Chapter 3

414 11 0
                                    

"HINDI ba ako sinisising parents ni Dave sa nangyar sa kanya?" basag ni Sarah sa katahimikan habang patuloy sila sa paglalakbay.

Mistulang nalunok ni Leo ang dila. Alam nitong makakadagdag pa sa sakit ng kalooban ni Sarah kung sasabihin pa nito ang totoo. Na nasusuklam pa ang mga ito-kay Sarah.

"Siyempre, masyado silang nasaktan sa nangyari.

Nag-isang anak si Dave. Nine years nang kasal sina Papa Amado bago dumating si Dave sa buhay nila.

Masyado raw maaga para mamatay ito. Pero mare-realize din nilang hindi mo ginusto ang nangyari," sabi na lang ng binata. Kalahating totoo, kalahating hindi.

"May feeling akong nagsisinungaling ka. Hindi ka makatingin sa akin," pormal ang tinig na sabi ni Sarah.

Napabuntong-hininga si Leo. Hindi pala ganoon kadaling linlangin ang dalaga. Marahil ay lubhang tumalas ang pakiramdam dahil sa ilang taong pananatili sa bundok.

"Bakit hindi mo pa amining galit sila sa akin? Alam ko naman, eh. Noong una pa lang, hindi na ako gusto ng pamilya ni Dave dahil NPA ako.

Nahihiwatigan ko sa mga kilos niya. Ayaw lang niyang aminin para hindi ako masaktan." Puno ng pait at hinanakit ang tono ni Sarah.

Okay, gusto mong maging prangka ako? Mabuti pa ngang malaman mo na. Dahil bitter sila sa nangyari kay Dave, sa iyo nila ibinagsak ang sisi."

"Unfair sila, " matigas na protesta ni Sarah. "Bakit ako ang babagsakan nila ng sisi? Hindi ko gustong mangyariyon at masakit din sa akin dahil mahal ko si Dave. Dapat nilang isipin na bahagi iyon ng tungkulin ni Dave."

"You can not blame them. Ikaw ba naman ang mawalan ng nag-isang anak," kalmadong sagot ni Leo.

"Pinaalalahanan ko na siya noon. Delikado ang gagawin nilang pangungumbinsi sa mga rebelde. Kung nakinig siya sa akin, buhay pa siya ngayon."

Dumilim ang anyo ni Sarah. Matalim ang tinging ipinukol kay Leo.

"Sinisisi mo rin pala ako sa nangyari kay Dave," aniyang may pagdaramdam. "Bahagi ng trabaho niya ang kumbinsihin ang mga rebelde para samantalahin ang amnesty na ibinibigay ng gobyero.

Hindi mo ba alam iyon?"

"Dahil sa iyo kaya pinilit niyang kumbinsihin ang iyong ama. Love at first sight sabi sa akin ni Dave, at gusto niyang makapamuhay ka nang normal. lyon ang naglagay sa buhay niya sa panganib; masyado niyang iniugnay ang sarili niya sa inyong mag-ama. "

Isang buntong-hiningang may gitla ng galit ang pinawalan ni Sarah.

Saka itinapon sa malayo ang tingin.

Sabi na nga ba't napipilitan lang ang Leonardo na ito na tulungan ako.

Na sinusunod nito ang mga bilin ni Dave pero labas naman sa kalooban.

Hmp, Samaritano kuno! At may pakiramdam siyang hindi sila magkakasundo ng antipatikong kaibigang isinugo ni
Dave.

"Katulad ka rin pala nila, kinokondena ang background ko," himutok ni Sarah.

"Kung may choice lang ba ako noon, bakit pipilin ko ang buhay sa bundok?

Pero dahil bata pa ako, kung saan ako dalhin ng mga magulang ko'y doon din ako siyempre. At hindi nila pipiliin ang buhay sa bundok kung alam nilang walang saysay ang ipinaglalaban nila!"

Iniliko na lamang ni Dave ang usapan dahil ayaw nitong magtalo pa sila ni Sarah dahil sa magkaibang prinsipyo. Marunong itong gumalang sa paniniwala ng iba kahit kasalungat pa yon ng sariling paniniwala.

Binuksan nito nang mahina ang radyo saka nagtanong.

"Wala ka bang relatives sa Manila?"

"Hindi ko na nakilala," seryosong sagot ng dalaga.

My Love My Hero ( Leonardo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon