Goshh.. parang gusto ko na lang lumipad dahil late na ako. "Bwisit first day late agad ako."
Kasalanan ko naman kasi napuyat ako kakanood ng cartoons dahil day off ko naman. Oo, mahilig ako manood ng cartoons kahit college na ako.
"Lord, bigay mo na sakin to oh, ayoko ma late. Promise ko, hindi na ako manonod pag may pasok." Parang gaga napadasal ako e ako naman may kasalanan kung bakit ako na late.
Bahala na lalakarin ko na lang to parang wala na masyado nadaan na jeep. Medjo malapit lang naman din kasi tsaka sayang pamasahe, pwede ko pa to ipunin kung sakali may project na kailangang bayaran o pambili ng pagkain kung sakali nagutom ako.
May pagka kuripot talaga ako, e bakit ba hindi naman napupulot to sa daan tsaka marami akong kailangang bilhin.
Habang naglalakad ako, may biglang pumara na tricycle na palapit sa akin. "Ganda, sasakay ka?" Tanong niya sabay kindat sa akin.
Takte wala nga ako balak sumakay tsaka baka mahal ang singil.
"Wag na kuya medjo malapit na din kasi ako sa school." ani ko.
"Saan ka ba?" ngiti nitong tanong. Infairness nasa 20's ata edad niya kasi medjo bata ang itsura.
"Diyan lang naman sa N.U." ani ko na medjo naiilang sa tingin niya. Makatingin sakin, close ba tayo kuya? Tutusukin ko yang mata mo.
"Sige na ganda sakay kana, walang bayad." Agad lumaki mata ko dahil sa 'walang bayad' medjo nag aalinlangan akong sumakay, baka kidnapin ako nito, sayang naman mukha ko mababawasan ng 20% na maganda sa earth.
Pero bahala na late na ako, pag may nangyari talaga sakin hindi talaga ako magdadalawang isip tumalon, bahala na magasgasan importante buhay ako.
Gusto ko na lang matawa sa mga pinag ooverthink ko.
"Sige kuya sasakay ako." Agad naman akong sumakay at saka naman itong pinahurorot ang tricycle na mabilis.
Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa tapat ng university na papasokan ko.
Agad naman ako nag pasalamat sa tricycle, aabot na sana ako ng bayad pero tinanggihan niya, dahil libre lang daw talaga.
Habang papasok ako ng gate.
"A-a-anganda talaga." ani ko dahil putcha sobrang ganda talaga.. Kahit mag aapat na taon na ako dito na nag aaral, hindi talaga mawala sakin ang pagkamangha sa university na pinapasukan ko.
Ang angas kasi hindi ka makakapasok pag walang ID, parang ito yung nagsisilbing scanner para maopen mo kung saan para makapasok ka sa school. Masasabi mo talaga na sobrang higpit yung university.
Nagpapasalamat talaga ako dahil kung hindi sa scholarship ko paniguradong
wala ako rito. I have been a consistent valedictorian from elementary to high school. Let's say ako palagi nangunguna sa klase. Hindi talaga malabo na makapasa ako sa university na pinapangarap ko.
YOU ARE READING
My Professor is My Boss (ONGOING)
Mystery / ThrillerTaglish ( Student x professor, gxg ) Disclaimer: (This contains torture, blood, domestic violence etc,,) _________ For love, would you be willing to kill and engage in violent games just to protect your loved one? - The k...