na niya ako hintayin.
To: Tabs
Huwag mo na ako hintayin, ang haba ng pila rito sa CRGood thing, nakareply siya agad.
From: Tabs
Okay. See you na lang sa park.Napangiti ako. Bumalik na ako sa grocery, pero siyempre hindi ako nagpakita sa kaniya. Kumuha ako ng basket para paglagyan ng bibilhin kong drinks. Kumuha ako ng tatlong iba't-ibang klase ng softdrinks. Kumuha rin ako ng chocolates, tulad ng snickers at maliliit na toblerone, pandagdag.
Sinilip ko siya sa may counter, at nang makita kong katatapos lang niya at palabas na ay pumila na rin ako para makapagbayad. After kong magbayad ay pumunta na ako sa park.
Nakatayo siya sa gilid ng kotse ni Lolo. Mukhang hinihintay ako.
Nang makita niya ako ay agad kumunot ang noo niya. "Hindi mo naman sinabi na bibili ka ng drinks. I'll pay you."
Inirapan ko naman siya. "Kaya nga hindi ko sinabi kasi ako na ang bibili, eh. Give and take tayo rito, okay? May ipon din naman ako."
"Ang kulit mo," reklamo niya.
Binuksan naman ni Lolo ang bintana ng kotse para awatin na kami sa pag-uusap.
"Tara na." Aniya.
Pumasok na ako sa passenger seat habang sa backseat naman si Theo. I'm a Lolo's girl and I love to always seating behind him. Inopen ko iyong radyo. Natuwa ako nang saktong favorite song ni Lolo ang tumutugtog.
Napakanta tuloy ako sa chorus part, sumabay naman si Theo sa akin. Supportive din eh.
Ikaw na nga
Ang hinahanap ng puso
Ang siyang magbibigay ng saya, ng tamis
At lambing sa buhay ko
Ikaw na nga
Ang bawat panaginip ko
Sa piling mo'y nagkatotoo
Ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito
YOU ARE READING
In Silence
Teen FictionJeia, the youngest among her 2 siblings, grew up with her grandparents. Her parents are working abroad, and her brother and sister are living with them. She loved to be alone when she was a kid. She's just playing alone, until this little boy came i...