Chapter 09

2 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog mula sa bedside table. I groaned. Ang aga-aga naman!
Masama pa ang loob na dumilat ako at kinuha yung cellphone ko.





Messenger: Josiah Hong sent you a message.

Messenger: Samahang DeeDee ang Labanan has 30 notifications.

Instagram: sheeshna_ sent you a photo.

X (formerly Twitter): 10 notifications.

Blackboard: Design 7; an assignment is posted.





Nasapo ko ang ulo. Hindi ko alam alin ang unang titignan. I checked the clock and saw na 6 AM palang, mamaya pa'ng 10 AM ang klase ko kaya wala akong reason to be up this early.





I turned on my DND para bumalik ulit sa pagtulog. Pero hindi pa man umiinit ang comforter ko ay may sunod sunod na katok naman sa pintuan. 





Isinubsob ko ang mukha sa unan at impit na sumigaw-sigaw. Gusto ko lang matulog, Lord!





Masama ang loob na umalis ako ng kama at nag-martsa para buksan yung pinto.  My hair sticks out in every direction, ni hindi ko na rin tinignan kung may muta ba ako dahil I expected na si Manang Solis or Tito Ares lang iyong kumakatok.






"Tanghali pa po ang klase ko—"





My words hang on my throat upon opening my door. Ang nakataas kilay na si Josiah ang bumungad sa akin—hindi si Manang Solis, hindi si Tito Ares.






"Good morning," he said. His eyes glide inside my room. Pumasok siya habang hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon.





When he turned to look at my working station ay saka ko lang naalala na i-check kung may muta ba ako. Buti nalang wala! Nakakahiya kung meron!





Habang busy si Jo sa pagtingin sa kwarto ko ay mabilis kong iniayos ang kama.





"Why are you here, Jo?" Tanong ko habang pinapagpag ang comforter.





"To ask you to eat breakfast with me," he said without looking, abala na siya sa pagtingin ng mga libro sa bookshelf ko.
"Can I?" He asked, pointing at my books. Tumango naman ako.





"Nang ganito ka-aga, Jo?" I stood awkwardly beside my bed, naghahanap pa ng pwedeng ayusin.





Josiah chuckled and turned back to me, "Kaya nga breakfast kasi umagahan, Dominic" he said the most obvious answer.




Oo nga naman! Tanga naman Dee! Almusal nga eh, tapos itatanong bakit maaga???





Then another question hit me.





"Sino nagpapasok sa'yo?!" Gulantang kong tanong.




Tito Ares doesn't know him, lalo naman si Manang Solis! Ang alam dito sa bahay ay sila Sevi lang ang kaibigan ko!
And... I'm still not out to any of my family members.






Josiah noticed the sudden panic in my face, "Hey, calm down, yung Tito mo ang nakaharap ko. I told them I'm a classmate, since hindi ko naman sigurado if they... know" he explained.





Lumapit siya sa akin at pinatay yung bedside lamp, hindi ko pala napansin na bukas pa rin. Hindi kasi ako makatulog pag sobrang dilim, I always leave my night lamp on—the whole night.





Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now