Chapter 2

591 13 0
                                    

CHAPTER TWO

NAGING malaking problema para kay Leonardo ang iniwang 'bilin' ni Dave. Sinikap niyang i-ignore iyon. Ngunit para niyang laging naririnig si Dave na nakikiusap. *Damn! I gave him my word.* Puwede naman niya iyong talikuran kung gugustuhin niya. Pero bukod sa isa siyang taong hindi tumatalikod sa kanyang sinabi ay paano ba niyang bibiguin ang isang taong napakabuti sa kanya?

"Huwag ka nang umiyak, Leo. Kahit wala na ang Nanay at Tatay mo, nandito raman kami ng Papa at Mama ko. Kami ang magiging bago mong pamilya," pang-aalo sa kanya ni Dave noong kamamatay lamang ng kanyang mga magulang. Walong taon lang siya noon, siyam naman ito.

"Itinuring na naming parang tunay na pamilya ang mga magulang mo, Leo," sabi naman ng Papa ni Dave. "Dito sila nagkakilala at dito rin nagkagustuhan. Ngayong wala na sila, ituturing ka na naming tunay na anak. Lahat ng ibibigay namin kay Dave ay ibibigay din namin sa iyo. Pagmamahal, tahanan at edukasyon."

Lahat ng meron si Dave ay i-sh-in-are sa kanya. Kaya siguro? y ito na ang pagkakataong makaganti siya sa mga kabutihan nito.

Sinalubong si Leong nakabibinging katahimikan nang pumasok siya sa silid ni Dave. Tulad niya'y nangungulila rin ang silid sa presensiya ni Dave. Ayos na ayos ang bedsheet, malinis at maayos dahil walang nagkakalat, tahimik dahil wala ang halakhak ni Dave.

Tinawag ng picture frame sa ibabaw ng night table ang pansin niya. Picture iyon ni Sarah. Ang unang babang sineryoso ni Dave.

Open book sa kanya ang mga kalokohan nito sa babae noong teenage days nila at sa mga unang taon sa kolehiyo. Dalawang taon din ang natapos ni Dave sa kursong Psychology bago ito huminto at kumuha ng entrance exam sa PMA.

Chickboy si Dave, hindi halos nawawalan ng girlfriend. Nakikipagnobya para lang masabing may girlfriend na makakasama sa mga gimmicks. Nagtino na lang nang pumasok sa academy.

Pero iba si Sarah dahil minahal nito nang totoo ang dating rebelde. At naiintriga siya kung anong espesyal meron sa pagkatao ng babaeng iyon para mapamahal nang ganoon kay Dave.

"Ibang-ibang siya sa mga babaeng nakilala ko, Leo," naaalala niyang kuwento ni Dave sa kanya sa mga pag-uusap nila. "She's simple, walang kaartehan sa katawan. She's young but she's all-woman. She may be young but she's a strong person. And she's witty. Lyon ang isa sa ginamit kong pangkumbinsi kay Ka Mario..

Sayang naman ang katalinuhan ng anak niya, ang sense of leadership at willpower kung tatanda na lang siyang baril ang hawak at hindi makakapag-aral."

Kinuha ni Leo ang larawan ng disi-otso anyos na dalaga. Saka pinagmasdan. May kulang sa sinabi ni Dave," sa loob-loob niya. This Sarah is pretty. Paano kayang tatanggapin ni Sarah ang pagkamatay ni Dave? At ang anak ni Dave na dinadala nito, ano'ng magiging buhay ng bata kung nanganganib ang buhay ng ina? Anong magiging buhay nito kung hindi niya tutulungan? Malungkot na napabuntong-hininga si Leo habang ibinabalik ang picture ni Sarah. Bago siya lumabas ng kuwarto ni Dave ay nakapagdesisyon na siya.

HINDI naging madali para kay Leo ang hanapin ang baryong kinaroroonan ni Sarah. Nasa liblib na bahagi iyon ng Lopez, Quezon. Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko sa pagpasok sa gusot na ito? Baka madamay pa ako katulad ng nangyari kay Dave. Dala ng inis ay nalamukos ni Leonardo ang hawak na papel na kinasusulatan ng address. Puro putik na ang gulong ng kotse niyang ngayon lamang niya naisabak sa ganitong lugar. Pero narito na siya. At bakla lang ang tumatalikod sa kanyang binitiwang salita. "Ah, si Bisencia Paquil ba 'ka mo? Si Ka Bising! Doon pa "yan sa may paanan ng bundok," himatong ng napagtanungang lalaki.

Matapos tahakin ang baku-bakong daan, natunton ni Sarah ang hinahanap na tirahan.

"SARAH, parine nga, may bisita ka," tawag ni Ka Bising habang patuloy sa pagtuloy kay Leo. Isang lumang bahay na yari sa kawayan, kahoy, at pawid ang tinutuluyan ni Sarah.

My Love My Hero ( Leonardo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon