I'm still on the other line, waiting for someone to pick up, but despite the phone ringing several times, no one has answered yet. It's becoming clear that no one is going to pick up, and the silence after each ring only adds to the growing frustration. I've been holding on, hoping to finally connect with someone on the other end, but after a while, it seems like my wait is in vain. The unanswered rings echo the emptiness of the line, and I'm left with the feeling that no one is available or willing to respond.
Nakatayo ako ngayon sa tabi ng landline ng phone namin na nakasabit sa pader habang nakatingin kay Mama na naghihintay rin na may sumagot sa tinatawagan ko.
"May sumagot na?" Ma-usisang tanong ni mama na nakaupo sa sofa.
"Oo, tunog ng ring." Pagkatapos ko sabihin iyon agad ko nang ibinaba ang phone call. "Hindi ata totoo." I signed.
"Oh? Bakit mo ibinaba agad? Susuko ka na? Nakaka tatlong tawag ka pa nga lang. Try mo ulit, baka naglalaba pa yan ng panty niya." Pamimilit niya. Wala akong magawa kundi hawakan ulit para tawagan.
"Oh? Ano na? May sumagot na?"
"Ma, wala nga e. Scam ata to." Budol si kuyang unknown driver.
"Nako, ako nga tatawag tabi. Baka allergic ang telepono sayo kaya ayaw sumagot." Sabay hila niya sa akin sa telepono. Siya na ang na nag redial nung number na tinatawagan ko kanina pa.
"Beshy, Tita Myla! May dala akong pancit." Bungad ni Vein habang dala-dala ang dala niyang pasalubong sabay lapag ni Mama ng telepono nang makita si Vien sa pintuan na papasok.
Yes, dito na muna nakatira si Vien sa amin since nagka-problema siya sa kanyang mga magulang dahil sa kanyang kagustuhan maging criminology. Naalala ko pa no'n mga gabi na tumawag siya habang umiiyak, sinabi niya agad na tinakwil siya ng kanyang mga magulang dahil hindi natupad ni Vien ang kagustuhan ng kanyang mga magulang na maging architect siya. As l've known, both her parents were architects, at gusto din ng mga magulang niya na maging ganon rin siya, but Vien follow her heart. Hindi ko nga maintindihan kung paano tinakwil agad-agad si Vien sa gano'ng kababaw na dahilan. Nang nalaman ni Mama, agad niya inalam kung saan si Vien. Hindi na kasi iba si Vien sa amin, ang tingin ko nga sakanya parang kapatid na, at tingin sakanya ni mama parang pangalawang anak na.
"Anong mukha yan, Blaire? Para kang namatayan." Tanong ni Vien habang nilalapag niya sa dining table ang dala niyang pasalubong sabay tingin kay Mama.
Ever since kada umuuwi siya, hindi talaga mawawala ang pasalubong. Minsan nga hindi na nagluluto si Mama, dahil nasanay na kami sa kada uwi niya may dala siyang pagkain. Pag nagluluto nga si Mama hindi nauubos at nasisira lang minsan. Sinasabihan ko nga siya baka maubos lang ang pera niya kakabili ng pagkain kada uwi, pero siya talaga ang may gusto.
"Ay nako, may tinatawagan kasi kaming calling card, eh ayaw sumagot kaya ayan nawawalan ng pag-asa." Sagot ni Mama habang hawak-hawak pa rin ang telepono.
"Eh Ma? Sinong hindi bubusangot? Mukhang budol ata tong offer. Mga lalaki talaga." Inis kong saad habang naka kunot noo sabay buntong hininga.
YOU ARE READING
My Professor is My Boss (ONGOING)
Mystery / ThrillerTaglish ( Student x professor, gxg ) Disclaimer: (This contains torture, blood, domestic violence etc,,) _________ For love, would you be willing to kill and engage in violent games just to protect your loved one? - The k...