Chapter 07

6 2 0
                                    


Sevi found me standing in the fiction section, hawak ang cellphone dahil katatapos ko lang i-tweet yung quote na bigla nalang pumasok sa isip ko.





"Nahanap mo na yung libro na gusto mo?" Tanong niya. Tumango naman ako at ipinakita yung libro.
"Huh? Di'ba may ebook copy ka na niyan? Bakit bibilhin mo pa?"





Naglakad na kami papunta ng cashier dahil wala naman na kaming bibilhin pa'ng iba.






"Hindi ko feel kapag digital copy ang binabasa," kibit balikat ko kay Sevi pagkaabot sa cashier nung libro, "Mas maganda i-annotate yung physical copy"





Pagkabayad namin sa cashier ay ginusto pa ni Sevi tumambay sa Johnn Lemon. We bought refreshers and stayed there for an hour or two before going home.






"Dee, eat more. Manang Solis said kaunti lang ang kinain mo kaninang umaga"






Napabalik ako sa pwesto ko sa hapag when Tito Ares spoke. Paalis na sana ako papunta ng kwarto when he called me back.
I watched my uncle put another set of veggies and meat on my plate. Pagkatapos noon ay dumating si Manang Solis para ibigay ang mga supplements na iniinom ko.






I sighed and goes back to eating. Purgang-purga na ako sa mga gamot at dietary plan pero wala akong karapatan mag-reklamo when everyone around me are fighting to keep me alive.





"Nga pala, I saw you awake at 3AM kanina. Dee, nagpupuyat ka ba ulit?" Tito asked.





"Maaga lang po akong nagising, 'To. Nagreview para sa exam" depensa ko. Tito Ares sighed.





"Still, we can't risk you having an attack again. Do you understand?"






"I understand," it won't hurt for me to keep understanding.





"Just... just please be more mindful"






Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain.





Days passed too quickly kapag abala ka, and before I knew it, midterms is done. Just two and a half more months nalang before the semester ends, pero hindi pa rin umuusad yung love story namin ni Jo—kung may pag-asa man masimulan.






Dahil tapos na ang exam at lumuluwag na ulit ang buhay kolehiyo namin, nakakatambay na ulit kami sa botaks kasama si Claire.
May iilang beses na nakikita ko si Jo kasama si West at Yohan, minsan ay kasama rin nila si Rome.
One thing that might have changed between me and Jo, ay ang marahan na pagbati niya tuwing mag-ku-krus ang landas namin.
My friends noticed it too, kaya isang beses ay mapang-akusa akong tinuro ni Ancie.





"Tang ina! Ginayuma mo na no?!"






Binato ko siya ng piraso ng tinapay na kinakain ko.
"Hindi gagi! Desperado ako, oo, pero wala pa naman sa level na 'yon!"





"Siguraduhin mo lang, Dominic Lee! Malapit lang ang Quiapo sinasabi ko sayo!"






My life continues as is. There are times na naninikip pa rin ang dibdib ko pero naagapan naman ng mga iniinom na gamot. I also stopped trying too hard to get Josiah to notice me. I don't want him to be too uncomfortable lalo na't may iilang beses na rin kaming nagkausap nang seryoso, ayoko'ng sirain kung ano man yung trust na nabuo during those encounters. But there are still those instances na ang hirap iwasan.







Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now