Chapter 03

9 3 0
                                    


When Tuesday came, kami ulit ni Claire ang magkasama dahil schedule namin ang nagkatugma. Kasama rin namin si Daryll sa pagtambay sa botaks.
Para kaming magkakaaway sa pwesto naming tatlo dahil wala ni isa ang nagsasalita. Busy si Claire sa pagbabasa ng nursing terminologies niya, habang busy naman kami ni Daryll sa pag-gawa ng plates.






Natigil lang ako sa pag-gawa dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko.
Nagkakagulo na naman si Ancie at Sevi sa group chat namin.







[Samahang DeeDee ang Labanan]

Sevi mo ako lang : sinong naka-schedule pagalitan ngayon si @Dee na-crushback ??

Dee na-crushback : luh? Ano ginawa ko?

Sevi mo ako lang : HINDI KA UMINOM NG GAMOT MO KANINA SABI NI TITO ARES! SABI MO SAKEN UMINOM KA!???! SINUNGALING!!!!

Winona Riding in Tandem : tangmother Dee! Seer-use ba i2?????? Dati ka bang gago?






Nasapo ko ang ulo. Nalimutan ko!
Nagmamadali ako kaninang pumasok dahil late na ako sa morning class, tapos hindi naman nag-alarm phone ko kasi pinatay ko para hindi abala sa klase.
Nung tinanong ako ni Sevi kung uminom ako, default na 'oo' ang naisagot ko dahil akala ko nakainom na ko.







"Dee, you didn't drink your meds?" Kunot ang noo na tanong ni Claire. Kinakabahan naman akong ngumiti.






"I can drink naman ngayong tanghali, Cla!" I said and started looking through my bag para sa medicine kit ko—but I couldn't find it.
"Tang ina!"
Napamura ako nang maalala na nagpalit akong bag. Hindi ko nailagay yung med kit ko kaninang umaga dahil sa pagmamadali!
Pati inhaler ko wala!







"Gago, Dee?! Andami mo pwedeng kalimutan!"





Claire nagged at me, dalawa na kaming problemado dahil sa meds ko.
Sapo niya ang ulo habang tina-try tawagan ang bahay namin, sabi ko kasi siya na magsabi kila Manang Solis o Tito Ares dahil natatakot ako mapagalitan kahit kasalanan ko naman.







I groaned. Medyo tanga ako ngayong araw. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot na baka atakihin ako habang nasa iskwelahan.







"Dee, sorry for the words ha, pero medyo stupid ka today!" Claire groaned, still trying to contact our house. Si Daryll naman ay napapailing na, pati siya ay naglabas na ng cellphone.







"Uuwi nalang siguro ako, Cla! Minor subject nalang naman mayron ako mamaya" sabi ko. Maganda rin siguro 'yon para makapag-pahinga rin ako, kagabi pa ako gumagawa ng plates, feeling ko kaunti nalang tatagos na ko sa pader (joke lang, lord! Katok sa kahoy po). At kung atakihin man ako, at least nasa bahay ako.








"Ihahatid na kita, Kuya Dee" Daryll started cleaning his stuff. Pinigilan ko naman agad siya.






"Wag na, Da, kaya ko naman, mag-grab nalang ako para hindi mapagod sa commute. Saka may klase ka pa, strema yon, mahirap i-ditch yon" sabi ko.





Aangal pa ang mag-pinsan pero sa huli ay wala rin silang nagawa. Hinatid nila ako hanggang gate at sinamahan maghintay ng grab, pero for some reason, I am having a hard time booking one.






"Bakit?" Claire asked, looking over my shoulder to see my phone.






"Walang tumatanggap ng booking ko, no available drivers around the area daw" nakasimangot kong tugon.
Kung kailan naman nagmamadali!





Fragile Hearts [HEARTS TRILOGY #1]Where stories live. Discover now