Chapter 12

2.7K 85 1
                                    

Ayla Pov:

Wala kami masyadong nagawa kahapon dahil na rin siguro sa pagod sa byahe at kung kamusta ang aking pagtulog well napakasarap at nakapag recharge na rin ako sa wakas!

Ayon nga sa Motto ni Spongebob I'm ready!! Well i'm so ready to do my pasyal pasyal here in Boracay!! At bago ko yun gawin kelangan gisingin naten si lazy pants.

"Ivan.. Ivan.. Ivan uy gising! tumayo ka na dyan!" hindi pa rin sya gumagalaw .

"Ivan.. Ivan.. gumising ka na kasi gusto ko na mamasyal! Hoy! Ivan!" aba't tulog mantika!

Bumaba ako ng kama at tinanggal ko yung kumot nya. Tiningnan ko ang mahimbing na natutulog nyang muka. Bakit ganun kahit tulog gwapo pa rin sya? Wala naman siguro masama kung titingnan ko muna yung muka nya.

"Goodmorning wifey.." nagulat ako at tumayo ako bigla. Ramdam ko rin ang paginit ng muka ko. Walang lingon lingon pumasok na lang ako ng banyo..

Tok..tok..tok..

"Wifey.. wag ka na mahiya kung gusto mo tingnan ang gwapo kong muka.. hehe" naiimagine ko yung yabang sa muka nya.

Nakakahiya Ayla! napapikit na lang ako. Shemay makaligo na nga lang.

***
"Ayla!! Sandali!! Kumaen na tayo!!" nakakarindi na talaga tong kasama ko. Sana pala di ko na sya ginising, eh di sana wala yung nakakahiyang pagtitig ko sa kanya at nakakairita nyang angal!

"Sandali lang di pa kumpleto tong pasalubong list ko! " naku naman baka kasi malimutan ko pa toh eh.

"Parang awa mo na kumain na tayo!" Chineck ko ulit yung bibilhin ko at mukang may isa pa kaming kulang para kay Lolo Max.

Speaking of Lolo Max saken pinagkatiwala ang mahiwagang credit card para saming panggastos! So maliwanag pa sa sikat ng araw na ako ang magmamanage nito at hindi si Ivan!

Nakapameywang akong nilingon sya, nakita kona hirap na hirap na sya pagbitbit ng mga souvenir items na pinamili ko. Medyo marami rami na rin pala.

"Langya naman! Ginawa mo kong utusan dito! tapos ayaw mo pa kong pakainin!" angal nya saken.

"Eh ano gusto mo ako magbitbit lahat nyan asan naman pagkagentleman mo?" inis kong sabi. Akala ko pa naman may dugong gentleman tong lalaking toh.

"Ano kakain tayo o kakain tayo?" mukang bwiset na nga sya.

"Eto na nga kakain na!" daming angal!

Pumunta kami sa isang Ihaw-ihaw restaurant, mayamaya pa lumapit yung waiter sa table namen.

"Goodafternoon Mam, Sir. Ano po order nila."

"kuya pa order po ng 3 rice, inihaw na pecho, inihaw na pusit, kaldereta at halohalo for dessert." saken po yan, medyo naramdaman ko na rin yung gutom.

"Ano yan pang 1 week lang!" segway naman ni Ivan.

"Pake mo ba." inirapan ko na lang sya.

"Kuya ako bigyan mo ko sinigang na hipon, inihaw na bangus, 4 na rice at sige halohalo na rin." sus, kala mo sya di malakas kumain.

Isaisa na rin nagdatingan ang mga order namen at dahil ramdam namen ang gutom galit galit muna. Natapos lang yung katahimikan namen nun magsalita si Ivan.

"Ayla." si Ivan habang nagpapak ng bangus.

"Baket?" tanong ko dito.

"Sana di na tayo lagi magaway. Let's start to be friends, ginusto naten ang magpakasal so kelangan magwork yung relationship naten." seryoso nyang tanong. Nag roll naman ang mga mata ko sabay lapang ng pecho.

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon