Alexander POV
Ilang buwan din ang lumipas at dumating na yung araw na hinihintay ko ewan ko lang kay Kyle. 3am bumangon na ako dahil 5am yung flight namin. Sagot ng school syempriee!!"Xander come on let's eat baka malate ka pa!" sigaw ni mom mula sa kusina..
Ganon talaga siya kahit na sa kwarto ako rinig na rinig parang MOMGILLA pero love na love ko yan si mom.
"opo baba na!" sagot ko sabay takbo oh diba ang galang ko!
Pagkababa ko ang daming pagkain .
"woah!" kumikinang mata ko..Agad akong kumuha ng plato at kubyertos.
"yum yum yum ang tshap tshap!" sabi ko kay mom
"anak ayos naman nagmumuka kang hindi nakain! Lalo kitang mamimiss nyan!"
Tumawa kaming parehas ng biglang tumulo yung luha ni mom.
Iyak tawa siya ngayon.
"anak sure na ba yung decision mo?""yes mom, gusto ko din pong maging independent eh."
"paano ka magiging independent eh allowance mo bigay ng dad mo?!"
"si mom naman syempre yung pagluto ko ng pagkain laba mga ganun!""Basta magiingat ka anak love na love ka ni mommy!"
Sabay halik halik pa."mom mom! Ano ba yan di na ako bata!"
"Alam ko pero baby damulag kita!" sabay kiliti
Tawa kami ng tawa ng biglang nagsalita si dad"Anong drama yan? " sabay yakap saamin..
Yeah nagiisa lang ako.. Hindi joke si Alexandra nasa States dun nag aaral matanda ako sa kanya mga 2 years yata ewan.. Di naman kami close ng mangkukulam na yun.
"bilisan mo 20 mins nalang alas quatro na!" sigaw ni dad
"huwat!?
"Yan PG MODE AKO NGAYON NAGMAMADALI NA AKO KUMAIN SI MOM KASI!!
Nanlalaki na butas ng ilong ko grabe sabay inom ng gatas..
Buti nalang naligo na ako..
Inayos na sa van namin yung bagahe ko then diretsyo sa school..
Maaga pa naman kaya mabilis lang biyahe pagdating dun ako nalang hinihintay kahiya..
"sorry po!" sabay bow sa mga kasama ko.
"hi!" sabi ni Kyle saakin..
"hello! Tabi tayo?" bati ko..
Nagthumbs up nalang siya at isa isa na kami pumasok sa van
Sa mabilis na lane kami dumaan..
10 minutes nalang before ng flight namin madaling madali kami. Pagdating namin dun para kaming mga aso hingal ng hingal.
"hindi kasi tayo magmamadali kung di nalate si Alexander!" bulong bulungan ng nasalikod ko. Bumulong pa rinig naman.
"hay nako hayaan muna nandito naman na tayo."
"O right sige na ako na may kasalan kaya tayo nagmamadali kaya sorry ok?"
Napatingin sila saakin.. Napatikom yung bibig.. Hinayaan ko nalang sila..
Sumakay na kami sa plane syempre tabi ulit kami ni Kyle siya lang naman close ko maliban kay Julianna na anak ng may ari ng school at si Erone..
Pumuwesto si Kyle sa bintana at tuwang tuwa siya. Kinuhaan ko siya ng picture na hindi niya alam..
Hay nako Kyle..
