Napadilat ako ang sakit ng ulo ko... Ano bang nagyari? Ang naalala ko lang bumagsak ako at nasa ospital na ako...
Nandun si Julianna binabantayan ako at si Alexander..
"gising kana pala" sabi ni Julianna at Alexander
"ano bang nangyari?" tanong ko... Kinuwento naman ni Alexander ang lahat pagtapos nun pumadok na si mama lumabas muna sila Julianna para makapag usap kami..
"anak" (umiiyak)
Nangyari na yung kinakatakutan ko... Yung pagkakaroon mo ng epilepsy....
Nalilito ako ano ba nangyayari hindi ko namalayan na tumulo na yung luha ko..
"dahil ba yun sa aksidente m-ma?" nauutal kong sabi
Agad naman tumango si mama
Ilang araw ang lumipas nakapasok na ako... Nakakapanibago
Pinagchchismisan na naman ako at wala naman akong pakilam ang tanging iniisip ko lang yung sakit ko.. May nabubuhay pa ba sa sakit na yun? Umiiyak na naman ako... Nasabi ni mama na hindi lang daw yun yung sakit ko may Mass disorder daw ako
Tuloy tuloy lang ang pagiyak ko at tinatawanan na ako ng mga studyante dito...
Napatakbo nalang ako at may nabangga pa ako?!
"Mianhe!''
(sorry in korea)
Pumunta ako sa tahimik na lugar at tinawagan ko si Julianna para samahan niya ako dun..
Maaga pa naman para sa klase namin.. Yung oras na yun iniyakan ko si Julianna.. Lahat ng sakit na nararamdaman ko iniyak ko.. Masakit pakinggan yung akala mo sa palabas mo lang mapapanuod na di ko aakalahing mangyayari saakin..
