Kabanata 20

7 0 0
                                    


"Ang ganda 'no?"

Sinamaan ko ng tingin si Ramiel. Talagang sumunod sa siya sa akin pumasok sa loob! He is even now showing me the keychains with his car key!

"Thanks for doing this. Inunahan mo pa akong gawin 'to."

"Umalis ka na nga!"

He chuckled for the nth time. Ang saya naman ng isang 'to!

"This so far is the best Christmas I had."

Pinagsaluhan namin ang handa. It was still vivid for me. I was still a child back then when I saw our neighbors celebrating Christmas. Hindi naghahanda o celebrate si Tita tuwing Pasko or bagong taon.

Hindi ko na kwinestyon ang bagay na 'yon dahil pagkain palang namin sa araw araw ay hindi na namin alam kung saan kukuhanin. Ano pa ang maghanda ng mga putahe.

Dumantay sa balat ko ang malamig na tanikala. Sa salamin ay pinanood ko si Ramiel na isuot sa akin ang regalo niyang kwintas.

Mula sa pulang kahon nito, pinanood kong isuot sa akin ni Ramiel ang kwintas na may pendyente na bulaklak na may detalyadong petal na simetriko.

It was an orchid.

My breathing hitched as he swept my hair to the side to finally fasten it. His fingers brushed my skin lightly, then his hands lingered for a moment longer than necessary. It was not something to complain about.

"I seldomly see a woman wear a necklace with a pendant orchid..." He traced its chain against my skin. "For you, it is rare and intricate," his voice was soft, almost reverent.

He then kissed my exposed shoulder as if it were his final touch.

I held his necklace as I watched his car leave. Hinatid niya muna ako kila Josh bago tuluyan umalis.

"Hindi ka nakakalamang ngayong araw! Parehas tayong single!"

Umirap ako. "Kumain ka na lang nga."

"Pero kabog na kabog ako ng radiant mo, sis. Nadiligan ka ba kagabi? Bloom na bloom parang flower!"

Namula ako. "Hindi ah!"

"Ang hina naman ng puday mo, beh!" ngumiwi siya sa pagtanggi ko. "Pero nasisilaw rin ako sa kwintas mo ha! Christmas gift niya sa'yo?"

"Wala ka na don."

"Ang damot mo talaga! Hindi ko naman nanakawin!"

Sinamahan namin si Inang Cora na magsimba. The children are outside the church, holding balloons and candies to sell. I was in the same shoe before.

"Ate ganda, bili ka na po!" naunang lumapit sa akin ang bata na nagbebenta ng sampaguita.

I smiled at him. "Sige, pabili ako dalawa."

"Ate, wala po akong barya. Punta lang po ako kay Nanay para masuklian ko po kayo," aniya nang abutan ko siya ng isang daan.

"Hindi na, sa iyo na ang sukli."

"Talaga po? Salamat, ate! Hindi ko po tatanggihan ha?"

I laughed softly and nodded.

Pag yumaman ako, mas madami sigurong bata ang matutulungan ko.

"May gusto ba kayo bilhin bago tayo umuwi at magsalo salo?" si Inang Cora.

"Oo, Inang! Bili mo kami sisiw ni Audra!"

Tumawa ako. Mukhang makikisingit pa kami sa mga batang nagpapabili din ng sisiw.

"Ay naku talaga kayo! Oh sya, bumili na kayo."

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon