Chapter 9

382 9 0
                                    

FOUR days na hindi sinilip sa tirahan o tinawagan man lamang ni Leo si Sarah. Mabuti na nga lang t dumarating ang stay-out na maid lavandera na si Aling Pacing.

At least, may nakakausap siya. May kapitbahay rin siyang friendly na agad nakipagkilala sa kanya. Kaya lang ay nag-oopisina ito kaya wala ring gaanong time makipag-chickahan.

Para hindi mainip, nilibang na lamang ni Sarah ang sarili sa pagbuburda ng pangalan sa mga lampin at baby dresses. Baby Suarez, lyon ang ibinurda niya.

IKAANIM na araw mula nang ikasal sila.Naisip na ni Sarah na tawagan ang asawa. limbitahin niyang doon na ito mag-dinner dahil ipagluluto niya ito ng mga bagong recipeng nasubukan na niya mula sa isang cookbook. "Leo, dito ka na mag-dinner," anyaya iya rito sa masayang ,boses.

"Hindi puwede, eh."

"Bakit?"

"Kasama ko si Vanessa. Magdi-dinner kami sa labas."

May panlulumong nadama si Sarah. "O, sige. Next time na lang," sabi niya bilang pagsasara. Bakit kallangan siyang makadama ng disappointment sa rejection ni Leo?

Alam na alam naman niyang ang lalaking pinakasalan niya'y pag-aari na ni Vanessa.

At malinawang set-up nila. Na wala siyang karapatang mag-demand ng oras nito.

SINORPRESA naman siya ni Leo after two more days. Marami itong dalang pagkain. Lalo mga prutas.

"Kumusta ka na rito? May problema ba?" seryosong tanong nito nang ilapag sa dining table ang dalawang plastic bag ng pagkain.

"Heto, para nang preso rito; hindi man lamang makalabas. Pinagtitiyagaan nang kausapin ang mga butiki. "

"Mukhang nagrereklamo ka na, ah. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo. But it's for your own good."

"Kailan pa kaya ako makakapamuhay nang normal, Leo?"

Matiim siyang tinitigan ni Leo. Then, nag-decide ang. lalaki. "Okey. Para hindi ka naman masyadong nakakaawa, lalabas tayo."

Hindi agad umimik si Sarah. Ipinagpatuloy lang ang pagpupunas so mga naglalakihang decorative jars. Hindi niya ipinahalata kay Leo na natutuwa siya sa pagdalaw at sa imbitasyon nito. Mas gusto niyang iparamdam dito ang hinampo niya sa ilang araw na hindi nito pangungumusta man lang.

"O, come on! Don't tell me, magpapakipot ka pa," untag ni Leo nang hindi siya tuminag
"Gagawin nating nursery ang isa sa mga kuwarto. Ikaw ang gusto kong personal na mamiling crib at mga toys na ilalagay natin doon."

Hindi pa rin tuminag si Sarah. Parang walang narinig. Lalabas nga sila pero mamimili lang ng kakailanganing gamit sa nursery. Hindi man lamang siya pagkaabalahang i-treat nito.

"Madali akong mainip, Sarah. Ayokong nasasayang ang oras ko." Itinigil ni Sarah ang ginagawa. Saka nilingon si Leo.

"One, three, five.." bilang ni Leo.

"Ang daya mo naman, eh. Puro odd numbers yan, eh. Paano pa akong makapagbibihis niyan?"

MARAMING biniling laruan si Leo. Napakarami kung para sa magiging anak niya lang. May pambabae t may panlalaki. Na medyo ipinagtaka ni Sarah.

"Napakaaga naman yata para bumili kang ganyan karaming laruan. Ni hindi panga natin alam kung boy ito or girl," sabi ni Sarah, halos pabulong habang nakapila sila sa counter.

"May pagbibigyan ako nito," seryosong sabi ng binata.

Napamaang si Sarah. May anak ba sa labas si Leo?

Ngunit sa isang bahay-ampunan sila tumuloy.

Nagkagulo sa pagsalubong kay Leo ang mga bata nang makita ang kanyang asawa. Parang kilalang-kilala na ng mga ito ang lalaki.

My Love My Hero ( Leonardo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon