Chapter 22

2.4K 70 2
                                    

Carol Pov:

Tapos na namen ang props ng stage. Ang ganda lang ng resulta dahil talagang pinaghirapan namen ito. Malapit na rin pala ang play, 2 days na lang at mapapanood na ng buong school ang pinaghirapan namen. Pero bigla naman ako nalungkot, kase kalat sa facebook yung picture ni Ayla at Kevin. Si Kevin na rin ang nagpost nun with caption "with my girl".

Talaga bang sila na? pero sinabi ko naman kay Ivan ang lahat na isang pustahan lang si Ayla. Haist! Kelangan ako na ang kumilos para paghiwalayin ko sila! Pero paano? Isip! Isip!

Alam ko na!!

****
Ayla Pov:

Tapos na ang klase namen, buo na rin ang desisyon ko na hindi ko tanggapin ang pagmamahal na inaalok saken ni Kevin. Dahil mas malinaw na sa utak ko kung ano ang tama at yun dapat kong gawin.

Maaga akong pumunta ng auditorium, may practice kasi kame 3 ng hapon eh 2pm pa lang naman kaya eto nagpapractice ako kung ano ang sasabihin ko kay Kevin. Dumerecho ako ng dressing room. Pagopen ko ng pinto nagulat ako nang makita ko kung anong eksena ang meron sa loob.

"Carol! Kevin!" What the f*ck! Sorry lord sa bard words pero..

"A-ayla!" sambit ni kevin.

"E-excuse me.." yun na lang nasabi ko. Kasi di maprocess ng utak ko kung ano nakita ko! Tumalikod ako at lumabas muna. Si Carol and Kevin they..

they Kissed ! Oh my god! yung virgin eyes ko!

Papalabas na ko ng Auditorium nang maisip ko na..

"Sandali. Umamin sya saken ako ang mahal nya tapos he kissed Carol!? Sh*t he's a jerk!" bumalik ulit ako ng dressing room at nakita ko si Carol na umiiyak. Anong?!

"You know what before i saw you kissed my bestfriend, busted ka na saken eh! Dahil sa totoo lang di talaga kita mahal." pagpapaliwanag ko sa kanya para klaro ang lahat! para di sya maging assumero!

"A-Ayla.." alam ko magpapaliwanag pa sya pero i cut him off..

Hinawakan ko ang kamay ni Carol na kinagulat naman nya "Pero mahal ko ang bestfriend ko! at di ko sya hahayaan sa gagong katulad mo!" then he smirk at me, ano nangaasar ba sya?! baka di ko sya matantya!

"Eh di wow! Pabebe ka masyado Ayla! Sa tingin mo ba type kita?! o kayong dalawa?! Your a flat ch-.... "

Bogsh!!

Bago pa nya masabi yung mga masasamang word galing sa bunganga nya, binigyan ko na sya ng isang straight sa muka! Ang kapal ng muka nya! Kami pa talaga mag best friend tinutwo time nya!

"Sorry ang baho ng hininga mo! kaya di napigilan ng kamao ko bigwasan ka!" gaganti sana sya pero mabilis ako nakaiwas at binigyan ko sya ng isang malakas na sipa. Tumayo ulit sya at parang lalaban pa.

"Hoy wag mo ng tangkain Kevin lumaban sa bestfriend ko! Taekwando champion yata yan!" pagmamalaki ni Carol.

Ginawa ko ang pose. Tiningnan nya ko ng masama..

sabay takbo ng kumag!

"Wala ka pala eh! duwag!" sigaw pa ni Carol.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil..
Awww!!! ang saket!! sabay himas ko sa kamay ko.

"Bestfriend!!" tili ni Carol. Susme! Niyakap na nya ko ng mahigpit na halos di na ko makahinga!

"Carol. Eeek.. di ako makahinga!!" pagawat ko dito.

"Sorry! Sorry! Masaya lang ako dahil natauhan ka na!" sabay ngiting tagumpay.
"Salamat talaga bestfriend! Kaya mahal na mahal kita eh! I love you!" sabay yakap ulit.

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon