Chapter 04

10 3 0
                                    


Three days.









Tatlong araw ang pinalipas ko para kalimutan yung nangyari sa adobo'ng manok ko.
Tatlong araw akong daig pa ang nagtatagong kriminal kaka-iwas na magtagpo ang landas namin ni Josiah. Kapag nagyayaya na tumambay sa botaks sila Ancie ay tumatanggi ako at nagtitiis sa init ng CS Hall para abalahin ang sarili sa paggawa ng plates. Hindi ko rin need bumaba ng ST Cafeteria dahil may baon akong pagkain, kung kakain man kaming barkada ay pinipilit ko'ng sa meralco caf nalang pumunta dahil mas malapit naman talaga 'yon sa CS. Nagtataka man ay pumapayag naman sila, even Claire na sa kabilang building ang klase ay dumadayo nalang.








Sevi and Ancie tried asking what really happened that day, kung bakit bigla nalang ako nawala sa table namin at sa empty classroom kumain. Iling lang ang isinasagot ko sa kanila.





I don't want them to know Josiah as some asshole dahil lang kaibigan nila ako at side of the story ko lang ang naririnig nila. Kahit naman medyo gago moves nga ang ginagawa ni Jo sa akin, I still want to try and understand everything from his perspective.
Baka nahihiya lang talaga siya tumanggi sa akin dahil mapilit ako. Hindi rin naman siya nagkulang sa pan-re-reject sa akin before, at hindi rin naman niya ako pinapaasa, sadyang ako lang ang lapit nang lapit. Kaya if there is someone to blame here—ako 'yon.







"Dee, saan ka?" Tanong ni Sheena pagkatapos ng klase namin sa Planning.






"Library, ikaw?" Sagot ko.





"Baka umuwi na ko, mukhang wala nang klase sa BU e, may seminar daw si AR. Chu" She answered, tumango naman ako at nagsimula na maglakad palabas ng CS Building.
Nagtaka ako noong hindi pa humiwalay sa akin si Sheena kahit nasa falcon bridge na kami.






"Akala ko ba uuwi ka na?" Nagtataka kong tanong.






Ngumisi siya sa akin at nagkibit balikat, "Bawal makisabay? Sa ST naman ako dadaan, init-init kapag sa CS gate ako lumabas"






I let her. We parted ways noong nasa ST na, ako papunta sa library, siya pauwi.
Sa ground floor ako na library nagpunta, kaba ko lang na makasalamuha ko si Josiah kung sa second floor ulit ako.






Hindi naman ako galit sa kaniya, sanay na ako, at least ngayon ibinigay niya sa iba yung pagkain at hindi itinapon.
It's embarrassment that push me to give myself time.
Nahihiya ako na baka nakukulitan na pala sa akin yung tao tas daig ko pa aso kung maghabol.
At least yung aso, cute, e' ako? Cute din pero walang excuse pag tanga.






Maraming istudyante ang nasa library kaya nahirapan ako'ng humanap ng mauupuan. Sa huli ay sa pinaka-sulok ako nakahanap ng pwesto, pero may dalawang istudyante na ang nakaupo.






"Hi, is this seat taken?" Tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila ako at bahagyang umiling. I said my thanks and settled there. Mainit sa CS Hall kaya dito nalang ako gagawa ng plates, balak ko rin na magsimula nang gumawa ng reviewers para sa ibang subject dahil malapit na ang midterms.






Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka-tutok sa ginagawa ko dahil nakaalis na at lahat yung dalawang nakaupo kasama ko ay hindi pa rin ako nag-angat ng tingin.
May nakiupo ulit sa table na engineering students, pero nakaalis na rin sila ay hindi pa rin ako tapos sa floor plans ko.






Nag-inat ako saglit at tinignan ang cellphone ko after some time. May ilang chat galing sa group chat naming magkakaibigan, bangayan ni Sevi at Ancie,
and one text from Tito Ares, asking kung uminom ako ng gamot.
I also checked the time and kung totoo nga yung sinabi ni Sheena na wala na kaming klase sa last subject—it turned out true naman.






Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now