Ivan Pov:
"Lolo, binibiro mo ba ko? Sya ang pakakasalan ko! Eh highschool student pa lang sya. Menor de edad baka makasuhan pa ako nyan ng child abuse." tumingin ako kay lolo Ramon at sa batang katabi nya. Totoo naman talaga! Grabe nababaliw na ang lolo ko! Ganyan na ba sya kadesperado sa pagpapatino saken! Grabeng parusa naman toh!
"Ivan! Isa kang walang modo! Walang galang sa nakakatanda sayo! Irresponsable! At bilang isang Zamonte nakakahiya ka! Kung hindi lang namatay si Isagani at ang mama't papa mo, eh di sana hindi ikaw ang pinagtatyagaan ko!"
So ganito pala tingin nya saken noon pa!
"Wow, so kailangan magpasalamat pa pala ako! huh?! Salamat ho pinagtyagaan nyo ko?! Alam mo lolo pagod na ko kakakontrol mo sa buhay ko! At pagod na rin ako sa kakakumpara mo sa kapatid ko na patay na! Kayo na lang magpakasal kung gusto nyo! "
Badtrip talaga!
"Ivan! hindi mo ko matatakasan kahit kelan! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin! "
Biglang humarang ang mga lalaking naka coat. Wait tauhan to ni Lolo Ramon bakit sila sumusunod sa utos ng huklubang yun??
Hinawakan nila ako at mayamaya naramdaman ko na lang ang pagsakit ng ulo ko at pagkawala ko ng ulirat.
*****
Ayla Pov:Obvious naman na ayaw saken nung Ivan. Di na ko nagulat. Hindi pala sya nainform kaya ganun na lang galit nya sa Lolo nya. Nagulat pa nga ako sa mga rebelasyong nalaman ko na may hidwaan sila ng lolo nya.
Aalis na dapat sya ng Mansion nang hinarang sya ng mga tauhan ng Lolo ko. Nakakapagtaka bakit nila sinusunod si Lolo Maximo?
Nawalan ng malay si Ivan at inutusan nito ang Butler na ihatid ito sa kwarto.
"Humihingi ako ng paumanhin sa inasal ng apo ko. Matigas ang ulo nya at hindi talaga sya nakikinig saken. Ramon, ang mga tauhan na hinire ko para protektahan kayo ng pamilya ay malaking tulong sa inyo."
Tumingin ako kay lolo at naunawaan naman nya ang Don.
"Kung inyong mamarapatin, dito na kayo magtanghalian. Alam ko maraming tanong si Ayla sa kanyang isip. Matalino talaga syang bata Ramon at alam ko maiintindihan niya ito lahat."
Tila sumakit ang ulo ni Don Maximo.
"Maximo.. halika muna at magpahinga ka." usal ni lolo. Nagpaakay naman ito at dinala ni lolo sa masters bedroom.
***
Dining AreaAndito kami tatlo sa isang mahabang dining table at kumakain ng tanghalian na espesyal na pinaluto nya sa kanyang head chef.
"Ayla, wag ka mahiya iha kumain ka lang. Ramon salamat sa pagalalay mo." sabi nito.
"Maximo, kung iyong pahihintulutan.. sana'y sabihin mo kay Ivan ang totoo." napatingin ako kay Lolo Ramon. Bakit hindi ba alam ng Ivan ang pagmerge ng company namen sa company nila?
"Wag ka magalala Ramon ako na ang bahala." Tumingin saken si Don Maximo. "Iha anong year mo na sa school?"
"4th year po." kaswal kong sabi.
"Wag ka magalala iha ang kasalan na magaganap, hindi ito malalaman ng iyong mga classmate. Kakausapin ko ng personal ang iyong principal. " humugot sya ng malalim na hangin at tumingin ulit saken.
"Iha. Pasensya ka na kay Ivan. Alam ko ang sitwasyon ninyong dalawa, mapipilitan kayong magpakasal para sa pag iisa ng ating mga negosyo. Ngunit ginagawa lang namen ito para sa inyong kinabukasan, at gusto ko rin syang matuto maging responsableng lalaki. Ayla hinahangaan kita sa iyong pagmamahal para sa iyong pamilya.. Sana ganyan din si Ivan."
Pinagmasdan ko ang muka ng Don, isang matandang nagiisa, malungkot sa buhay ang naaninag ko sa mga mata nya. Nakaramdam ako ng awa. Mas lalo nitong pinagtibay ang desisyon ko na ituloy ang lahat ng ito.
Natapos ang aming pananghalian nagpaalam ako sa kanila kung pwede kong puntahan si Ivan sa kwarto nya. Pinayagan naman nila ako.
Hinanap ko ang kwarto nya, sa sobrang dami ng kwarto dito nakakalito. Ang sabi saken sa pangatlong kwarto mula sa kanan. Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang nakahiga sa kama. Marahil wala pa itong malay.
Dahan dahan akong pumasok at lumapit sa kama. Nakita ko ang isang picture frame sa side table nya. Si don maximo at isang batang lalake na nasa dagat, meron din nakaframe na family picture. Kinuha ko yun at tiningnan naalala ko ang pamilya ko.
"Tapos ka na ba mag sight seeing sa kwarto ko?" napaigtad ako sa gulat nang magsalita si Ivan saken, agad ko naman binalik ang frame.
"Gising ka na pala." sabi ko sa kanya.
"Ay hindi tulog pa! Ganito lang talaga ako pagtulog nagsasalita! " kolokoy to ah!
"Pilosopo lang.." sagot ko sa kanya.
"Sorry naman. Ayla pangalan mo di ba?" umupo sya sa kama nya habang sapo nya ang batok nya na tila masakit pa rin.
"Oo.. sandali masakit ba ang ulo mo? gusto mo tawagin ko lolo mo?" nagsmirk sya saken at tumayo may kinuha na kung ano sa drawer ng side table. Mayamaya pa pinidot nya ang isang remote at automatic humawi ang mga kurtina sa magkabilang gilid. WOW lang!!
"Wag ka mag worry sanay na ko. Tsaka sanay na ko kakapukpok nya sa ulo ko. Tsaka as if magaalala yun. Wala toh.. Baket ka nga pala andito?"
"Ano.. andito ako para kausapin ka." Tumingin sya saken. "Tara dito na lang tayo sa veranda magusap." Nagdial sya sa telepono. "Chef Tim please paprepare naman ako ng Special homemade mong pizza then chocolate icecream at mango juice." Tumingin sya sa gawi ko "Ikaw may gusto ka bang snack or kainin?" umiling ako. "Chef gawin mo nang dalawa yung chocolate ice cream. Sige salamat.." wow parang nasa hotel lang.
"Pwede ba kitang tawaging kuya?" natawa naman sya sa sinabi ko as in Oa sa pagtawa sabay biglang tigil "NO."
"Ok. Ivan." humugot muna ako ng hangin marami akong gustong sabihin at itanong tungkol sa kanya. "Andi-...."
"Hep!!! Sshh.. mamaya na tayo magusap. Pagdating nun pagkain.." napamulat naman ako sa kanya. Nakakabigla tong lalaking toh! Tumigil ako sa pagsasalita at inintay ang pagdating ng pagkain nya.
after 45 mins.
"Oh ayan! I-attack mo na yang townhall para may star! Ay anak ng goblins!! ngayon pa namatay yung dragon ko!! Kainis!! "
SERIOUSLY!! ganito ba ang lalaking mapapangasawa ko!!
"Ehemmmm!!!" pagpaparinig ko sa kanya.
"Uy! Uy! anak ng putakte! 1star lang ako!" wala ba tong naririnig?
"Ivan, pwede na ba tayong magusap?" nagsalita na ko baka di nya narinig kanina.
"Huh?!" nagsalita nga! tutok naman sa cellphone nya! Nakakainis! Bungol lang!
Tumayo ako at binagsak ko ang dalawang kamay ko sa lamesa. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.
"Alam mo ayoko rin naman sayo! Sino ba magkakagusto sa isang lalaking katulad mo na walang manners! Pero kaya ako pumayag na magpakasal kasi may pamilya akong dapat sagipin at responsibilidad ko na ibigay ang makakaya ko. Eh ikaw?! hanggang kailan ka ganyan? Oo 15 pa lang ako pero parang mas ikaw pa yung teenager saten dalawa! Sa ayaw at sa gusto mo tuloy ang kasal! Dyan ka na nga! "
Masama ang loob ko, kaya nasabi ko ang mga bagay na yun. Wala akong pakealam kung natamaan sya dahil totoo lahat ng sinabi ko!
Lord help me! Bigyan nyo ko ng mahabang patience para sa lalaking yun!!
****
Ivan Pov:Ouch!

BINABASA MO ANG
My 15 year old Wife
Random😭😭 naiiyak ako sa kagalakan!! wow lalim tagalog na tagalog..hehe anyways maraming salamat ng lahat ng silent readers and sa mga nag vote.. Love love ko kayo! hehe Gomawo! Kamsahamnida! Saranghae! 😘😘😘 ~Complete Story~