Chapter 3

3.8K 101 1
                                    

Ayla Pov:

"Ayla! Ayla!" tawag saken ni mama habang gumagawa ako ng assignment.

"Ma, bakit po?" sagot ko dito bumaba ako sa sala suot ang kerokeropi kong pajama.

Nagulat ako nang may mga lalaki sa pinto. Naka coat silang lahat yung akala mo eh nasa Men in Black ako na movie. Bakit may nakapasok ba na allien dito sa bahay?

"Ma?" lumapit ako kay mama at tumingin sa kanya na parang nagtatanong kung ano nangyayari.

"Anak, wag ka matakot di naman sila masasamang loob. Sila ang mga tauhan ng iyong lolo." huh paano naman nagkaroon si lolo ng mga ganitong tauhan! tyaka wow ha! parang god father lang ng Mafia ang dating..

"Cecilia!" sa wakas dumating na si papa..

"Ay!! susmaryosep!!" seriously ang papa ko tumili! pero umayos naman ulit. "Cecilia baket andito mga tauhan ng papa mo?" at tumingin saken si Mama. Wth??

*****
Ivan Pov:

"Lolo.. Wazzup!!" bati ko sa lolo Hulk kong masungit.

"Ivan! ayusin mo nga yang tindig mo! para kang di lalaki! napakapalekero pero di ka naman magaling humarap sa responsibilidad!" napapapikit na lang ako sa lakas ng boses ng lolo ko! Lolo gusto nyo ng oxygen?

"Ngayon sigurado ako na magtitino ka na. Dahil ngayong araw makikilala mo ang iyong mapapangasawa!" what!! anong??

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mga naglalakihang katawang naka coat na itim with matching sunglass nakapila na parang mga agent sa pelikula pag di ka sumagot ng tama bugbog abot mo. Napalunok naman ako.

At sa dulo nung mga agent may pumasok na isang matanda at isang babae sa likuran. Sandali yun ba ang mapapangasawa ko? ka swerte naman! Eh maganda naman pala! Ka sexy!

Hanggang sa kumanan yung babaeng sexy at humelera sa mga naka coat na itim. Wait so hindi sya.. sino??

"Kumpanyero!" Nagkamay sila at nagyakapan! wow lakas maka bromance!

"Eto na pala si Ivan! ang gwapong bata bagay sya sa apo ko." eh mabait naman pala ang lolo ng mapapangasawa ko! Wait, parang pamilyar ang muka nya saken.

"Lolo Ramon??" nasambit ko rin! tama di ako maaring magkamali si Lolo Ramon nga yung nagbigay saken ng laruang robot nung 5 years old pa lang ako! Kasi talagang gusto ko yung robot tapos ayaw ako ibili ni mama sya na lang bumili saken. First robot ko yun kaya di ko makakalimutan.

"Ivan naaalala mo pa pala ako. " At tumawa sya saken at niyakap ako.

"Sandali, kumpadre nasaan na ang apo mo? Siguradong maganda rin yan katulad ni Cecillia!" Lolo ko bolero din eh noh! tapos maka sermon wagas!

"Heto pinapakilala ko ang aking apo. Aya Laine Ramirez. " Napahinto ako sa pag hinga hinintay ko ang pagpasok nya ng pinto, pero laking gulat ko ng makita sya.. Wtf!

****
Ayla Pov:

Bilang isang Ramirez matapang kame humaharap sa mga pagsubok, yan ang tinuro ng mga magulang ko. At isang responsibilidad ang kailangan kong harapin kahit masakit ito para saken gagawin ko ito para sa aming pamilya..

Flashback.

"Lolo" niyakap ko sya dahil ang pagkakaalam ko kalalabas nya lamang sa ospital. Alam kong strikto siya pero para saken sya ang da best lolo dahil medyo spoil kame pagdating sa kanya.

Tinapik ni lolo ang balikat ni papa. At si mama pumunta muna sa kwarto.

"Apo.." tumingin ako kay lolo "..pwede ka ba makausap ?" sumunod ako kay lolo sa garden.

"Lolo, may problema po ba kayo ni mama?" isang buntong hininga ang ginawa ni lolo bago nya ko sinagot.

"Sigurado ako.. galit ang mama mo saken." lalo kong pinaikot ang mga daliri ko tila naghahagilap ng maiisip kung baket nangyayari ang mga bagay bagay ngayong gabi.

"Lo, may kasalanan po ba ko sa school?" eto lang kasi naisip ko, baka nabalitaan nya yung nangyari saken at yung pagpapakilala ni Kevin saken. Ayaw kasi nila lolo na magpaligaw muna ako. Malay ko ba kung na misinterpret niya di ba?

"Wala kang kasalanan apo." Medyo lumungkot ang muka ni lolo pagkasabi nun. "..Ayla alam ko matalino kang bata, at humihingi si lolo ng despensa ngayon pa lang." nakaramdam ako ng kaba at pagtataka sa mga sinasabi ni lolo.

"Ayla kilala mo ang lolo di ba? Ikaw ang aming prinsesa sa aming buhay.. at " tinitigan ko si lolo.. yung tipong wag na nya ipaligoyligoy ang usapan. " Apo nalulugi na ang ating factory.." huh??

"Alam ko naguguluhan ka kung ano ang kinalaman nito sayo.. Apo kasi ikaw lang ang makakasagip sa ating factory.." lalo ako naguluhan.. Panoh?? Ako??

"Meron akong kaibigan sa negosyo at dati ko rin itong kasama sa serbisyo kung saan napaka successful nya at halos lahat ng leading supermarket dito sa pilipinas ay pagmamayari nya. Inalok nya ko ng tulong magkakaroon ng merge ang kumpanya naten at ang kumpanya nila sa isang kundisyon. Kailangan ipakasal ang kaisa isa nyang apo na lalake sa babaeng galing mismo sa ating pamilya.."

Hindi ako tanga para di ko ma gets ang lolo ko. Isang fix marriage ang gusto nyang gawin. Si mama ang kaisa isa nyang anak na alam ko na di na nya pwedeng ipakasal. At ako lang ang nagiisang apong babae na pwede nyang ipakasal. Akala ko sa mga telenovela lang toh nangyayari o sa mga pocketbook. Sa totoong buhay din pala. Di ko na mapigilang lumuha.

"Ayla, kung hindi mo gusto. Hindi kita pipilitin." tumayo si lolo at tumingin sa kawalan. Tiningnan ko sya at ang aming bahay. Naisip ko kung anong mangyayari sa amin kung tumanggi ako. Mawawala ang bahay, ang sasakyan namen, mawawalan din ng trabaho si Papa, ang mga trabahador ng kumpanya. Bumalik din ang mga alaala ko noong nagsisimula pa lang ang factory madalas kami pumunta dun ni Lolo. At sa huli naisip ko ang Lolo Ramon, ang sakripisyo nya, ang dedikasyon nya.

Hindi ako matatahimik kung di ako tutulong sa kanya marami syang nagawa para sa aming pamilya. Mahal na mahal ko ang lolo ko at ang pamilya ko. Gagawin ko. Kahit kaligayahan ko ang nakasalalay.

"Lolo.." tumingin ito saken. "Pumapayag na po ako. Masyado ko pong mahal ang pamilyang ito para maging selfish ako. Naiintindihan ko po ang lahat." niyakap ako ng lolo ko. "Salamat apo." naramdaman ko rin ang pagpatak ng luha nito.

"Lo, wag na po tayo madrama baka magalit yung mga men in black mong kasama.." kumunot na tumingin saken si Lolo.

"Wag ka magalala apo props lang sila." Lolo ko talaga may nalalamang props!

end of flashback.

Kinakabahan ako nanlalambot ang mga tuhod ko, pero di ito ang oras para maduwag. Kailangan ako ng pamilya. Kailangan ko tong gawin.

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon