Chapter 4

359 8 0
                                    

ILANG araw ding kinailangan ni Sarah ng complete bed rest upang makatiyak na wala na sa peligrong malaglag ang dinadala niya. Hindi naglipat-linggo ay ihinatid na siya ni Leo sa kanyang titirhan.

Hindi alam ni Leo na habang nasa biyahe sila at nakatuon ang pansin nito sa pagmamaneho ay pahhim itong sinusulyapan ni Sarah, habang pinaiikot ng dalaga ang singsing sa kanyang daliri. Regalo iyon ni Dave sa kanya.

Guwapo rin pala ang Leo, sa loob-loob niya. Kaguwapuhang may kakambal na malakas na sexual * magnetism. Nagtataglay ito ng prominenteng anyo. Ang medyo malapad na noo, matangos na ilong at makapal na kilay na animo iginuhit ay nagbigay dito ng anyong kagalang-galang at dominante.

Tulad din ito ni Dave na sa anyo pa lamang ay kakikitaan na ng independence, ng lakas at tatag ng pagkatao. Isang lalaking maaaring sandalan, at masarap pasailalim sa kapangyarihan. Maraming kuwento noon si Dave tungkol kay Leo.

Bagamat ang dalawa ang best of friends, magka-baligtaran daw ang mga ito sa maraming bagay. Habang si Dave ang tipong happy-go-lucky, si Leo naman daw ang tipong masyadong seryoso sa buhay. Ang gusto'y organisado ang lahat, nasa tamang lugar ang lahat ng bagay.

"Kapag pinakialaman mo ang ayos ng mga gamit nito 'y tiyak na mag-aaway kayo," kuwento ni Dave tungkol kay Leo. "Sabi nga ni Papa, mas bagay siyang naging kadete ng PMA at naging sundalo.

Ang kaso'y nakuha ang hilig ni Papa, ang pagnenegosyo. Kaya nga ginawang tagapamahala ng mga kumpanya namin. Tutal, isa na rin siyang Suarez. Kapag may ginawa yan, ibinibigay niya ang hundred percent. Noong estudyante pa kami, libro ang girlfriend niyan."

Ngayon lang sila nagkita ni Leo. Kung hindi dahil kay Dave ay di sila magkakakilala. Hindi tuloy maiwasan ni Sarah ang magtanong sa sarili.

Hindi kaya ako mahirapang pakibagayan siya? Parang masyado siyang pormal. Kahit sa ngiti ay maramot. Ibang-iba kay Dave na masayahin at malakas ang sense of humor. Tama nga kaya ang magtiwala siya sa lalaking ito?

"ITO ANG magiging tirahan mo, Sarah." Sa tapat ng ikaapat na pinto sa isang limang pintong apartment ipinarada ni Leo ang kotse nito. Sa isang subdivision sa Commonwealth, Quezon City. Kongkreto ang apartment, may malit na terasa.

Tahimik ang lugar. Maganda ang environment. Mukhang napaka-ideyal panirahan. May malaki-laki ring solar sa 100b ng bakuran. Unang bumaba si Leo, saka binuksan ang passenger door para sa kanya. Inalalayan ang dalaga sa pagpasok sa loob ng hanggang dibdib na gate na bakal ng apartment. Gentleman naman pala, sa loob-loob ni Sarah.

"Kaninong bahay ito?" tanong niya habang isinusubo ni Leo ang susi sa pinto.

"Kinuha ko para sa 'yo. Isang kaibigan ko ang dating nakatira rito. Pero binitiwan na niya dahil two months ago ay nagpunta na siya sa Canada. Tena sa loob."

Naunang pumasok si Leo. Kasunod siya. Agad humanga si Sarah sa kabuuan ng unit na bagamat hindi kaluwagan ay maayos at kumpleto sa mga importanteng gamit. At hindi basta mga gamit kundi mga state-of-the art na furnitures at pinakamodernong appliances.

"Hindi ba nakakahiya sa iyo? Ikinuha mo pa akong apartment?"

"Sinusunod ko lang ang bilin ni Dave."

"Ang ibig mong sabihin, mag-risa lang akong titira rito?"

"Oo. But don't worry. Bibisitahin kita rito once in a while," sabi ni Leo, walang kangiti-ngiti.

"Malaki naman yata ito para sa aking mag-isa," sabi ni Sarah habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng apartment. "Kahit sana entruswelo lang, uubra na sa akin."

"Kailangan mo ng komportableng tirahan at magandang environment para sa panganganak mo."

Nasa loob ng bulsang slacks ang magkabilang-kamay ni Leo. "Besides, safe ka sa lugar na ito dahil may security guards ang subdivision."

My Love My Hero ( Leonardo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon