Chapter 1

1.6K 20 2
                                    

CHAPTER ONE

"GUSTO ko nang sundan si Dave sa Maynila," sabi ni Sarah sa kaibigang si Beth habang naglalakad sila sa kasukalan na short cut papunta sa bayan. "Nag-aalala na ako kung bakit hindi siya nakabalik.".


Papunta sa bayan ang dalawa: Mamimili si Beth samantalang si Sarah ay galing sa pagpapa-prenatal check-up. Apat na buwan na ang dinadala niya. Mahigit isang buwan na siyang naghihintay sa boyfriend niyang si Dave na nangakong babalikan siya.


"Baka naman nagkaproblema lang. Nagkasakit halimbawa," sapantaha ni Beth. *Alam na naman niyang buntis ka, hindi ba?"


"Oo. At sabi niya, may aayusin lang daw siya sa Manila. Pagkatapos ay susunduin niya ako rito at isasama na. Kilala ko si Dave, may word of honor siya. Hindi ¡yon sisira sa pangako."


"Dapat lang dahil delikado na para sa iyo ang magtagal dito sa Quezon."


lyon ang malaking pangamba ni Sarah. Nag-lisa na siya matapos mapatay ang kanyang Papang noong isang buwan matapos ang maraming taon na pamumuhay sa bundok kasama sila ng kanyang Mamang. Dahil sa prinsipyong pilit ipinaglalaban sa pamahalaan.


Ngunit dahil sa pangungumbinsing isang grupong mga sundalong nadestino sa kanilang lugar sa Bicol na kinabibilangan ng batambatang opisyal na si Dave Suarez. nahikayat sila ng kanyang Papang, pati na rin ang iba pa nilang kasama na bumaba na ng bundok at magbalik loob sa gobyero.


Binigyan sila ng amnestiya ng pamahalaan at ng pagkakataong makapagbagong-buhay.

Naisip siguro ng kanyang Papang na panahon na para magbagong-buhay. Ayon na rin dito y wala siyang magandang kinabukasan sa bundok. Sa bundok na siya nagkaisip at nagdalaga. At may pangarap din naman siya ang matapos na ang palikipaglaban, makaparuhay
nang normal at makapag-aral


Nawala kangad sa kanila ang kanyang Mamang dahil sa Malaria na hindi kaagad nalunasan. Maraming kulang sa bundok, ang nakalulungkot nga lang, kung kailan nagsimula na sila ng kanyang Papang ng bagong buhay kasama ng iba pang rebeldeng bumaba ng bundok ay saka naman ito napatay.


"Malakas ang hinala naming mga dating kasamahan n'yo rin ang pumatay sa kanya, natatandaan ni Sarah na sabi sa kanya ni Dave.


Bakit hindi nila maintindihan kung bakit kami nagdesisyong bumaba ng bundok?

"Dahil marami sa mga kasamahan n'yo sa kilusan ang hindi nagustuhan ang naging desisyon n'yo. Lalo na't marami sa mga kasámahan ninyo ay sumama na sa pagbaba sa bundok. Humina ang puwersa ng kilusan.


"Bukod doon, isinsi rin nila sa Papang mo ang naganap na engkuwentro ng mga sundalo at mga kasamahan nila. Naghinala siguro silang siya ang nagkanulo sa mga naiwan sa bundok at sa buong kilusan kaya marami ang napatay. At alam ko na pati ikaw ay lilikidahin nila dahil instrumento ka sa pangungumbinsi sa Papang mo na magbalik-loob."


Hindi siya pinabayaan ni Dave mula nang maulila siya. Imayo siya nito sa Bicol para liwas sa mga taong pumatay din sa kanyang Papang, ihinatid siya sa isang malayong kamag-anak dito nga sa Lopez, Quezon.


Guwapo si Dave. Walang babaeng hindi madaling maa-attract at mai-inlove dito. Seventeen siya nang ligawan siya nito, twenty-nine ito. Marami raw negosyo ang pamilya nito sa Maynila ngunit wala sa negosyo ang hilig nito.


Sa unang pagkikita pa lamang nila ng binata-noong makipag-dialogue ito kasama ng opisyal nito at isang congressman sa mga lider ng kanilang kilusan kabilang ang kanyang Papang nahalata kaagad ni Sarah ang malalagkit na tingin sa kanya ni Tenyente Dave Suarez.


"Kukumbinsihin ko ang Papang. Para sa iyo," pangako ni Dave sa kanya matapos niyang sabihin dito na mas gusto niyang bumaba na sila ng bundok at magbagong-buhay.

My Love My Hero ( Leonardo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon