Chapter 17

2.2K 71 3
                                    


Ayla Pov

**Cafeteria

"Carol!" tawag ko sa kanya umupo ako sa lamesa kung saan sya nakaupo, buti nakita ko sya kagad, marami kasi akong ikukwento pero baket poker face yung muka nya.

"Best anong muka yan?" tanong ko sa kanya muka kasi may bumabagabag sa kaloob looban nya eh..

"Baket best ano bang muka meron ako?" sarcastic nyang tanong saken.

"Best, muka ka kasing may problema? May matutu-.." pinutol nya agad ang sasabihin ko at nagulat ako ng nagsalita sya saken.

"Ayla, wala akong problema.. Siguro gusto ko lang mapag isa. Masama lang siguro gising ko kanina.." tumayo sya sa lamesa at kinuha ang natitira nyang pagkain.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa sinabi nya pero alam ko may problema sya di nya lang saken sinasabe. Siguro nga gusto nya muna mapagisa, pero baket parang pakiramdam ko may mali.

**Auditorium

"Guys 1 week na lang ang natitira saten para sa show please sana naman walang pasaway ok?! Eto na yung time para patunayan naten sa ibang club na masaya at maganda sa theatre club! okey! kaya naten toh guys! " sabi ni teacher Dev.

Okay naman ako madali ko naman nakabisado ang mga lines ko siguro nakatulong talaga yung naging confident akong humarap sa mga tao.

"Ayla and fairygod mother scene muna tayo." sigaw ni teacher Dev habang hawak yung script.

Tumayo ako at si Carol.

"Okay ready guys? " tumingin si teacher Dev samen at tumango naman ako samantalang si Carol parang ganun pa rin.

Ginawa namen ang scene namen ni Carol. Kahit nagbabatuhan kame ng linya parang nararamdaman ko na parang ang layo nya. Hindi ko alam baket ko nararamdaman toh sa bestfriend ko.

"Okay cut!!" sigaw ni Ms.Dev "Good job guys!" napangiti naman ako dahil perfect na namen yung scene. Lalapitan ko sana si Carol nang..

"Ahh.. Teacher Dev sasama po ako pagbili ng snack para sa lahat. Sige po bibili na po kame ni Lucy." agad naman sya bumaba ng stage.

"Okay sige. Prince Charming at Ayla get ready kayo naman ang susunod." napatingin naman ako kay Kevin na nakangiti saken siguro tsaka ko na lang kakausapin si Best.

_______________

Mabilis naman ang rehearsal namen dahil kabisa na namen ang mga lines and blocking namen. Talagang mahusay talaga si Teacher Dev pagdating sa theatro yun nga lang wag mo lang iinisin dahil dragon kung magalit.

Naglalakad na ko papalabas ng gate ng school nang makita ko si Carol may kausap syang grupo ng mga estudyante. Nakita ko na napatingin sya saken pero dinedma nya lang ako gusto ko syang lapitan, gusto ko syang kausapin..

"Ayla!" narinig kong sigaw mula sa likuran ko.

"Oh kevin baket?"

"Gusto sana kita isama sa practice game namen kung ok lang?" sabi niya saken, napaisip naman ako. Wala naman akong gagawin paguwi tsaka wala naman akong assignment.

"Okay." sagot ko.

"Talaga! Yes!" natawa naman ako sa reaksyon nya daig pa sinagot eh! "Tara!" hinawakan nya ang kamay ko na kinagulat ko. Mukang hindi lang din ako ang nagulat pati yung mga estudyanteng nakapalibot samen.

Kevin and Ayla, sila na ba?

Shocks ang swerte naman ni Ayla kay Kevin!

Kaya pala sumali ng Theatre Club si Kevin siguro dahil kay Ayla.

Marami akong naririnig ng mga reaksyon sa paligid ko at hindi lahat maganda komento samin dalawa.

Hindi naman maganda nagmamaganda lang..

Siguro ginayuma?

Anong nagustuhan nya dyan eh flat chested naman..

Pero habang nakikita ko si Kevin at kung gaano kahigpit ang hawak nnya sa mga kamay ko, parang sinasabi nya na okay lang ang lahat at dahil dun napanatag ang loob ko.

Matagal ko na syang crush ngayon na pinapansin nya ko di ko papalampasin na kilalanin sya. Ewan pero si Kevin na lang nakakapagbigay saken ng pakiramdam na pwede akong maging masaya..

****
Carol Pov:

(Author baket ngayon lang ako nagka Pov?)

Anyways, medyo badtrip ako ngayon. Well di lang pala ngayon mga ilang araw na rin bwisit ako. Nabwibwisit ako sa sarili ko!

Kasi nasasaktan na nga yung puso ko, eto pa rin ako umiibig sa taong di naman ako gusto! Tanga lang noh! At mas may tatanga pa ba saken kung tinutulungan ko sya sa taong gusto nya! Asar!

Martyr na kung martyr! Pero grabe yung puso ko magmahal eh 100% todo bigay!

"Hey Carol!" napatigil ako nang makita ko yung mga pabebe girls ng Clemente High. Besides sa maarte eh bully din sila.

"A-ako ba?" turo ko sa sarili ko.

"At sino pa nga ba Carol dito?! Eh ikaw lang naman ang may baduy na pangalan sa school and include your best friend Ayla!" ay bastusan eto! problema ng mga toh!

"Ay malay ko ba kung may mga nakikita kayo na di nakikita ng tao! Kasi mga impakta kayo!" di ba tama naman ako.

"Girls!" nagsnap si Unice ng kanyang finger in maarte way! Ay sarap kutusan! Bigla naman ako hinawakan nun dalawang alipores nya at kinaladkad sa may likod ng building. Pakshet lang wala pala mga students masyado ngayon dahil busy sa gym dahil nanonood sila ng practice game ng Clemente Warriors vs Walter Eagles ng Walter Academy! Peste!

"Sandali ano ba kailangan nyo saken!" pero di sila nagsasalita. Nakikita ko sa muka nila ang mga smirk nila at parang naguusap usap sila sa mata! Mga impaktang toh, ano ba kailangan nila saken?

Tinigil nila ang pagkaladkad saken sa abandonadong room, shocks balita ko may kapre daw dito! Maligno! Tyanak! Waaah!!
Carol laksan mo ang loob mo!!

"Alam mo wala ka naman talagang kasalanan. Nadamay ka nga lang.." sabay ngiti ni Unice saken. Pesteng toh maganda sana kaya lang impakta lang!

"Huh?! Anong pinagsasabi mo?"

"Alam ko na may gusto ka kay Kevin at tinulungan mo sya kay Ayla." natulala ako. Paano nila nalaman yun?!

"Anong pinagsasabe mo?!" pagtanggi ko.

"Alam mo madali ko lang naman malalaman yun dahil marami akong mata sa paligid. At alam ko din na may gusto ka kay Kevin halata naman eh, madali kang mabasa Carol yun nga lang bestfriend mo yung gusto nya.. di ba ang saket?" napakunot ako ng noo ko. Packingtape talaga bunganga nya! Lahat yun totoo.. masaket.. sobra..

"Naawa ako sayo dahil alam ko ang feeling na nagmamahal ka pero di ka naman mahal ng mahal mo. Pero hindi ako mahina Carol kumikilos ako para makuha ang gusto ko.. Sa kahit anong paraan!" bigla akong tumingin sa kanya. Seryoso ang muka nya.

"Diretsohin mo na ko Unice!" ano bang binabalak mo?! alam ko may gagawin silang hindi maganda.

"Isa lang ang gusto ko makipagtulungan ka samen na masira si Ayla kay Kevin. Alam ko naman na inis na inis ka na sa kaibigan mo! Kasi di sya marunong makiramdam sa paligid nya! If i know alam naman nyang may gusto ka kay Kevin but she didn't think na masasaktan ka! Napaka insensitive na babae.. Kaya hindi sya karapat dapat kay Kevin!"

Bigla ako natawa.

"Anong nakakatawa?" taas kilay nitong tanong saken.

"Anong plano?" sabi ko, at ngumiti sila saken..

****
(A/N)

short UD lang po ito..

#frenemy na ba tong si Carol?

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon