Simula

101 1 0
                                    


Agad umikot ang mata ko sa pagkairita. Hindi ba titigil ang ingay sa bahay na 'to? Hindi na kailangan ng alarm dahil sa sigawan palang ng mga tao dito ay magigising ka na agad. Hindi ka pa pwede bumalik sa tulog dahil hindi sila mananawa kakasigaw hanggang walang nagpapakumbaba.

"Tanginang buhay..." naiusal ko at pinilit bumalik sa tulog.

I slept late. I got home from work around 2 am. Tapos ganito ang gigising sa akin?

Kaunti na lang, Audryaine. Makakabukod ka din. Hindi mo na kailangan makitira at makisama sa mga taong akala mo ay hindi kadugo.

"Bumangon ka na daw, Audra!" singhal sa akin ng pinsan ko.

We never like anyone in this house. No one is someone's favorite. Lahat ay magkakaaway. Walang kakampi pero may tulungan kapag may aapihin.

"Bakit ba, Tita? Nagbabayad ako sa bahay. Dapat ay hindi ako iniistorbo."

"Aba? Ang kapal mo naman talaga! Bakit hindi ka pa umalis kung ganiyan na parang ang tayog na ng narating mo ha?"

"Oh e bakit nga ho? Ano meron?"

"Eh...eh baka may extra ka diyan! Pahiram muna ako."

Sus. Duda ako sa hiram lang. Alam ko namang hindi niya babalik. Buti na lang ay gipit din ako. Wala akong mabibigay sakaniya.

"Wala, Tita." 

"Tangina ang damot mo naman! Limang daan lang naman!" 

"Ah sus. Parang isang milyon na sa atin 'yan, Tita. Bakit mo nila-lang?"

"Huwag kang kakain dito! Upa lang sa bahay ang bigay mo. Kulang na kulang pa 'yon! Sasampid sampid, wala naman mabibigay!"

Pumanik ako sa kwarto ko na parang konting talon ay gigiba na ang sahig. Ang bahay ni Tita ay gawa lang sa kahoy. Ang iba ay sira sira na at inaanay pa. Hindi kami close. Mas mabuti pa ata ang samahan ng kapitbahay namin kaysa sa turing namin sa isa't isa.

I never treat them as family. I grew up alone in this hell. Kaya sana wag magtaka ang mga nakakakilala ko kung bakit medyo hindi maganda ang ugali ko. 

It was my defense mechanism.

"Mukhang anghel pero ang landi rin ng isang 'yan!"

"Oo. Kaya ang daming naloloko sa mukha."

"Looks can be deceiving di ba nga?"

There's nothing scarier than insecure women. Kahit na gipit at araw araw tag hirap ako ay parang galing ako sa isang marangyang pamilya.

Hindi ko alam kung nasaan na ang magagaling na magulang ko. Iniwan lang daw ako, e. Si Tita ay kapatid daw ng ama ko. Kung ganiyan ang ugali ni Tita ay paniguradong ganiyan din ang tatay ko. Mabuti at hindi ko nakilala.

Ayos lang. Sanay naman na ako mag isa.

I grew up without anyone by my side. All my problems are mine. I have no one to talk to.

And I think it is okay.

I am very independent. I don't like calling for anyone's help. Nagawa ko naman ang lahat noon ah? Bakit ko pa kailangan ng tulong ng iba? I can do everything by myself. But then, if opportunity comes, who am I to decline?

Wala akong natatandaan na magandang nangyari simula nang magkaroon ako ng muwang. I just figure things out on my own.

I was ten when I learned about families attending mass every Sunday. I was eleven when I witnessed that Christmas was supposed to be celebrated with family to honor the day that Jesus was born. I was twelve when I saw a birthday being celebrated by blowing out cake, making wishes, and being grateful for another year of life.

I never had any of those. I never grasped its concept until I saw others doing it as part of their daily lives.

I was eleven when I started working. Naging taga hugas ako ng iba't ibang karinderya. Sa hapon pag uwi galing paaralan ay maglalako ako sa bawat bahay at kalsada kahit mainit, gutom at pagod galing eskwela. Kahit walang tsinelas.

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon