[Callie]
Maaga akong nagising kasi may ihahanda pa ako para mamaya sa event. Kulang talaga ang tulog ko dahil kay Dean.
Ako yata ang may kasalanan kasi dinelete ko lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya kay Sophie.
"Good morning Couz" bati sa akin ni Sanrio kasi sabay kami lumabas sa kani-kaniyang kwarto.
"Oh Morning.. Tara coffee." aya ko kay Sanrio. Sumunod naman ito. I volunteered myself to make our coffee.
"Siya nga pala Callie anong oras ka pupunta sa Hacienda? Di ba doon ka nila aayusan?" oo ng pala muntik ko nang makalimutan may schedule pala ako mga 9am sa Hacienda kasi nirequest ko na doon na nila ako ayusan kesa naman bibiyahe pa.
"Oo nga pala. Mga 9am yun. Sasabay na ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na.. As what can you see tulog mantika ang mga kaibigan natin. Susunod na lang kami doon." sagot ni Sanrio.
"Sa bagay naman .. Si Macey wala pang tulog yon. Jusko! puro Matthew ang bukambibig..Pero tama ba yung ginawa ko kay Dean na dinelete ang mga contacts na makapaalala sa kanya kay Sophie?? Medyo nakokosensya ako." sambit ko and she shook her head.
"Tama lang yung ginawa mo Couz masyado nang toxic ni Sophie after nung nagkita-kita tayo sa Garden by the bay. Sophie is not a kind of girl na same sa atin, she's kinda wild girl at late na nakita ni Dean na ganon pala yun." nagbuntonghininga na lang ako. I'm so speechless.
"I know Dean na may gusto siya sayo Callie but he chose not to deeply in love with you kasi ayaw rin niya na masira ang friendship na meron kayo." yes, I know na matagal na siyang may gusto sa akin and we talked over about it and we agreed to remained as best friends not lovers.
"Napag-usapan naman namin yan many times San.. At nag-agree kami na hanggang kaibigan o kapatid ang turing ko sa kanya gaya ng pagturing ko sa inyo." sagot ko at tumango din si Sanrio.
Since tulog pa ang mga kaibigan namin I instructed Sanrio na siya na bahala sa bahay at pakiusapan ulit ni Kuya guard, ang security ng mga Marcos. After the event maghahanap na ako ng security sa bahay ko most especially kasambahay kasi jusko hindi ko kaya linisin mag isa tong malaking bahay na ito kulang pa ang isang araw.
"Mauna na ako Couz. Ikaw na bahala dito. Pakiusapan niyo lang si Kuya guard sa harap kong kapitbahay mabait yan." bilin ko kay Sanrio at tumango ito. sinara ko na bintana ng kotse ksai lalabas na ako.
Labinglimang minuto lang ang biyahe ko at narating ko na ang Hacienda Ferrera. I saw my whole family na dumating.
"Callista!" napalingon ako and I saw mommy at niyakap niya ako. Siya na ang OA na nanay pero mahal ko yan.
"Mommy! ready ka na ba magpaganda?" pabiro kong tanong ko sa kanya.
"Last week pa daw ready si Mommy, Callie." singit naman ni Kuya Carlos. Nagtawanan naman kami at si daddy naman kahit strict looking yan handa na rin magpagwapo.
"Ma'am, Sir pwede na po tayo magsimula."sabi ng hair stylist namin.. pinahuli nila ako kasi ako naman ang woman of the night awww..
YOU ARE READING
Saving Forever For You
FanfictionWhen the sassy, elite Haciendera, with wit and a sense of humor, Callie met the introverted, sweet, and loving CEO, Simon.