Kabanata 16

21 0 0
                                    


The beast is obviously busy with his work. He goes out of the country from time to time. Kapag uuwi siya ay kailangan siya sa Aklan, Bulacan, at Batangas. He calls me every midnight, but I always insist, na matulog na lang kami. It is reasonable for the both of us. Parehas kaming pagod sa trabaho.

"I still want to talk to you."

"Oo nga! Kaso lang ay hinihintay mo pa ako makauwi, Ramiel. Napupuyat ka pa."

"Hindi rin naman ako makakatulog hangga't hindi ka pa nakakauwi," aniya sa kabilang linya. Narinig ko ang mahabang buntong hininga. "Uuwi na ako."

Ilang beses ko na narinig na uuwi siya!

"Goodness, Ramiel! Don't make me repeat my words. Tapusin mo ang trabaho mo dyan!"

"This is so fucking torture. I want to sleep beside you."

Napailing ako sa kakulitan niya. He always throws tantrums whenever I stop him from going back here. He's just staying for a night, and he will be back wherever he needs to be! Ako ang napapagod sa pinagagagawa niya.

"I should've let Caius lead this project," pagmamaktol niya pa.

This big cry, baby.

Halos dalawang linggo na lang ay magpapasukan na kami sa kolehiyo. Nakuha ko ang kursong Hospitality Management. Hindi ko na rin kailangan magpagawa ng uniporme dahil nakakita ako ng nagbebenta online.

Ngayon ang araw na kukuhanin ko 'yon. Sa isang cafe kami magkikita. Doon ko pinili dahil balak ko na rin mag apply sa mismong cafe pagkatapos.

I need to let go of my work as a waitress at the bar. Ang hotel ay pinag iisipan ko pa. Ang sabi nila Mark ay pwede naman daw ako pumasok bilang room attendant. Kung kaya ay night shift ako lalo na ang ibang lecture ko ay virtual palang daw. The hotel also offers part time jobs kaya titingnan ko kung ano ang kaya ng schedule.

Part time lang din naman ang pag apply ko sa cafe. Mahirap mag full time lalo na ngayong magkakaroon ako ng adjustment sa school. Wala nga lang talaga akong choice.

"Baka medyo maikli sa'yo ang palda ko. Ang tangkad mo pala!" ani Faye. Kadarating lang niya, dala dala na rin ang tatlong pares ng uniform. Ang alam ko ay nag shift siya ng course kaya pinagbebenta na ang uniform. Murang mura na ang benta niya kumpara kung magpapatahi pa at  sa itsura ng uniform ay hindi naman sobrang luma.

"Okay lang. Basta kasya."

"Baka nga alter mo pa 'to. Ang sexy mo! Dapat sa tourism ka. Pasok na pasok ang ganda mo dun!"

Tourism at HM lang naman ang pinagpilian ko. Mas tumimbang lang sa akin ang HM dahil narinig ko na mas maraming bayarin  sa tourism. Hindi naman ako sobrang passionate sa kurso na 'yun para gumastos sa training at skills.

Kung pwede lang talagang humimlay na lang! Gusto ko na lang magpahinga.

"Oh! Oo, nabasa namin ang resume na sinend mo. Ikaw pala 'yun!" bati sa akin ng barista na kinausap ko.

"Ang sabi kasi lunch time ako pumunta dito. Maaga pa naman. Naitanong ko lang din."

"Wait lang ha. Tawagin ko lang si Ate. Siya kasi ang owner. Siya ang magha-hire sa'yo kung sakali."

Tumango ako. Ito ang cafe na pinakamalapit sa school pero kung hindi ako matatanggap ay madami naman akong pinasahan ng resume at nag email na rin ako for inquiries sa iba pang cafe at kainan na malapit dito.

"Hello! Audra, right? Upo tayo." Sumalubong sa akin ang isang babae na may magandang ngiti "Itong kapatid ko! Pinagmamadali ako. Kaya naman pala kasi maganda!"

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon