"Picnic tayo bukas," pag-aaya niya sa akin.
"What's our food?" Tanong ko.
"Marunong ka ba magluto?" kalmado niyang tanong.
"Of course. Lola at tita ko yata ang mentor ko." Pagmamalaki ko sa kaniya.
"Then let's have a grocery after class." Aniya.
"Deal." Sagot ko naman agad.
Today is friday and we are on our way sa court. We will be playing volleyball. Activity namin sa PE.
"Did you bring extra shirt?" Tanong niya. "For sure super pawis tayo neto mamaya."
"Shocks, Theo! I forgot!" Napakamot na lang ako ng ulo. "Naiwan yata sa kwarto ko iyong naprepare kong pampalit. Yung tumbler and towel lang ang nalagay ko sa bag."
Kinalma naman niya agad ako, "Okay, don't worry, I brought two shirts. You can borrow the other one."
"Thank youuu!" I happily said and hugged him.
"Clingy ka pa rin, crying baby girl." Natatawang sambit niya.
Tinapik lang niya ang likod ko at pinakalas na ako sa yakap, pero inakbayan niya naman ako.
"Huy! Strong na kaya ako! At saka crying baby boy ka rin kaya!" Reklamo ko naman.
"Well, mas okay na yan kaysa sa Tabs na tawag mo sa akin." Natatawang sambit niya.
"Oh, no. I still love to call you Tabs." Tinaasan ko pa siya ng kilay.
Napabitaw siya sa pagkakaakbay sa akin nang bumungad ang malisyosong titig ng classmate namin na si Quen.
"Nandiyan na ang mag-jowa." Mahinang sambit niya pero narinig pa rin naman namin.
Ang mga ganiyang banat ni Quen ay wala na lang sa amin. Parang nasanay na lang din kami.
Lumapit si Theo kay Quen para sikuhin ito. Napailing na lang ako.
"Magkaibigan kami, hindi mag-jowa. Huwag ka gumawa ng issue." Seryosong sabi ni Theo.
"Ano namang mali sa sinabi ko? Single naman kayo pareho." Pagtatanggol naman ni Quen sa sarili habang hawak ang kaniyang braso na siniko ni Theo kanina.
Binato na lamang ni Theo si Quen ng bola, buti na lang nasalo ni Quen, tapos pumunta na sila sa court.
Napailing na lang ako. Ayaw ko lang ipasok sa utak ko lahat ng naririnig ko. Hindi ko naman iniisip ang relationship na iyan, eh. Grade 9 pa lang kami. We're just 15, turning 16 this year.
"Hi, Elena." Bati sa akin ng muse sa kabilang section, si Cheska. Ako ang muse sa section namin.
Nginitian ko lang siya. Elena pala ang tawag sa akin ng karamihan. Nag-aalinlangan daw silang tawagin ako sa first name ko dahil baka mamali sila ng pag-pronounce.
"Matagal na kayong magkaibigan ni Theo, diba?" Tanong niya sa akin.
Tumango lang ako.
"May girlfriend na ba siya?" Halata ang kuryosidad sa tono ng pananalita niya. Kaya, umiling naman ako agad para masagot na ang tanong niya.
"Sabagay, paano nga ba naman siya magkaka-girlfriend kung lagi naman kayong magkasama." Natawa siya. "Bet mo ba?"
"What do you mean?" maang-maangan kong tanong. Minsan kasi, nagpapanggap na lang ako na hindi ko gets ang mga pahiwatig nila para hindi na kami lalong biyan ng issue.
"I mean do you have a crush on him?" Direktang tanong niya.
"No. We're just friends." Confident ko namang sagot.
YOU ARE READING
In Silence
Teen FictionJeia, the youngest among her 2 siblings, grew up with her grandparents. Her parents are working abroad, and her brother and sister are living with them. She loved to be alone when she was a kid. She's just playing alone, until this little boy came i...