Matapos ng araw na yun pinaguusapan nanaman ako as usual ng mga chismosa at maarte kong mga kaklase... Hindi ba sila nagsasawa sa ginagawa nila buti sana kung nakakatulong sa ekonomiya yun matutuwa pa ako...
****
Naglalakad ako sa corridor namin ng hilahin ako ng isang grupo ng mga nakatakip ang ang mga muka.. Agad nila akong tinakpan ng panyo sa bibig... Ang malas ko naman bakit ba simula ng naging close kami ni Alexander trouble na inaabot ko.. how terrible life is..Dinala nila ako sa isang bahay na halatang abandonado na.. Ano bang balak nila saakin? Itinali nila ako sa poste na pinapalibutan ng mga bulate..
"tulong!" sigaw ako ng sigaw..
Nako Lord wag muna may pangarap pa ako.. Huhu!!!
Nagdadasal ako ng lumapit yung dalawa saakin at sampalin ako.. Sobrang sakit na dahilan para maiyak ako..
"Ano bang problema niyo?!" sigaw ko sa kanila
Hindi sila sumasagot.
Maya maya ay naghanda na sila ng mantikang mainit.. Nakita kong umuusok pa yun.Sigaw ako ng sigaw pero parang wala na yatang pag asa..
Iyak ako ng iyak ..
"Alam mo maganda ka sana eh ang landi mo lang!"
Sabi nung isang unidentified person.. "kunyari ka pang mabait malandi ka din pala!" sabi pa ng isa..
"Tama ng satsat tapusin niyo na yan!"
Pumikit na lamang ako dahil sa palagay ko ito na ang katapusan..