ISANG tambak na trabaho ang napabayaan ni Leo dahil sa pag-aasikaso kay Sarah. Dahil doon, nakatanggap siya ng pananabon mula sa Papa Amado niya nang magkausap sila nito via long distance.
"Nagkakaproblema daw sa prawn farm. Bakit hindi mo kaagad inasikaso iyon, Leonardo? Ang sabi ng katiwala nating si Lucio, tinatawagan ka raw niya pero hindi ka niya ma-contact, saan ka ba nagpupunta, hijo?
Saka 'yung muntik nang pagka-hold-up ng branch natin sa Makati, nasaan ka ba nang mangyari iyon?"
"Iumutupad sa pangako ko kay Dave," isasagot sana ni Leo. "Sorry, Papa Amado. Disorganisado pa kasi ang isip ko dahil sa... dahil sa nangyari kay Dave." Iyon na lamang ang naisip niyang idahilan para takpan ang katotohanan.
"I understand, hijo. Lahat tayo'y hindi pa nakaka-recover. Kaya nga kapag naiisip ko ang babaeng iyon, parang gusto kong pumatay."
Alam ni Leonardo na si Sarah ang itinutukoy nito.
"Huwag na huwag siyang magkakamaling magpakita sa amin lalo na sa Mama Celia mo. Hindi malayong atakihin iyon sa puso."
"Papa Amado," naisip ni Leo na samantalahin ang pagkakataon para sabihin sa ama ang tungkol sa kalagayan ni Sarah.
"May dumating nga sulat galing sa girlfriend ni Dave the other day," pagsisinungaling ng binata. Gusto lang niyang malaman kung magbabago ang isip nito oras na malamang magkakaanak si Dave kay Sarah.
"She's pregnant sa anak ni Dave."
"Don't tell me, you believe that woman," pasinghal na sagot nito sa kabilang linya. "Hindi natin kilala ang babaeng iyon. Anong malay mo kung isa lang siyang oportunista?
Halimbawa ngang buntis siya. How can we be sure na anak nga ni Dave iyon? Hindi ko matatanggap ang babaeng iyon."
Hindi na nangatuwiran pa si Leo. Sa tingin niya, kailangan pa ng kaunting panahon para matanggap ng mga magulang ni Dave ang mag-inang iniwan nito. At kung hindi? tanong ng binata sa sarili.
Mapipilitan akong pakasalan si Sarah para ilagay sa ayos ang buhay nito at ang kinabukasan ng anak ni Dave...
NAGING kabagut-bagot naman kay Sarah ang mga unang araw niya sa apartment. Naging busy kasi si Leo kaya't hindi nakasilip ng pagkakataong silipin man lamang siya. Ilang araw din itong nasa Bacolod.
Mahirap makasanayan ang pag-iisa, ngunit kailangang gawin niya. Kumakain nang nag-iisa, wala man lamang makausap at maghapon ay radyo o television lang ang kasama. At sa pag-iisang yon ay hindi niya maiwasang malungkot kapag naalala si Dave.
Kung hindi sa nangyari, masaya sila ngayong hinihintay ang kanilang first baby. At hindi papasok sa eksena ang mayabang nitong kaibigan. Dahil walang pinagkakaabalahan ay parang napakahaba ng mga araw, lalo na ng gabi na inubos niya sa pag-lisip kung anong dapat niyang gawin kapag naisilang na niya ang anak nila ni Dave.
Ayokong iasa ang lahat kay Leo. Hindi ako sanay na walang silbi at walang ginagawa kundi maghintay na lang ng grasya. Kailangang may pagkaabalahan ako. Kailangang maging productive.
Inabala na lang niya ang kanyang sarili sa pag-aayos ng tinitirhan at paghahalaman sa solar sa bakuran. Ikaapat na araw na niya sa apartment nang maisipan niyang lumabas.
Bumili siyang mga babasahin at Bulletin Today para maghanap sa classified ads ng mapapapasukan kahit part-time job; o anumang mapagkakakitaan. Nagulat siya nang datnan ang BMW ni Leo sa harap ng tinitirhan pag-uuwi niya.
"Where the hell have you been?" Napapitlag si Sarah sa tinig na bumulaga sa kanya pagtulak pa lamang niya ng gate na bakal ng apartment.
"Nakakagulat ka naman," sagot niya rito nang makapasok sa loob ng bakuran.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero ( Leonardo) - Cora Clemente
RomanceNangako si Dave na babalikan si Sarah para pakasalan. Ngunit walang Dave na bumalik sa kanya. Hanggang dumating ang isang Leonardo Suarez, ang adopted brother ni Dave, inaako ang lahat ng responsibilidad ng huli. Paano siya magtitiwala sa binatang s...