Narrator
"Maam anong gagawin dito sa isa, saad ng isang tao niya.
"Patayin niyo na! Saad ni Sherry.
Saka umalis na nga sila Sherry dala si Sheny.
"Hay*p ka talaga Sherry! Saad ni Cherry.
Babarilin na siya ng maunahan ito ng mga pulis.
"Cherry nasaktan ka ba, saad ni Caesar.
Umiling naman si Cherry.
"Dylan iligtas niyo si Sheny dinala siya ni Sherry sa taas, saad ni Cherry.
At nagdali dali ng magtungo sa taas sila dylan kasama ang mga pulis.
"Bitawan mo ko saan mo ko dadalhin Sherry, saad ni Sheny.
"Sa Empyerno dahil doon ka nababagay, saad ni Sherry.
Hindi nagtagal ay nakaakyat na sila sa Rooftop at nasundan naman sila doon nila Dylan kasama ang mga pulis.
"Sheny! Sigaw ni Dylan.
Sabay hinostage ni Sherry si Shenny.
"Hanggang dyan lang kayo kung ayaw niyong sumabog ang ulo nito, saad ni Sherry.
"Sherry wag mong gawin yan sa kapatid mo parang awa mo na, Saad ni Dylan.
"Wala akong kapatid, saad ni Sherry.
Hanggang sa lalapitan sana sila ng mga pulis ng biglang umatras si Sherry.
"Hanggang dyan lang kayo kundi isasama ko sa empyerno si Sheny, saad ni Sherry.
"Wag! Sherry sakin ka galit diba ako na lang saktan mo wag si Sheny, saad ni Dylan.
"Ibaba ninyo mga baril niyo! Biglang sambit ni Sheny.
"Sheny? Saad ni Dylan.
"Sige na ibaba niyo na mga baril niyo, saad ni Sheny.
At sumunod na nga ang mga pulis dito.
"Sheny don't expect na maawa ako sayo, saad ni Sherry.
"Alam ko Sherry pero kapatid kita, kaya hindi ko hahayaan na masaktan ka, saad ni Sheny.
"Sherry naalala mo ba nung mga bata pa tayo palagi natin sinasabi sa isa't isa na kahit anong mangyari walang iwanan alam minsan hinihiling ko na sana hindi na lang tayo nagkahiwalay, na sana nanatili na lang tayong magkadikit kasi noon mahal na mahal natin ang isa't isa at hindi tayo kailan man nag aaway ng ganito, kambal ko wag mo sana kalimutan ang lahat ng tinuro ni inay satin hindi ako kailan man mawawalan ng pag asa na balang araw babalik din tayo sa dati, nung mga panahon magkasundong magkasundo pa tayo, mahal na mahal kita kambal ko, dagdag pa niya.
"Sherry wag kang makikinig sa kanya inuuto ka lang kambal mo, saad ni Daniel.
"Manahimik ka daniel you manipulated her, saad ni Dylan.
Samantala ng marinig ni Sherry ang sinambit ng kanyang kakambal ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak hanggang sa binaba na niya ang baril niya at lumuhod ito sa harapan ng kakambal.
"Kambal ko patawarin mo ko nadala ako ng galit at inggit patawad, saad ni Sherry.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad wala kang kasalanan. Naiintindihan kita kambal ko, saad ni Sheny.
Sabay nagyakapan silang dalawa hanggang sa dumating ang kanilang ama at niyakap nila ito.
"Mga anak ko, saad ni Jose.
"Itay patawarin niyo po ako, saad ni Sherry.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad anak, saad ni Jose.
"Hindi!!! Hindi ako papayag na maging masaya kayong lahat! Saad ni Daniel.
Sabay babarilin niya sana si Sheny ng harangan ito ni Sherry kaya naman siya ang nabaril, samantala ay binaril din ng mga pulis si Daniel at pinunasasan nila ito agad.
"Sherry gumising ka wag mo kong iiwan, kambal ko! Saad ni Sheny.
"Patawad, mahal na mahal kita kambal ko, saad ni Sherry.
"Tumawag kayo ng ambulansya! Saad ni Jose.
Hindi nagtagal ay nadala na sa hospital si Sherry at dinala ito agad sa operating room.
"Wag kang mag alala anak gagaling ang kapatid mo, saad ni Jose.
Maya maya ay lumabas na ang doctor.
"Doc kamusta na ang anak ko, saad ni Jose.
"Marami ng dugo ang naubos sa kanya kaya kailangan na siyang masalinan ng dugo as soon as possible, saad ni Doctor.
"Anong blood type niya doc, saad ni Jose.
"O+, saad ng doctor.
"Kunin niyo po ang dugo ko doc O+ po ako , saad ni Angel.
"Sigurado po ba kayo dyan? Delikado ang pag dodonate ng blood baka hindi mo kayanin, saad ng doctor.
"Kaya ko doc this the only way para makabawi ako sa lahat ng kasalanan mo sa kapatid ko, saad ni Angel.
Wala na nga silang nagawa kung kaya't kinuha na nila ang dugo ni Angel upang isalin kay Sherry.
Hindi nagtagal ay naging maayos ang operasyon nailigtas is Sherry dahil sa tulong ni Angel.
....Time Skip....
Nakulong na sina Daniel dahil sa kasalanan nitong nagawa habang si Sherry ay nakabalik na muli sa kanyang pamilya, hindi na siya pinakulong pa nila Dylan dahil narin sa ginawa niyang pagsagip sa buhay ni Sheny, tinanggap muli siya ng kanyang pamilya lalo na kanyang lola, nagpaubaya na rin siya kanyang kapatid lalo na't alam niya kung gaano kamahal nila Dylan at Sheny ang isa't isa.
Magmula noon ay nawala na ang alitan sa pagitan nilang magkakapatid nagkabati bati na sila, at tinanggap na din ni Lena ang kambal ni Jose tinuring niya itong parang tunay niyang anak at sinuportahan na niya rin ang pagmamahalan ng kanyang anak at si Caesar, nawalan na rin ng bisa ang kasal nina Sherry kaya naman naging malaya ng magpakasal sina Dylan at Sheny, ganun pa man ay hindi naman tinanggalan ng karapatan ni Dylan ang dati niyang asawa na maging ina sa kanilang anak, bumawi si Sherry sa lahat ng pagkukulang niya sa anak nila.
Lumipas pa ang napakamaraming taon ay namuhay sila ng masaya ikinasal na rin sina Angel, Miles, Cherry at Caesar at nagkaroon na sila ng mga anak, habang sila Sheny at Dylan ay biniyayaan muli na magkaroon ng isa pang anak. Sa paglipas pa ng panahon ay natagpuan din ni Sherry ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo si Darren Chen ang inaanak ng kanyang ama na galing din sa mayamang pamilya, ikinasal din sila at nagkaroon ng sarili nilang anak
And they live happily ever after.
Wakas....
Real_Cherryy.
Hello this is the end of the twin sister story "The Fraud" Sana ay nagustuhan niyo ang aming first ever collab story ni Author Angeloyaties,
maraming salamat sa inyong suporta.
''The Fraud" (complete may 15-25 complete )
YOU ARE READING
The Fraud (may 15-25 complete )
FanficDescription: Isang lalaki na nagmahal sa dalawang babae ngunit iisa ang katauhan pero paano kung lumalim ang magmamahal mo sa isang babae na inakala mong tunay ganun pa man minahal ka naman ng totoo at buong puso. Sino kaya ang pipiliin mo? Yung ba...