Chapter 06

7 2 0
                                    


"I smell something fishy!"




Sevi sat beside me with a wide grin on his face. It's the third day of exam week. Tatlong araw ko na rin pinipigilan ang sarili na bumalik sa dating gawi—ang maghabol kay Jo.





"Naligo ako!" Depensa ko.






Sandali akong tumigil sa pag-gawa ng site development plan para mabilis tapunan ng tingin ng mga kaibigan ko.





"Gaga hindi 'yon!" Sev rolled his eyes.





"Lunch na ng Pharma ganto'ng oras no?" Ancie grinned at me. Hindi ko alam kung sino sa amin ni Sevi ang tinatanong niya.







"Oms! What if mag-Zobel?" Sevi grinned back.






"Ako na naman nakita niyo" I sighed and dropped what I'm doing para harapin sila.





Ancie's eyes rolled, "Paano'ng hindi, sobrang out of ordinary ginagawa mo the past days!" She pointed an accusing finger on my chest.
"Tumigil na ba sa pagtibok 'yang makulit na 'yan?"




"Hoy, Ans! Pag talaga 'yan tumigil sa pagtibok, iyak ka!" Sinampal ni Sevi ang nakaturo'ng kamay ni Ancie before turning back to me.
"What we mean is... bakit hindi mo na dinadalhan ng food si bebe Jo mo?"







"Natauhan ka na ba? Real na?" Segunda ni Ancie. "Lunch na nila, Dee. Kakain 'yon for sure"





Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko. "Wala akong niluto para sa kaniya ngayon. Busy ako mag-review" I answered.





Nagpalitan ng tingin yung dalawa at ngumisi ulit sa akin.
"Weeeh?? E'dati naman kahit kasagsagan ng deadlines natin nakakapag-luto ka. May desert pa nga!" Ancie said.





"Sure ka? Di mo pupuntahan sa ST Caf para bilhan ng food?" Sevi pushed.






"Need ko mag-review" Palusot ko.





"Ano na nangyari sa slogan mo'ng 'kung nasaan si Jo, naroon si Dee'?" Ancie teased.





"JoDee, the fail we protect to couple!" Sevi dramatically said. Nagtawanan sila at nag-apir pa.






Umiling nalang ako at bumalik sa paggawa ng plates. Kailangan ko nang tapusin ito para makahinga na ako ng maluwag at makapag-review na walang iniisip na plates.






"Pero seryosong usapan, Dee" Ancie moved on my other side, napapagitnaan na nila ako ni Sevi.
"Ayaw mo na?"






I can hear the concern on her voice. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at umiling. "It's not that, Ans. Nagpapahinga lang ako. I'm giving myself time—kung aayaw na o sisige pa"






"Palakasan maging martyr pero si Dominic Kartejo ang kalaban mo? Uwi nalang siguro" Sevi sighed.





We spend the rest of the day together, pero dahil magkaiba ang exam schedule naming tatlo, sina Sevi ang naunang umuwi dahil may 7 PM exam pa ako.





My exam finished at 8:30 PM, pero nag-stay pa ako sa CS until 9:30 para tapusin at magpasa ng plates.
Sevi called when I texted them na naabutan na ako ng ulan sa Adamson.




"Sure ka ba? Mag-grab ka nalang kaya, Dee?" Concerned na tanong ni Sev sa akin when I told him I'll ride the train pauwi.





Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now