Chapter 1

7.9K 153 1
                                    

Ayla Pov:

"Ayla bangon na! Papasok ka pa sa school mahuhuli ka sa klase." Naramdaman ko na lang ang pag palo ni mama sa pwetan ko.

"Ma, pwedeng kahit isang minuto pa." Ayoko talaga bumangon nakakatamad.

"Hindi pwede, tapos na ang bakasyon. Tumayo ka na dyan gusto mo bang buhusan pa kita dyan ng tubig para tumayo ka. Wag mo kong subukan Ayla." Aish! Mama talaga wala naman gagawin ngayon sa school eh.

"Tumayo ka na young lady, di ka na bata!" habol pa sakin ni mama.

"Opo Ma." Pupungaspungas akong pumunta ng banyo. Kung di lang lahi sila mama ng terror naku siguro masyado na kong nag eenjoy sa buhay ko. Masyado kasing strict si mama katulad ni lolo. Retired military kasi ang lolo, kaya pinalaki sila mama katulad ng mga sundalo sa kampo at di ko alam paano nya nakilala si papa at paano sila nagligawan you know what i mean. Ang sungit kaya ni mama kahit mga kaibigan ko takot sa kanya sobrang kabaliktaran ni papa.

"Ayla, 30 mins ka na naliligo. Ano bang ginagawa mo dyan sa banyo, yung kapatid mo may pasok din to. Lumabas ka na dyan." Sinasabi ko sainyo pag sinabi ni mama na lumabas ka na sa banyo lumabas ka na kung ayaw mong mapalo ng tambo at sangkatutak na sermon ang ialmusal mo. Agad ako lumabas at nakita ko ang kapatid kong si Macly, at benelatan nya ko hanggang pag pasok nya sa banyo. Titirisin ko talaga tong kutong lupang to!

"Ayla, kumain ka na." Striktong sabi ni mama. Pumunta ako agad sa lamesa, nakita ko si papa habang nagbabasa ng dyaryo. Ako naman kinuha ko ang mug at kinalikot ang cellphone ko, tiningnan kung nagtext na si Carol. Sabay daw kaming papasok.

"Pssstt!" napatingin ako sa harapan ko at nagpalinga linga sinong sumisitsit na yun.

"Psstt!" mukang alam ko na kung sino..

" Pa. Bakit ka sumisitsit dyan. Pwede mo naman akong kausapin." mahinang sabi ko sa kanya.

At tiniklop nya ang dyaryo at seryosong sinabi sakin "Bakit di ba pwede mag paka mysterious type ang papa mo?" natawa naman ako sa papa ko at sa tanda nyang yan naisip pa nya na magpaka mysterious type ah. Ano naman pakulo to ni papa. Agad naman nyang binalik ang dyaryo sa muka nya nung parating na si mama sa lamesa at nilapag ang sunny side up na umuusok usok pa. Mukang mapaparami ako ng kain nito..

Kumuha na ko ng sinangag ng mapansin ko si Papa na parang sinisipat sipat si Mama.

Hmmm.. I smells fishy. Hindi yung itlog ang tinutukoy ko kundi ang parents ko.

Nang umalis si mama sa lamesa at bumalik sa kusina biglang binaba ni papa ang dyaryo.

"Ang hirap pa lang mag paka mysterious type." ako naman humagikgik ng tawa confirm war sila! kaya pala wala sa mood si mama.

"Pa, tama na ang pagpapaka misteryoso mo. Lambingin mo na si mama baka wala akong baon pagpasok ko." Bumuntong hininga naman si papa at tumayo.

Tumingin sya sakin at sinabing "Aja!" Omg si papa umaaja na rin saan naman nya nakukuha yang mga ganyang da moves! Di ko mapigilang mapatawa sa inasta ni papa yae na mag Aaja na rin ako!

Pinagmamasdan ko ang mga magulang ko na naglalambingan sa kusina. Haist napakalayo ng personality nila pero napaka sweet nila, sana ganyan din ako pagnagkaasawa yung katulad ni papa yung may sense of humor, yung sweet , caring at mahal na mahal ako. I wish i have an ideal husband katulad ni papa.

Tumunog ang phone ko nakatanggap ako ng message kay Carol.

Dito na ko girl.

Tinapos ko kagad ang pagkain at nagasikaso. Syempre wala pang alas kwatro lumapit ako kagad sa kanina pang naglalambingan sa kusina.

"Ma. Pa. Bati na kayo please para walang world war 3 dito sa bahay. Kiss ko na lang kayo! Mwwaahh!" nakita ko naman ang paglambot ng muka ni mama, anong problema ni mama bakit sila nagkatampuhan ni papa. Kung ano pa man yun alam ko naman na magkakabati rin sila.

"Anak, ito baon mo. Sige na pasok na baka ma late ka." at kiniss ako ni mama sa cheeks. Ganyan naman yan si mama minsan masungit minsan naman sobrang sweet syempre nanay ko pa rin sya kahit na ano pa ang tantrums niya, eh mama ko pa rin sya. Isa pa rin sya sa hinahangaan kong babae sa buong mundo. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pinto nang ..

"Ayla!" tawag sakin ni mama "Ano po yun ma?" sigaw ko..

"Ingat anak.." nakikita ko ang muka ni mama parang maiiyak na ewan. "Salamat ma." at lumabas na ko ng bahay.

**** Clemente High****

"Girl, kanina ka pa dyan tulala?" sabi sakin ni Carol.

"Huh?? may sinasabi ka?" ano ba yan bakit ba ko natutulala ngayonng araw siguro antok pa ko.

"Ang sabi ko saan tayong club sasali?" ahh akala ko naman kung ano..

"Bahala na Carol siguro try muna naten mag observe kung saan talaga tayo sasaling club. Ayoko na maulit yung nakaraang taon." yeah ayoko na maulit yung Science club na sinalihan namen, nagkaroon kasi kami ng palpak na experiment na pinasabog sa baho ang buong school, nakakahiya. Sobrang disaster.

" Tama ka dyan." di pa kami nakakalayo sa gate ay parang merong namumuong komosyon sa di kalayuan. May nagtitiliang mga girls at isama mo na ang mga bading, ano bang meron at ganito sila ngayon?

Sa sobrang dami ng estudyante parang magkakastampede, pinili namin gumilid ni Carol pero huli na ang lahat nagkatulakan na at napaupo ako sa semento napahiwalay naman sakin si Carol.

Dyos ko ito na ba ang katapusan ko. Dito na lang ba matatapos ang buhay ko. 15 pa lang po ako gusto ko pa pong magkaasawa at magkaanak! Please Lord help me! Kung sino naman kasi may gawa ng kaguluhan na toh sana naman tumigil na!

Napapikit na lang ako dahil hindi talaga ako makatayo sa pagkakasalampak nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Bigla akong napamulat pero nanatiling nakayuko bakit parang tumahimik yata tsaka parang lumuwag ang pwesto ko.

"Miss, tumayo ka na dyan, heto abutin mo kamay ko." nagulat ako at may nagsalita, nakita ko ang kamay nya na inaabot sakin. Inabot ko naman at nagpagpag ng palda. Di ko sya matingnan ewan ko ba kung bakit.

"Sana di ka nasaktan." pagkasabi nya noon saka ako tumingin sa mga mata nya. Shocks! Si Kevin! naririnig ko sa paligid ang mga bulungbulungan sa paligid kahit mahina yun alam ko na naiinggit sila sakin.

"Here, panyo ko hiramin mo muna may dumi ka kasi sa muka. Ako nga pala si Kevin, and you are?" My gulay! Kinakausap nya ko! Bigla akong natauhan nung siniko ako ni Carol..

"A - Ayla" ako naman na star struck pa rin ako kay Kevin. Tulaley lang!

"Okay Ayla nice meeting you, see you around." ngumiti naman sya sakin at ako din. At ayon nawala na sya sa paningin ko.

Owww mayyy Gahhhhdd!!

Okay pwede nyo ko lagyan ng fan here na karatula, dahil fan na fan talaga ako ni Kevin kahit si Carol din crush na crush nya ito.

Sino ba naman kasi di magka crush sa MVP ng basketball ng Clemente High. Nakaka loka lang pinansin nya ko!

"Girl! tama na halika na malalate tayo sa first subject." sabi ng kaibigan ko na im sure inggit din.

"Eto naman, halika na nga." basta ako i'm happy, pinansin ako ng crush ko.

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon