Ron Ky Meet

7 0 0
                                        

Pagkatapos ng punishment nila Princess sa sobrang kakamadali ko nauntog ako sa pader sa may corridor..

"aray ko!"

napatingin ako kung may tao.. wala naman..

"whoooo!!"

ng biglang

"ahhahahahahaha laughtrip men!!!"

"grabe bulag ka ba?"

sabi ni Erone

bwiset!! aalis na sana ako nang hilahin niya ako.

"hep hep hep!! san ka pupunta?"

"aalis na ako! bakit? nagmamadali pa ako!"

"sinong teacher mo?"

"si Mr. Allen"

"pssh nagmamadali ka dun?! eh nakakaantok nga yun magturo.. buti napagtyatyagan mo yun? ahaahahahha! next time tingin tingin din ha wag tanga xD''

"badtrip! natanga pa ako siya kaya magmadali"

tumakbo na ako sa classroom pagdating ko nagiistart na yung klase.

PATAY!!!

"Good Morning Sir, Good Morning classmates, Sorry Im late. May I come in?"

nagtitinginan yung mga kaklase ko saakin..

bwiset na Erone yun.

"next time Kyle wag ka malelate ha... ngayon ka lang nalate sa klase ko.. at dahil first late mo ok lang basta wag mo na uulitin"

"Yes po Sir!"

pweeeuu!! buti nalang mabait si Sir..

pagtapos ng klase pauwi na sana ako ng makita ko si Alexander na nakaupo dun sa may Corridor kung saan ako nauntog kanina..

didiretsyo na sana ako ng tawagin niya ako..

"uy! di ba ikaw si Kyle?" nakangiti pa siya saakin lakas maka uy hindi po ako si Liz Uy..

"yup ako nga, bakit?"

"wala lang"

"Uy thank you nga pala sa pagtulong mo saakin":)

diba pati ako nakiki Uy xD

"no problem!"

"sige bye!"

nagtaas lang siya ng kaway at ng babye sign..

****

nasa gate na ako ng makasalubong ko si Erone..

halatang nagpipigil ng tawa

"sige na tumawa kana, hiyang hiya naman ako eh!"

humalakhak siya ng wala nang bukas.. yung wala nang katapusan.. totoo talagang may Forever... tawa pa lang niya wala ng katapusan. di ka mabibitin..

makaalis na nga badtrip lang..

sana may time machine ako para mailag ko yung sarili ko sa pader kanina..

sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi kaya chill ka na lang..

THE HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon