SARAH lost the baby.
Nakaligtas nga siya ngunit an naging kapalit naman ay ang pagkawala ng kanyang anak. Lalaki sana ang bata. Kung hindi ito naging pre-mature, malamang na naisalba pa ang buhay.
"Sarah..
Ang nang-aalong tinig ang narinig niya habang nakahiga sa hospital bed. May bitbit pang dextrose si Leo.
"Matapang ka, hindi ba? Ayokong makitang umiyak ka. Kahit sa akin ay masakit ang nangyari. But that's life. Hindi siguro siya talaga para sa atin."
"N-nawala na si Dave, nawala pa ang anak ko...
"You don't lose everything. Buhay pa ang guwapo mong asawa."
Kahit mabigat ang dibdib ay bahagyang nangiti si Sarah. Saka tinitigan si Leo, ang kanyang bayani.
"Asawa? Asawa lang naman kita sa papel, hindi ba? Dahil sa magiging anak ko. Pero ngayong wala na siya, wala ka nang responsibilidad kahit sa akin. Puwede ka nang bumalik kay Vanessa. Mag-file na kaagad tayo ng annulment."
"To hell with that annulment," sabi ni Leo.
"Gusto na ni Vanessa na makasal kayo."
Nanunukso ang ngiti ni Leo. "So, you're really jealous, huh? Kaya pala umalis ka na lang bigla without giving me a chance para ipaliwanag ang side ko."
"Alam ko namang siya ang mahal mo." Ipinaling ni Sarah ang ulo sa kabilang panig para liwas ang tingin kay Leo. "At alam kong totoo ang sinabi niyang naaawa ka lang sa akin kaya—"
"Nakita mo kung ano ang ibinunga ng kaseselos mo? Wala nang Vanessa, Sarah. Ako ang dapat mong paniwalaan. Nakipaglinawan na ako sa kanya. Sinabi kong hindi ko siya gustong saktan, but I have to be honest with her and with myself.
Mas mabuti na ngang na-realize kong hindi siya ang gusto kong makasama for the rest of my life habang maaga pa. Nakatanggap ako ng sampal, pero alam kong maiintindihan niya rin ako later."
Lumabi si Sarah. "If I know, naaawa ka lang sa akin. Ginagawa mo lang ang lahat dahil kay Dave."
"Shut up, Sarah. Kung alam mo lang kung paano kong kinakalaban ang self-control ko everytime I see you. Dahil ayokong isipin mong naniningil ako. At tungkol kay Dave, talagang nakaka-guilty dahil nakiusap siya sa akin na alagaan kayong mag-ina at protektahan. But now, I want you. I need you... and damn, I love you, Sarah. I swear."
Bago pa makapiyok si Sarah ay sinelyuhan na ni
Leo ng halik sa labi niya ang mga sinabi nito.Naging mapagpaubaya si Sarah. Dahil panahon na para pawalan ang damdmaing sinisikil. Sumagot na rin siya ng yakap. Gumaganti sa mga halik ni Leo.
Awtomatikong ikinalawit sa batok ng asawa ang mga kamay.
"Hindi kaya magalit sa atin si Dave...?" si Sarah.
"Nakahingi na ako ng tawad kay Dave mula nang araw na maramdaman kong mahal na kita. At alam kong maiintindihan iya tayo. At matutuwa siya dahil hindi kao napunta sa iba."
"I have a confession to make, Sarah," sabi pa ni Leo. "Puwede kong talikuran ang pangako ko kay Dave kung ginusto ko. Kaya lang, when I first saw you, sabi ko sa sarili ko, hindi ko na pakakawalan ang babaeng ito. At kahit para kang nakalulon ng bola, I was still very much attracted to you."
"Kaya pala antipatiko kaagad ang datig mo sa akin?"
"Dahil sa lahat ng nangangilangan ng tulong, lkaw ang pinakamataray at pinakamayabang."
Muling kinabig ni Sarah si Leo. "Kiss me again...
"Hinahamon mo 'ko, ha. Humanda ka paggaling mo," namimily ang ngiti ni Leo habang nilalaro ng dulo ng daliri nito ang outline ng labi ni Sarah.
"Matagal ko nang gustong gawin ito, Sarah... to hold you, to kiss you... to love you," anas nito nang bumaon ang mukha nito sa kanyang leeg.
May dinukot sa bulsa si Leo. Saka kinuha ang kamay ng asawa.
"Hindi mo na pala suot ang singsing na galing kay Dave?""Hinubad ko na. Itinago at ite-treasure gaya ng gagawin kong pagti-treasure sa mga alaala niya at sa mga araw na magkasama kami. Hinubad ko iyon mula nang pakasal ako sa iyo."
Hindi mababayaran ang ngiting nasa labi ni Leo.
Saka isinuot sa daliri ni Sarah ang isang mamahaling diamond ring.
"Will you marry me again, my Sarah?"Ngiti at tango na lamang ang naisagot ni Sarah dahil nagbabara na sa lalamunan niya ang sobrang kaligayahan.
"Alam na nina Papa Amado at Mama Celia ang tungkol sa inyo ni Dale. At na-realize na nilang hindi ka dapat sisihin sa nangyari kay Dave. At tanggap ka na nila, as my wife. Kaya pagaling ka na. Dahil naghihintay sa iyo ang pinaka-enggrandeng kasal."
Nang muling kabigin ni Sarah ang ulo ng asawa, she can't help but cry.
"May dapat akong ipagpasalamat kay Dave," sabi ni Leo. "Dinala ka niya sa buhay ko."
Nangiti si Sarah.
"Ako man."
Marami siyang dapat ipagpasalamat kay Dave. Sa sandaling pagmamahal na ibinigay nito sa kanya, at sa paghahatid sa kanya ng lalaking ito na nakatakda niyang mahalin habambuhay.
WAKAS
BINABASA MO ANG
My Love My Hero ( Leonardo) - Cora Clemente
RomanceNangako si Dave na babalikan si Sarah para pakasalan. Ngunit walang Dave na bumalik sa kanya. Hanggang dumating ang isang Leonardo Suarez, ang adopted brother ni Dave, inaako ang lahat ng responsibilidad ng huli. Paano siya magtitiwala sa binatang s...