Kabanata 7

43 2 0
                                        


"Pero wag naman parang araw araw may pyesta! Okay na 'yung isang putahe lang. Gusto ko rin matuto magluto kaya ayos lang din kung sa bahay tayo kakain," tuloy tuloy na sabi ko. Huli na nang mapagtanto ko ang nasabi!

His brows shot up. "I think I'll like it one of these days."

"I mean, ako! Ayos lang na sa bahay ako kakain! Bibili na ako ng kalan."

"Yeah, let's do that."

"Hindi ka kasama!"

"Hah. You wish."

Nagpatianod ako sa hila niya sa akin papunta sa mga store. He let me choose the clothes that I wanted, but later on, I depended on his suggestions because I think he really has a good taste in fashion, even if it is for ladies!

Ganoon siya ka-babaero! Pati sa pagpili ng damit ay magaling siya!

"You can buy swimsuits. We will visit a private resort in Aklan."

"Ikaw na mamili kung ganoon."

"Come on, Audra. Choose your likings. Ganito na lang. I will say my opinion after but you have to choose whatever you like, okay?"

Natigilan ako pero tumango na rin. Pumunta kami sa swim wear section. I am a bit overwhelmed, but I let myself adjust. Ramiel looks calm and patient while tailing me and holding the full bag of clothes that we picked.

I think I like red things. I am very aware that I look seductive. My eyes are profound. I liked my full lips too, with a mole on the right side of my lower lip, making me look more enticing. And I think red could make it more intense.

Three of the choices I picked are red, just different styles.

Bumaling ako kay Ramiel na tahimik pa rin. "Why? Are you done? You need my help?"

"Parang ayos na ako sa napili ko."

"Sure? You don't like other colors?"

Umiling ako dahil 'yun lang ang gusto ko. "Mas gusto ko ang red."

Tumango siya. "Yeah. You bought a red dress too."

Ngumisi ako at lumapit sakaniya. "I'll look good on these, Ramiel. Wag ka sanang ma-fall."

"Magbayad na tayo!"

Tumawa ako at sumunod sakaniya. Ang saya talaga tuwing naasar siya sa mga pabirong akit ko sakaniya.

"Ang mahal!" bulalas ko nang makita ang total.

"Kaltas 'yan sa sweldo mo."

"Baka wala na kong pera next month sa mga aya mo sa akin!" medyo OA lang naman kasi limang milyon 'yon. Hindi naman mauubos agad.

"Let's try that," turo niya sa isang arcade na puno ng claw machine.

Hindi ko matago ang excitement ko. Kahit kailan ay hindi ko nasubukan ang ganito! I never had any toys before. Wala akong oras para maglaro laro. I always envy those kids at the side of the road who have cooperative play, and even the ones inside their homes seem to have luxurious toys.

Pinapanood ko sila habang may hawak hawak akong basket ng tinda ko. Marumi, pagod at madungis.

Hindi rin naman nagtagal ang inggit ko dahil mas mahalaga sa akin ang may makuhang pera para pangkain.

"Galingan mo!" ani ko nang sumablay pa rin siya sa pangalawang subok.

"Ano ba 'yan? Bakit mo binitawan!"

"It's not my damn hand!" asik niya at sumubok pa ng isa.

Tumawa ako sa frustration niya.

"I'll try!" ani ko at kumuha ng coins sa bulsa niya.

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon