Chapter Eight: See you soon!

4 0 0
                                    

I woke up around 5PM. Grabe, ang haba ng tulog ko. Bumangon ako agad para makapag-ayos. Bumaba ako at naabutan kong nanonood ng TV si lolo sa living room.

Umupo ako sa tabi ni lolo at niyakap ko siya.

"Tapos na kaming kumain. Nasa kusina si Oliver, samahan mo na lang kumain."

Kumalas ako sa yakap at pumunta na ako sa kusina.

"Hi!" Bungad ko sa kaniya. Mukhang patapos na siyang kumain.

"Hello!" Saad niya at inilagay na niya sa sink iyong pinagkainan niya. Nagulat ako nang sumandok siya ng panibagong pagkain. He handed it to me. Umupo ako sa tapat niya. Binuksan niya ang ref at kumuha siya ng tubig namin. "Thank you."

"I'll wash the dishes so I'll wait for you until you're done eating."

"You'll watch me eating? Shocks! Makalat ako kumain." I joked but he's still serious. Kinuha ko iyong baso at uminom ako ng tubig.

"It's okay. I will clean it, then." Napaubo naman ako sa sinabi niya.

He offered me tissue at mabilis ko naman iyong tinanggap. Pinunasan ko ang damit ko na nabuhusan ng konting tubig.

"Are you sick?"

"H-huh?" naguguluhang tanong ko.

"You look pale. Do you need medicine?"

"O-okay lang ako. Nakapahinga naman ako ng maayos. Baka naiinitan lang ako."

"Finish your food then para mahugasan ko na, at may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"We'll ride a boat! Aalis na kasi ako bukas."

"Ang bilis naman!"

"Mom will stay here, while I'll come back to Manila to continue my profession."

"Wow! That's a brave decision. We're so proud of you!"

"Thank you!"

After kong kumain, naghugas muna siya tapos sabay kaming lumabas para magpahangin at mamasyal sa beach. Nagpaalam naman kami kay lolo. Nagpaalam na rin naman daw si Oli kay tita kanina.

Hindi ko alam pero ang saya ng puso ko. Payapa at panatag, kagaya ng dagat ngayon.

"Ano'ng iniisip mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman. Masaya lang ako."

"Why are you happy?"

"Just because. Alam mo 'yon, after our loss, gumagaan na ulit iyong bigat sa dibdib namin at parang nakakausad na ulit kami."

"I agree. Finally, makakausad na rin ako after facing all of you. I'm just glad I came here."

"We all deserve to move forward. So please, forgive yourself because no one's blaming you. You are a good doctor."

"Thank you!" he whispered.

Sumakay na kami sa bangka. May kasama naman kami kaya hindi ako masyadong natatakot.

"What's your plan pagbalik mo ng Manila?" Tanong ko.

"I'll continue my purpose. I'll work hard to achieve my goals. I felt like it's my rebirth. Suddenly, I want to do lots of things."

"I hope I could witness all of that."

"Sana. Pasukan na ninyo pagbalik mo ng Manila, right? Just do your thing. Do your passion or explore new things. Malay mo, we'll see each other someday!"

"You know what, I just found a new hobby. Iba iyong pakiramdam ko rito sa isinusulat ko. Nasimulan ko siyang isulat while we're on our way here." Nakangiting sambit ko. Bumalik sa akin iyong pakiramdam noong sinimulan kong magsulat. "It's like a natural flow."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In SilenceWhere stories live. Discover now