Nagising ako sa alarm. Antok na antok akong bumangon at kumilos para pumasok sa hotel. Binalak ko pang pumikit at matulog nang limang minuto pa. Nawala lang ang antok ko nang maalala ang tawag ni Ramiel! Shit! Nakatulugan ko ang pangbibiro ko sakaniya!
Mabilis kong binuksan ang phone ko at halos magimbal nang makita ang madaming missed call ni Ramiel!
Isa isa ko rin binasa ang text niya!
Ramiel:
You're being unfair!
Okay. I was just kidding.
Please answer the call, baby.
I'm sorry.
Mabilis akong nagtipa kaya lang ay naging black ang screen ko! Oh my gosh! Kailangan ko daw i-charge. Lintek na cellphone. Lagi na lang lowbat!
Hindi matanggal sa isip ko si Ramiel habang naliligo at nag aayos. Kailangan ko lang din talaga magmadali dahil malalate ako. Ang sabi ni Jessica ay traffic daw ngayon dahil may aksidente kaninang madaling araw.
"Oh shit!" naiusal ko nang hindi ko makita sa bag ko ang cellphone. I plugged it out! Hindi ko ata nadala! Talaga nga naman. Ang malas!
Halos wala ako sa sarili nang makarating sa hotel. I badly want to reply to Ramiel. Nandoon ang isip ko. Okay, Audra. Just explain when you get gome. Hindi naman siguro siya ganon kaapura sa reply ko? Hindi naman siguro siya uuwi dahil lang doon?
Kinalma ko ang isip ko nang makapasok sa restaurant.
"Ayan na, Mark!"
Ngumiti ako kila Jessica. Naabutan ko sila sa lounge. Pumasok muna ako sa lockers bago ulit sila hinarap.
"Ah, Audra, may ginawa kasi akong sandwich. Snacks ko sana. Ginawan na rin kita."
Tinanggap ko ang baunan na inalok niya. "Wow. Mukhang masarap ah? Tamang tama hindi pa ko nag aalmusal."
"Ah! Hindi 'yan katulad ng sinserve natin ha? Mura lang din kasi ang ingredients na ginamit ko."
Hindi na ako naghintay pa ng snacks. Dahil sa pagmamadali ko kanina, may oras pa kami ngayon para tumambay. I will use this time to eat breakfast. Hindi na ako nakapagluto kanina.
"Ang sarap!" naiusal ko nang matikman ko ang sandwich.
"Ha? Talaga?" kumamot ng ulo si Mark. Tuwing nahihiya ay may kumakati sa ulo niya.
"Meron din naman kayo, Jessica? Hindi ko na iaalok 'to. Ginawan din naman kayo ni Mark di ba?"
"Ha? Ano? Uh..."
"Oo! Oo! Kumain na sila kanina niyan. Ikaw na lang talaga ang huli," ani Mark.
Tumango ako at nakampante. "Salamat dito, Mark! Teka lang ha? Timpla lang ako ng kape sa pantry."
Kung pwede pa iwasan, iiwasan ko muna.
Halos pagod na ako nang makauwi ako sa apartment. Kailangan ko pa ulit maligo dahil papasok na rin ako sa bar mamaya. The cycle of my life tires me out. Malayo pa ba ang sabado? Gusto ko na lang matulog!
Our costume tonight was just like the same ballroom dancing dress but in a different style. Butas ang dalawang gilid sa bewang ang suot ko. Iyon lang naman ang kita sa akin. Tama lang din ang haba. I braided my hair loosely.
BINABASA MO ANG
Calming the Storm
RomanceBeau Ciel Series # 2 "I'd rather have my sky dark with lightning and thunder than stay here, where the sky has no glimpse of you."
