Chapter 01

10 3 0
                                    


Roses are red, violets are blue, bakit nga ba hindi crush nang crush niya si Dominic Lee Kartejo? O'diba walang rhymes? Parang pagasa ko lang sa crush ko'ng kasing-tigas ng semento ang puso.



Kanina pa ako dito sa CS hall at masama ang loob, pero syempre walang susuyo sakin—sino ba kasi ako? Eme!



"Sabi ko naman kasi sa'yo tantanan mo na! Ang tigas tigas din kasi ng ulo na 'yan, ano ba laman niyan? Steel o timber?!"



Mas lalo akong sumibangot dahil sa mga pangaral ng kaibigan kong si Ancie. Dinuro-duro niya pa ang ulo ko na parang nag-che-check lang ng consistency ng semento.
Si Sevi naman na sumbungero, tumatango-tango pa kada pangaral nung isa, akala mo talaga lahat ng ginawa niya tama.



"Baka nga kasi busog siya—"



"KAHIT PA! BEING FULL DOES NOT EQUATE TO BEING A JERK, DOMINIC!"




Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Ancie, maging yung mga nakatambay dito sa CS ay nagulantang ang buhay.




"Ans, siguro ano, calm down muna tayo?" Sevi tried calming her down, iginiya niya paupo yung isa bago ako balingan.
"At ikaw naman, Dee, kailan ba kinain n'yang Josiah na 'yan yung mga binibigay mo at bigay ka pa rin nang bigay?"



Ngumuso lang ako.
Kailan nga ba?




"Iyon na nga! Trial and error ba, Sev? Paano ko malalaman yung gusto niya kung susukuan ko agad—"




"Ay bobo nga! Ikaw na bahala d'yan, Ans, kaibigan mo naman 'yan" Sevi gave up, holding his hands in the air as surrender.
"Teh akala ko bakla ka lang, tanga din pala!"




"Iihhh! Hayaan niyo na kasi! Hindi naman kayo yung napuyat kaka-bake nung cookies e! Maka-react naman kayo!" Sabi ko—na mas dumagdag yata sa init ng ulo ni Ancie.




"Bobita! Yun nga yung point namin ni Sevi! Nagpuyat ka, napagod ka, tapos itatapon niya lang yung bigay mo? Ano ba naman yung decency and respect na kung ayaw pala niya sana tumanggi siya, diba? Or kung nahihiya siya tumanggi, he could've just given them to his friends!"




Hinihingal pa si Ancie nang matapos sa lintanya niya. Awkward naman akong napangisi kasi malaki yung puntos niya
'don, Tito Boy, may tama siya.




"Totoo!" Sevi agreed with Ancie's words.



Huminga nalang ako ng malalim at para matapos na ang usapan, tumango nalang ako.
Alam ko naman na my friends are just looking out for me, and I am forever grateful for that, pero hindi na rin naman ako bata—I can look out for myself.




"Oo na, sige na, naitapon naman na yung cookies wala na tayong magagawa don" pag-aamo ko sa dalawa.
"Alam niyo, gutom na ko, kumain na kaya tayo?" At pag-iiba ko sa usapan.






"Dee! Nagawa mo yung Esquisse plate kay Arch. Duran?"



Kababalik ko lang galing lunch at pangaral ni Ancie pero bad news ulet bungad sa akin.
Nasapo ko ang ulo dahil sa tanong ng blockmate ko—as a third year arki student na mas marami pa time mag-bake at mag-breakdown sa plates kaysa gumawa, do I look like someone who'd remember to finish his esquisse plate?



"Ngayon ba 'yon? Gagi sketch lang nagawa ko!"


Hinila ko na si Sheena papasok ng room para ihabol kung ano man ang pwede kong ihabol sa esquisse plate.
Hindi ko kaklase sa subject na'to si Sevi at Ancie kaya for sure hindi ko sila mahihingan ng tulong—as if din na hihingan ko sila ng tulong! E'di binitin ako patiwarik ni Ancie pag nalaman niya dahilan bakit hindi ko nagawa yung plate!



Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now