Chapter 10

5 1 0
                                    


"Saan tayo kakain?" Tanong ni Sevi after our afternoon class, habang nag-liligpit kami ng sariling drafting tools.
"May packed lunch ka ba, Dee? Pag meron willing naman ako bumili nalang sa caf tapos kain tayo botaks, since sa ST naman sunod nating klase" he suggested.





Noon ko lang naalala na nakalimutan ko yung lunch ko dahil na-okupado ni Josiah ang atensyon ko buong umaga.
Nasapo ko ang noo. Hindi naman siguro masama if I'll eat out for today? I mean, ngayon lang naman ulit. The past days naman ay walang palya na yung dietary plan ni Tito Ares ang sinusunod ko.
Ay, sige lang Dee, magdahilan ka pa sa sarili mo!






"Nakalimutan mo 'no?" Pinaninkitan ako ni Ancie ng mata. Napatango naman ako. She sighed and shook her head, "Tigas talaga ng apog mo"





"KFC nalang kaya tayo sa UN Square? Nag-c-crave ako ng chicken!" Sevi suggested.





"G!" Mabilis kong sang-ayon, "Libre mo ba?" Biro ko.




"Ay, wala sa usapan natin 'yan, Dee Dee ko" Sevi refused, umiling-iling pa siya, "Saka bakit ka sakin papalibre e' hindi naman ako jowa mo"





"Kuripot mo naman!" I teased. Wala naman talaga akong balak magpalibre dahil may pera naman ako. Sinusubok ko lang ang pagkakaibigan namin ni Sev.






"Dominic, sinusundo ka na" Sheena appeared in front of us.




"Huy gaga 'to! Watch your words naman!" Sevi teasingly slapped her hand. Tumawa naman si Sheena at itinuro yung pintuan sa likuran namin.





Literal na sumusundo pala yung tinutukoy niya. Josiah waved at me from outside the door. Ngumiti naman ako at bahagyang kumaway pabalik.





"OMG! Kaloka naman, akala ko ba contractual lang relasyon niyo? Bakit parang sobrang dedicated naman sa script ng atabs mo?" Sevi commented.





"Sa una lang 'yan!" Ancie said, bitterly.





Inirapan siya ni Sevi, "Si negativity naman! Si envy siguro main emotion mo 'no? Inggit ka lang kasi walang sumusundo sayo!"





The two started bickering habang mas binilisan ko naman ang pag-aayos ng gamit para puntahan si Josiah. He smiled at me when I approached.





"Are you going out for lunch na?" Salubong niya sa akin.






"Oo, ikaw? Kumain ka na?" Nakangiti kong tanong.







"Are you asking our friend to eat lunch? Go lang, Dee! Samahan nalang namin si Claire kumain!" Sevi smiled teasingly, nakalapit na rin pala sila sa amin.






Bigla naman akong nag-alangan. Baka ma-pressure si Jo dahil sa mga kaibigan ko.
"Sev," I warned.






"Bakit? Nagtatanong lang ako!" Depensa nito.




I gave Josiah an apologetic look. Ngumiti lang siya sa kaibigan ko at nagsalita.
"I hope you won't mind me joining you for lunch"






"O! Ayun naman pala! Sa UN Square tayo kumain, sunduin lang namin si Claire sa ST Gate" Sevi said at nauna nang maglakad.





Gusto kong batuhin ng t-square si Sevi dahil hindi na nahiya. Hindi man lang tinanong kung doon ba gustong kumain ni Jo!





"Pasensya ka na sa kaibigan ko ha, nakalimutan mag-baon ng kahihiyan" I told Jo. Tumawa lang siya at kinuha ang ilan sa mga bitbit ko. Aangal sana ako but he gave me that endearing smile.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now