Chapter 8: The Offer

148 2 0
                                    

1 YEAR LATER>

Isang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat, kung saan nakilala ko ang professor ko. Naka-graduate na ako dalawang buwan na ang nakalipas bilang isang magaling na artist sa isang kilalang paaralan sa Pilipinas.


lm still working sa bar na pinagtatrabahuhan ko noon pa untilnow. Marami ang nagsasabi na try ko mag apply sa ibang trabaho kung saan may mataas na sahod dahil malaki raw yung chance ko makapasok sa mga malalaking kompanya or mag abroad especially sa mga achievements ko sa school. Pero ewan ko ba, hindi ko magawa iwan to. Siguro napamahal na talaga ako sa trabaho ko at sa mga nakakasama ko dito. Kaya hindi madali sakin na iwan ko to nang basta-basta. Tsaka ayoko mag abroad. Hindi madali sa akin na mapalayo kay mama.


"Frenny, pa serve naman sa table 13. May inuutos pa kasi si sir mike sakin." Pakisuyo sakin ni Ava.


"Puro ka pasuyo e nandiyan lang naman sa gilid mo yang table 13. 10 steps away ka lang sa table 13 ipapasuyo mo pa. Baka next time ipalaba mo na sakin yang panty mo sa kakasuyo mo sakin araw-araw."


"Grabe siya, nakikisuyo lang naman kasi nga may inuutos nga sakin diba, madami ka nang sinasabi agad. Last na promise. Please?"


"Okay." Sabay kuha ko sakanya nang tray na hawak-hawak niya.


"Thanksss!" Sambit niya sabay kindat at tumalikod na.


Agad naman ako naglakad papuntang table 13 para e serve tong hawak-hawak ko na drinks. Hindi ko maiwasan mapatingin sa order niya na dalmore 25 y.o na nasa tray. Sa pagkakaalam ko, ito yung pinakamahal na whiskey sa menu namin. Umaabot ng 115k isang bote lang. Kinabog pa sahod ko every month.


"What the-" Galit na sambit ng isang lalaki pagkatapos kong nabangga at natapunan ng drinks.


"l-l-lm so sorry sir, lm so sorry. Hindi ko po sinasadya."


"Do you have any idea how much that drink cost?!" Pasigaw na sambit niya habang tinuturo ang nabasag ko na mamahalin na whiskey sa sahig.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang ibang customer nakatingin na sa amin.


"l-lm so sorry sir." Pag-uulit ko habang nangingiyak na dahil sa sigaw niya. Para bang bumabalik sa akin ang ala-ala kung paano ako sigawan at saktan ni papa noon.


"Is that all you have to say?!"


Nakayuko na lang ang ulo ko habang nakatayo sa harapan niya at hindi na sumagot.


"Anong nangyari dito- Mr. Alvares?" My manager came at may pagkagulat nang makita ang lalaki na natapunan ko.


Mr. Alvares? The new owner of this bar kung hindi ako nagkakamali. Siya na ang new owner 2 months ago pa, pero hindi pa siya namin na meet or nakita dahil nasa Thailand siya nung binili niya tong bar na to.


"Mr. Alvares, ano po nangyari dito?" My manager politely asked.


My Professor is My Boss (ONGOING)Where stories live. Discover now