Kabanata 2

51 2 0
                                        


"Bukas pa ang pagtatrabaho ko sayo, Ramiel. Iwan muna kita dito."

Hindi ko siya pinakinggan kahit narinig ko ang pagtutol niya sa pag alis ko. 

What does he want? I'm not yet done working. My first day working for him will start tomorrow. Basically, I have no agenda for him tonight.

Sayang ang mga tip na matatanggap ko kung sakaniya lang ako ako magsi-seat in.

Kaya lang ang papansin?

"Another glass of Irish whiskey, Sir."

Pang ilang tawag na niya sa akin! Ako pa naman ako na-assign sa table niya. Lagi na lang! Sa restaurant, pati dito?

"What time are you going home?"

"Wala ka pong pake, Sir."

Anong oras ba siya aalis? Alas tres na ng madaling araw. Pang ilang baso na rin niya 'yon.

At bakit mo naman siya iniisip, Audra?

Lutang akong lumabas ng club. Finally, makakauwi na rin. Ang sakit ng paa ko dahil sa heels na pinapagamit sa amin. Medyo masikip ang ginagamit ko kaya ang sakit lagi ngayon ng paa ko.

Iniisip ko palang na magko-commute ako ay napapagod na lalo ang katawan ko.

"So hindi mo ako papansinin?"

Napatigil ako sa paglalakad. Nilalagpasan ko ang mga naka double park na kotse sa gilid. Sa sobrang lutang at pagod ko, hindi ko napansin si Ramiel na nakasandal sa kulay itim na sasakyan.

Paano ba naman kasi? Naka all black din. Kung sana ay hindi gabi baka makita ko pa siya.

"Kotse mo 'yan?"

"Oo."

"Buti naman. Pwede pahatid? Kahit sa kanto lang. Pagod na ko, e."

Umawang ang labi niya at pinasadahan ako ng tingin. "Ayos ka ah? Didn't you just ignore me the whole night?"

"I'm working, Ramiel. What do you want? Hindi rin kita napansin kanina. I'm sleepy and tired."

He hissed. "Get in."

Bahagya akong ngumisi. May magandang dulot din naman pala ang kapal ng mukha ko. At least hindi na ko mahihirapan mag abang at sumakay ng jeep.

I was welcomed by a fresh scent when I hopped in. His car is clean and has no unpleasant smell. Ang ibang van or grab na nasasakyan ko minsan ay amoy paa. Ang sarap amuyin ng sakaniya.

"So you work in restaurants in the day and in clubs at night?" panimula niya.

Tumango ako habang nakapikit. "Oo at dumagdag ka pa."

"You can quit the club, Audra. Actually, quit both. I can provide..."

"Gagawin mo pa akong sugar baby."

"What the fuck? Do I look old?"

I can hear the hysterical in his voice. May pagka-OA din talaga ang isang 'to.

"Hindi muna ako titigil sa pagtrabaho. Kakasimula ko palang. Ang pangit naman kung titigil agad ako."

"I am not saying this for your sake. You will work for me. I might need you anytime."

May point naman siya. He will pay me more and with less hassle than these jobs, but I just want to stay here in the meantime. Every shift ang swelduhan na kinuha ko kaya araw araw ay may natatanggap akong pera tuwing umuuwi.

Makakakuha na ako ng apartment kung magtatrabaho pa ako ng isa o dalawang linggo.

"I can quit working in the restaurant. Mas kailangan mo naman siguro ako sa umaga 'no?"

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon