[Callie]
Lumipas na ang ilang buwan simula nung lumipat ako dito sa bukid ay nakapag adjust na rin ako sa buhay bukid or we can say buhay haciendera as Keith tagged me that tsss..
At sa loob din ng three months, akalain mong sa bahay pa rin ako nila Kirara nakatira. Sinabihan ko na rin si Dad about where I stay. Ganyan naman siya sa amin basta't magawa namin ang trabaho namin.
"Ms. Callie nandito na po yung delivery ng office tables, chairs and cabinets po." sabi sa akin ni Kiara habang nakasilip lang siya sa pinto ng office ko. Siyempre hindi pa aircon ang opisina ko kasi nga ipinarenovate ko kay Dad tong admin office.
"Sige lalabas na ako kasi I will check all the items if it's in a good condition. Thanks Kiara." tugon ko habang sumasagot ako sa mga emails na dumadating sa akin. After replying the last email I immediately check the delivery outside.
After dad received my email about the renovation ay agad din niyang pinatrabaho kaya after 2 months ay buo na at ako naman ay agad nang namili ng office needs.
"Ito na ba lahat Kiara.. Please recheck the the receipt and my lists kung tugma ba." utos ko.
"Yes po Ma'am I'll check po." sagot niya at agad niyang nirecheck." habang nagrerecheck si Kiara sa delivery ay nagvavibrate ang phone ko and when I check it, si Ate Caroline yung nasa Baguio. Sinagot ko na agad.
"Yes hello! Ms. Caroline what can I do for you?" pambungad ko sa kanya. Rinig ko naman ang inis niya kasi sa lahat ng kapatid niya ako yung pinaka ayaw niya kasi pilosopa nga ako.
"Callie hindi mo ako madadala sa pa ganyan ganyan mo. Inaayos mo ba yang trabaho mo jan baka yang mga pinapadala ni daddy ay pinapang-inom mo lang." Ito talaga si Ate Carol .. hahayss ginagawa niya talaga akong alcohol addict.
"Sakit mo naman magsalita Ate.. Inaayos ko naman ang trabaho ko eh ngyaon pinarenovate ko ang nangigitata na admin office..pero teka ano bang itinawag mo?" tugon ko at siyempre tinanong ko siya kung anong purpose ng tawag niya sa akin. Kasi imposible namang namiss niya ako.
"Ngayong katapusan ng buwan nato ay lumipad ka papunta dito sa Baguio kasi Anniversary ng Ferrera Farms. Pumunta ka talaga kasi nandoon si Dad kapag hindi ka sumunod ewan ko na lang talaga Callista." sabi ni Ate. Kahit ayoko kasi nga ayaw ko maging socialite ang gusto ko simple lang yung walang lamangan sa mga damit, alahas at kotse.
"Oo pupunta ako of course. Masunurin na akong anak Ate kay wag ka nang ma-stress jan." usal ko at tinawanan ko siya.
"Stress na ako sayo noon pa. Siya nga pala dalhin mo na rin si Kirara para may makausap ka naman doon sa event." dagdag pa ni Ate. Mas ginanahan at excited ako that day will come dahil pwede ko isama si Kirara sa event. Yan ang Ate ko kahit ayaw niya sa akin eh may concern pa rin siya.
---
I'm counting the days before the event of course lagi naming topic ni Kirara yun kada uwi na lang namin tanging yun lang ang nasa bibig namin.
"Sigurado ka bang okay na kasama mo ako doon? Baka pag--" masyadong praning tong si Kirara kahit kelan eh..
"Oo nga pabalik balik na lang tayo. Basta sumama ka sa akin kasi kung hindi kita isasama eh mabobored ako doon eh mabuti sana kung may jowa ako eh waley ehh." usal ko sa kanya. Sinabihan ko na rin si Auntie about sa event at wala naman siyang problema dun kasi ang gusto niya ay maenjiy namin ang event.
**D-Day**
Lumapag na yung chopper na sinasakyan ko sa malapad na lupain ng Ferrera Farms. First time kong tumapak dito sa Baguio pero I'm so sad kasi hindi ko man lang maenjoy ang place.
YOU ARE READING
Saving Forever For You
FanfictionWhen the sassy, elite Haciendera, with wit and a sense of humor, Callie met the introverted, sweet, and loving CEO, Simon.